Kabanata 9

2058 Words
MADGET HABANG nagkakape ako sa kusina ay nakatitig lang ako sa mga bulaklak at sa tsokolate. Kanina ko pa iniisip kung anong gagawin ko sa mga ito. "Oh boy, bakit mo ibinigay sa akin ang mga ito?" Ihinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Nangalumbaba ako sa mesa at bago humigop ng kape. Nakakatamad ang araw ito. Paano ba naman kasi, napuyat ako at maaga ring nagising nang dahil sa monkey na iyon. "Conor...Conor...ano ang ibig sabihin nito?" "Bakit mo kinakausap iyang bulaklak at tsokolate?" Nabigla ako nang makita ko si Joy sa tapat ng kinauupuan ko. "Ano ba iyan Joy?" Napahawak ako sa dibdib ko nang makita ko siya sa harapan. "Kanina pa ako dito, hindi mo ako nakikita? Para ka kasing nananaginip, tapos panay pa ang pagsasabi mo sa pangalan ni kuya Conor. In love ka! In love ka nga!" Itinuro turo niya pa ako sa mukha. Kumunot ang noo ko at naiinis na tumitig sa kanya. "Tigilan mo nga ako Joy. Hindi ako in love. Excuse me." Bwelta ko sa kanya saka ako muling humigop ng kape. "Mamatay?" "Yes." "Mabaog?" "Che!" Sobrang lakas ng tawa ni Joy nang bulyawan ko siya. Naiinis na rin ako sa kanya dahil kay aga aga niya akong inaasar. "Sabi ko na nga ba ay in love ka. Hindi mo maitatago sa akin. Plastado na sa mukha mo, girl. Kita ko. Promise!" "Isa pang sabi mo na in love ako Joy, magiging sad ang pangalan mo, promise!" Ginaya ko rin ang boses niya at paraan niya ng pagsasalita bago ako muling nagkape. "Ang sungit mo naman. May bulaklak ka na nga, may tsokolate ka pa. Tapos ang sungit mo? Grabe ka Madget ha?" "Marami lang talaga akong iniisip," sagot ko. "Gaano karami? One million?" "Isang milyong sapak ang makukuha mo sa akin kapag hindi mo pa ako tinigilan, Joy." "Hmp." Umirap siya at saka tumayo upang magtimpla rin ng sarili niyang kape. Hindi na niya ako pinansin pa hanggang sa matapos na ring magluto si Tiyang Felisa sa labas at saka dinala sa kusina. "Kain na at maaga pa ang ate Madget mo, mayroon silang gagawin ni Conor." Ipinatong niya ang sinaing sa mesa. "Wow. Ano naman kaya ang gagawin nila nay?" sabad ni Joy. Tumingin ako ng masama kay Joy nang dahil sa sinabi niyang iyon. Nakita ko rin si Tiyang Felisa na natawa sa naging reaksyon ko at dahil doon ay hindi na sila umimik pa. MATAPOS ang almusal ay agad na rin akong naghanda para sa aking pagpunta sa barangay hall. Nagbibihis ako nang biglang sumulpot si Joy, nakatayo siya sa hamba ng bukas ng pintuan ng kwarto ko. "Wow, ang ganda mo naman ngayon," wika niya na parang nang-iinis na naman sa akin. Hindi ko siya pinansin na parang wala akong nakikita at naririnig. "Bagay mo iyang red na blouse. Para kang kagulang-gulang," komento pa niya. Kagulang-gulang? Napalingon ako sa kanya at matalim ang mga mata kong umirap sa kanya. "Ay, mali ba ako ng sinabi? Kagalang-galang naman ang nasabi ko, hindi ba?" "Lubayan mo nga ako Joy. Hindi saya ang dulot mo sa akin, pighati. Kaya't pakiusap na lang, please." "Umamin ka muna na in love ka kay kuya Conor." "Joy ano ka ba? Hindi ako in love sa kanya. Okay?" "Hindi iyon ang sinasabi ng mga mata mo, ate Madget." "Nagsasalita ba ang mga mata ko, Joy? Ano ang sinabi ng mga mata ko sa'yo? Hindi ko kasi narinig." "So kailan ka aamin sa kanya na in love ka sa kanya?" Pumasok siya sa kwarto ko at naupo sa gilid ng kama ko. At dahil naiinis ako sa kanya ay sinakyan ko na lang ang sinasabi niya. "Aamin na lang siguro ako kapag handa na ako. Okay na?" "Okay. Sinabi mo iyan ha?" "Ewan ko sa'yo, para kang..." Nabigla ako nang makita ko na si Conor na nakatayo sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. Shocks. Narinig niya lahat ng pinag-usapan naming dalawa ng bruha na ito? As in lahat? Sana lamunin na lang ako ng lupa. Sana ay tangayin na lang ako ng hangin. Sana ay himatayin na lang ako bigla. "Okay, out na ako. Mayroon pala akong gagawin ngayon. Good bye. Ingat kayo sa lakad niyo ha?" Tumayo na si Joy at saka lumabas ng kwarto at binigyan naman siya ng daraanan ni Conor. "Tara na? Kanina pa ako naghihintay sa'yo," pag-anyaya ni Conor. