MADGET "SANA hindi na lang ako dumalo sa reunion na ito." Ito ang narinig kong wika ni Conor nang makaupo na kami sa isang tabi. So, class reunion pala ang pinuntahan naming dalawa dito. Gusto niya lang pala ng kasama kaya't narito rin ako. Nasa isipan ko pa rin ang sinabi ng batchmate niyang lalaki kanina. Pilit na umuukilkil sa isipan ko ang tungkol doon. Ano ang tungkol sa kaso niya sa negosyanteng Intsik? Ano ang relasyon nito sa kaso na hawak ko tungkol sa anak ni Mr. Go na isa ring negosyanteng Intsik? Ito na nga ba ang magiging susi sa aking misyon? I stayed silent dahil nag-iisip ako kung paano eentrada. Gusto kong makilala ang lalaking nagsabi niyon, kung ano ang nalalaman niya tungkol sa kaso ni Conor sa negosyanteng Intsik na tinutukoy niya. Nakakahiya rin naman na ako