CONOR ISAAC YEAR 2015 NAGISING ako sa isang bakanteng bodega na nakatali na ang aking mga kamay at paa. Mayroong ilaw sa gitna niyon kung saan ay mayroon pang lumilipad na salagubang. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya't kumurap -kurap ako hanggang sa maging klaro ang view sa paningin ko. Naroon, nakaupo ang tatlong kalalakihan na nag-iinuman, parang hinihintay lang akong magising. "Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko. Lumingon ako sa kanan at kaliwa ko, wala akong ibang makita dahil naka pader ang kapaligiran. Wala ring ugong ng sasakyan na maririnig. Heto ako, nakatali sa naka -ekis na kahoy, nakatali ang mga kamay sa itaas, nakatali rin ang mga paa sa ibaba. Nakapagtatakang wala na ang pang-itaas ko at ngayon ay para akong bibitayin sa pwesto ko. "Sino kayo? Anong kailangan