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata. Nakasuot siya ng puting t-shirt na hapit sa kanyang katawan, maong na kupas at rubber shoes. Ang bango bango niyang tingnan. "Kanina ka pa riyan?" mahina kong tanong. "Kararating ko lang," aniya. "Pwede bang sa labas mo na muna ako hintayin? Susunod na ako sa'yo," wika ko. "Ilang oras akong maghihintay?" "Basta, susunod na ako sa'yo." "Okay." Ngumiti siya at saka agad na ring lumabas. Sa tingin ko ay nakita niya ang pamumula ng pisngi ko. Nag-init kasi iyon at malakas ang pakiramdam ko na baka nga nakita talaga niya iyon. Nakakahiya. Kakalbuhin ko talaga si Joy pagdating ko. Hindi ako maaaring hindi makaganti sa kanya. Gigil na gigil ako pero wala akong magawa. Inhale... exhale. Kanina pa ako handa sa aking paglabas ngunit wala akong lakas ng loob. Sinabi niyang kararating niya lang pero bakit diretso siya sa kwarto ko? Imposibleng hindi siya pinapasok ni Joy. Pero hindi ako pwedeng magpahalata. I have learned the art of ignoring things before, kaya't kailangan ko munang isantabi ang hiya ngayon. Kaya naman matapos kong mag-inhale exhale ay isinukbit ko ang bag ko at lumabas na ako ng kwarto. Tyempo namang paglabas ko ay nakasalubong ko si Tiyang Felisa. "Lalakad na po ako Tiyang." Saka ako nagmano sa kanya. "Enjoy hija. Balitaan mo ako ha?" "Magkakaroon lang naman ng screening Tiya Felisa, anong ibabalita ko sa'yo?" "Basta. Sige na hija. Hinihintay ka ng isang prince charming diyan sa labas." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Ang itinuturing kong pamilya ay mukhang ibinebenta na ako sa lalaki na iyon. Paglabas ko ay nasa kalsada na si Conor. Nakasakay siya sa kanyang N-Max. Naka-sunglasses pa ang monkey. Pero hindi ko talaga maitatanggi na sobrang gwapo niya. Ang lakas ng dating niya sa ganitong pormahan. Para siyang kumikinang sa aking mga paningin. Para pang nag-slow motion ang mga segundo na naglalakad ako palapit sa kanya. Ngumiti pa siya at nakita ko ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Lord, is this the angel na ipinadala mo sa akin? Nanlalambot na ang mga tuhod ko. At nang makarating na ako sa tapat ay nagsalita siya. "Hindi naman ako saging, pero bakit ka titig na titig sa akin, pwera lang kung nai-imagine mo na naman ang aking saging," wika niya. Ano ako, unggoy? Okay na sana ang lahat eh. Feel na feel ko na ang paglapit ko sa kanya pero sinira ng mga sinabi niya ang moment ko. Gwapo siya, pero ang pangit ng bibig niya. Panira ng moment. "Sakay na, ineng. Ano pa ang hinihintay mo? Ilabas ko iyong saging ko at lambitinan mo? Naku huwag naman, baka maputol, hindi mo na makain." Ang bastos ng bibig ng lalaking ito. Kung pwede lang talagang tahiin. Wala akong kibong umangkas na sa kanyang motor. At nang makasakay na ako ay nagsalita siyang muli. "Kumapit ka sa akin, mabilis akong magpatakbo." "Okay lang. Sanay naman ako," sagot ko dahil ayaw ko talagang kumapit sa kanya, nahihiya ako. "Kapag hindi ka kumapit sa akin ay hindi tayo aalis." "Ang dami namang arte. Oh." Inilagay ko sa baywang niyang ang mga kamay ko. "Kapit pa ba iyan o hawak lang? Para namang ayaw mo akong yakapin, ang bango bango ko naman." "Paano ba dapat?" "Tsk. Ganito oh, tatanga tanga ka na naman, ineng." Saka niya hinawakan ang mga kamay ko at saka iniyakap sa kanyang katawan. Naramdaman ko kaagad ang matigas niyang abs at ang kanyang muscles. Gumapang naman mula sa aking kamay ang init at kiliti na hatid niyon. "Huwag ka lang bababa ng hawak, may nanunuklaw na cobra sa baba, baka maduraan ka ng dagta niya," babala niya. Kung nakatingin lang siya sa akin ay malamang ay nakita na naman niya ang namumula kong mga pisngi. "Hindi pa ba tayo aalis? Kanina pa ako nakahawak sa'yo oh?" "Huwag mo masyadong ilalapit ang dibdib mo, nararamdaman ko ang maliit mong boobs, hindi ako tinitigasan sa mga ganyang kaliit. Kaya't