MADGET KINAUMAGAHAN ay nagising ako bandang alas syete ng umaga. Nagkape lang muna ako at kinain na lang ang tinapay na binili ko kahapon. Pagkatapos ko kasing kiligin kagabi ay nagutom na ako ng tuluyan kaya't kinain ko ang dinala ni Conor na ulam at kanin. Dahil walang laman ang sikmura ko mula tanghalian ay napakain talaga ako, wala na munang diet diet dahil ayaw ko pang maagang maging kalansay. Nakatulala lang ako at iniisip ang mga naganap kahapon. "May pa-iyak iyak pa ako, mahal naman pala ako, ano ba iyan?" Naihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha nang maisip ko ang aking naging reaksyon kahapon. "Nakakahiya!" Tumingin ako sa paligid na siyang naging saksi sa kagagahan ko kahapon. Kung makakapagsalita lang ang mga upuan, ding ding, mga pigurin mga appliances ay sabay s