huwag mo na akong subukan," dire-diretso ang bibig niyang nagsabi nito. Aray ha? Nilait niya ba ang boobs ko? Sure ba siya na maliit ang boobs ko? Maliit pa ba ito sa kanya? Nakaka-babae na siya ah. Sobra. "Nakakarami ka na ah." Sa gigil at inis ko sa kanya at kinagat ko siya sa batok. "Araaaayyyy!" Sigaw niya. "Bagay lang sa'yo iyan," inis kong wika. "Hindi pa tayo nakakarating sa motel gusto mo na akong kainin. Magtimpi ka muna diyan, matitikman mo rin ako mamaya, masarap ako, malinamnam. Tasty kung baga," sabi pa niya na confident sa sinasabi niya. Hindi ako mananalo sa kanya. Wala ring silbi kung makikipag-away lang ako sa kanya ngayon kaya't mas mabuting manahimik na lang ako. Nahihiya na ako sa mga tao na maaaring makakita sa aming dalawa sa ganitong situwasyon. "Teka lang, itetext ko lang si kapitan." Inilabas niya ang kanyang cellphone at saka bigla na lang nag-open ng camera saka nag-take ng picture naming dalawa habang nakayakap ako mula sa kanyang likuran. "Bwisit ka! Burahin mo nga iyan ." Hinampas ko ang kanyang balikat sa inis ko. "Kumuha lang ako ng remembrance. Huwag ka nang umangal pa. Maraming babae at binabae riyan na nais akong mayakap pero ikaw lang ang napagbigyan ng pagkakataon. Kaya't maswerte ka, ineng." Wika niya bago nagpaandar ng motor. Aba'y ako pa ngayon ang maswerte? Astig naman ni Conor. Ano ba siya? Santo para purihin at nais yakapin ng lahat? Pigil na pigil lang talaga ako pero sa totoo lang ay inis na inis na ako sa kanya. NANG MAKARATING na kami sa barangay hall ay naghihintay na ang mga tinawagang sasali sa bikini open. Mula sila sa iba't ibang barangay at bayan na ang ilan ay batikan na sa pagsali sa ganitong mga programa. At nang kami ay maupo na sa inihanda para sa amin ay nagsimula na ang screening. Close door ang screening at isa isang haharap sa akin maging kay Conor. "Next," sigaw ko. Pumasok sa pintuan ang isang lalaking parang sobra at over qualified sa criteria na nasa isipan ko. Parang kilala ko siya. Ignacio? Siya iyong kaklase ko noong ako ay nasa kolehiyo sa bayan. Siya nga iyon. At maging siya ay nagulat sa presensya ko. Gwapo siya, matangkad, moreno, batak ang muscles at malakas ang s*x appeal. "Asyong?" tanong ko nang makalapit siya.. "Geng geng?" aniya. Nais ko siyang yakapin ngunit brief lang ang suot niya. In fairness mukhang daks naman ang isang ito. Napatayo ako at mukha rin naman siyang excited nang makita niya ako. Walang imik si Conor. Para siyang insecure sa kanyang nakikita ngayon. Paano ba naman kasi, sinasadya ko ring magspark ang mga mata ko sa presensya ni Ignacio. "Long time no see." Inabot ni Ignacio ang kamay niya sa akin at saka siya nakipagkamay. Inabot ko rin at nag-shake hands na kami. "Oo nga. Long time no see. Wala ka pa ring ipinagbago. Sumasali ka pa rin sa mga ganito," wika ko naman. "Kinasanayan ko na. Dito rin naman ako kumikita minsan," nakangiting wika ni Ignacio. Sasagot pa sana ako ngunit nagsalita na si Conor. Bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay kinakabahan ako. "Katatapos mo lang akong kagatin, gusto mo na namang kumagat ng ibang saging. Wala kang kasawaan. Matakaw ka!" inis siyang tumayo at lumabas ng private room. Nagkatinginan kami ni Ignacio at saka ako ngumiti. "Huwag mong pansinin iyon. May toyo," sabi ko pa. MATAPOS kong ma-interview si Ignacio ay sumigaw akong muli para sa susunod. "Next." Nakayuko ako at mayroong tinitingnan sa mga papel. Nang mayroong tumayo sa harapan ko at nakita ko ang brief na sobrang hapit sa katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko. Shocks. Sobrang daks. Matambok kahit di pa matigas. Balbon, mabuhok at ang abs, wow na wow. Steamy hot. Umakyat pa ang paningin ko at nagulat ako nang makita ko ang nasa harapan ko. "Naghahanap ka pa ng saba, heto na ang berdeng lakatan. Sa sobrang laki, ika'y mabubulunan." Si Conor? Sasali sa bikini open? Seryoso ba siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD