Kabanata 5

2123 Words
MADGET KASALUKUYAN ang hapunan at wala akong imik. Panay ang kwento ni Tiyang Felisa at ni Conor. Sadyang close sila ng buang na ito. Napakarami nilang pinagkukwentuhan. Mga bagay tungkol sa barangay na para bang hindi matapos-tapos. "Mabuti na nga lang hijo at hindi na nauungkat ang tungkol doon ano? Sana nga ay matapos na ang bagay na iyon at nang malaya ka na," ito ang wika ni Tiyang Felisa na pumukaw sa aking pansin. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Hindi nila ako napansin na tila ba naging interesado sa kanilang pag-uusap. Bakit kailangang lumaya ni Conor? Saan ba siya nakakulong. Biglang nag-sink in sa akin ang misyon ko. Narito nga pala ako sa San Lorenzo upang isagawa ang isang bagay. Ito ay ang mahuli kung sino ang gumahasa at pumatay sa anak ni Mr. Kim Go, isang mayamang negosyante na siyang kumontak sa aming pribadong kompanya. Mag-aanim na taon na ang nakararaan nang walang awang paslangin matapos gahasain ng hindi pa nakikilalang lalaki ang dalagitang anak ni Mr. Go. Mayaman man ang pamilya nila ngunit ang layo sa katotohanan ang pagkamit sa hustisyasa pagkamatay ng dalaga. Ngunit heto, narito lang ako sa San Loreno, bitbit ang nag-iisang bagay. Ang weird nga lang niyon dahil tanging litrato ng ari ng lalaki ang mayroon ako. I smirked sa isipan ko dahil sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ari ng lalaki, at sa litrato pa. "Mawalang galang na po, Tiyang. Ano po ang konteksto ng pinag-uusapan ninyo?" pilit kong isiningit ang sarili ko sa usapan nilang dalawa dahil baka magkaroon ako ng lead sa aking misyon. Bigla namang tumingin si Tiya Felisa ka Conor at tila ba hindi naging komportable ang huli sa aking pagtatanong. "Ah eh, sorry, naging curious lang kasi ako," dagdag ko pa nang manatili silang tahimik. "Hanggang kailan ka nga pala dito hija? Kasi kailangan ng katuwang ni kapitan sa pag-o-organize ng bikini open. Bilang si Conor ang inatasan ni kapitan kanina, kailangan niya ng tulong mo. May alam ka naman siguro sa mga ganoong bagay hindi ba?" Biglang umikot ang utak ko. That's an opportunity upang sa ganoon ay magkaroon pa ako ng kapit at panibagong lead sa aking misyon. "Mukhang matagal pa ako dito Tiyang. At mukhang magsasawa pa kayo sa pagmumukha ko." "Naku hija, ang ganda ganda mo nga eh. Nakikita ko sa'yo ang nanay mo. Ganyang ganyan siya noong nabubuhay." Sabad naman ni Tiyong Erning na siyang kapatid ng aking ina. "Masyado mo talaga akong favorite na pamangkin Tiyong Erning. Kaya manang mana ako sa ka-astigan mo eh." Pinitik ko pa ang braso ng tiyuhin ko at saka kami nagngitian. "So, ano hija? Matutulungan mo ba si Conor?" "Iyon ay kung gusto niyang tulungan ko siya." Wika ko saka ako bumaling ng tingin sa nasa tapat ko. Nagtama rin naman ang aming paningin at ngayon ay medyo komportable na rin akong tumingin sa kanya ng diretso. Hindi na katulad sa mga nagdaang araw na tila ba ako'y isang yelo na naibilad sa araw saka unti-unting natutunaw. "Bakit naman hindi? Kung sadyang gusto mo akong tulungan ay oo kaagad ang sagot mo," sabad ni Conor. Sumubo muna ako ng pagkain saka ako ngumuya. "Ano ba ang gusto mong itulong ko?" hindi ako nakatingin sa kanya nang sabihin ko ito. "Ikaw na ang magiging organizer. Ako na ang bahala sa lahat ng bagay na kailangan mo. Ayaw ko lang talagang mapahiya kay kapitan dahil pista na ng barangay sa susunod na linggo. Abala ang lahat at parang wala siyang ibang maaasahan kundi ako," kaswal na wika ni Conor. Naningkit ang mga mata ko at saka ako nagtiklop ng aking mga kamay at sumandal sa upuan. Nag-iisip, muling umiral ang aking hidden agenda. Kung magiging organizer ako, mas magiging malaki ang chance ko na gawin lahat ang nais ko. Mas mabuti iyon. Okay, iyon lang naman pala. Madali lang ang lahat. "Okay, deal. Kailan ba iyang magsisimula?" Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga maa nang marinig niya ang aking sinabi. Para siyang nabuhayan ng loob sa sinabi ko kaya't kitang kita sa kanya ang pagiging genuine niya sa bagay na ito. "Bale, sa isang araw sana ay magkakaroon na tayo ng screening sa mga nais sumali. Rambol na ito dahil pwedeng sumali ang mga dayuhan. Sa susunod na linggo, despiras ng pyesta ay doon magaganap ang progama," paliwanag pa niya. Hindi ko na namalayan ang sarili ko na nakangiti na pala ako habang nakatingin lang sa kanya. Pinagmamasdan ko ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin, ang kanyang bilugang mga mata at ang kanyang matangos na ilong. Nakahahalina rin ng kanyang mapupulang mga labi kaya't kahit nakatitig ako sa kanya ay para na rin akong idinuduyan ng libo-libong mga anghel. "Hija, nakikinig ka ba sa sinasabi ni Conor sa'yo? Para kang nagde-day dreaming sa kinauupuan mo eh," sabad ni Tiyong na ngayon ay naka-kunot noo na nakatingin sa akin. "Ah eh, opo." Bigla kong sabad saka ako umayos sa aking pagkaka-upo. "Oh anong sinabi niya?" pagkumpirma ni tiyong. "Matangos ang ilong, mapupulang labi...ay este, ano nga ulit iyong mga sinabi mo?" nalilito ko na ring wika. Sa aking pakiwari ay namumula na rin ng husto ang mga pisngi ko dahil nag-iinit ang mga iyon. Titig na titig na naman sa akin si Conor na parang naiinis sa aking inaasta. Ayaw na ayaw niya na natititigan ng husto, halatag iritado siya sa gano'n. "Basta, magkita tayo sa barangay sa isang araw kung gusto mo akong tulungan. Maliwanag?" ma-autoridad niyang wika. "Sure." Saka ako uminom ng juice. Pagkatapos ng hapunan ay siya namang pag-uwi ni Joy galing sa paaralan. Nagmano siya sa kanyang mga magulang at bumeso sa akin, halatang natutuwa na nagkita kaming muli. Bumati lang din siya kay Conor na ngayon ay nakaupo sa mahabang sofa, nakataas pa ang isang paa habang nakikipag-inuman kay tiyong. Ako naman ay naghuhugas ng pinagkainan at si tiyang ay nagsasara na ng tindahan. "Anong ginagawa ni Kuya Conor dito, ate? Huwag mong sabihin na kararating mo pa lang ay binabakuran ka na niyan?" halos pabulong na wik ni Joy na ngayon ay nagbubukas ng nakatakip na ulam sa mesa. "Naku Joy. Hindi ako pumapatol sa monkey. Kaya't huwag mong i-link sa akin iyan. Inimbitahan lang iyan ni Tiyang para kumain dito," saad ko. "Sinong kinain niya?" pilyong tanong ni Joy. Agad akong napalingon sa kanya at pinanlisikan siya ng mga mata. "Iyan ba ang natututunan mo sa paaralan ninyo?" mahina kong sermon. "Ikaw naman ate Madget, hindi ka na mabiro," mahina niya ring wika. Nagpatuloy na ako sa paghuhugas at nang matapos ako ay natapos na rin si Joy. Pinili kong lumabas muna ng bahay, sa tapat kung saan ay mayroong kubo at doon ako tumambay. At dahil mayroong wifi sila tiyang ay ginugol ko ang oras ko sa panonood ng videos sa cellphone. Maya-maya ay mayroon na lang akong narinig na parang tumatagas sa likuran ng kubo. Dahil madilim ay inilawan ko iyon gamit ang aking cellphone. "Hoy, umiihi ako. Tanggalin mo nga iyan!" wika ng isang pamilyar na boses, si Conor. "Balak mo pa akong silipan ha? Kailan ka pa diyan?" iritado niyang wika. "Hoy Mister Monkey. Hindi ako naninilip at mas lalong ayaw kitang silipan ano. As if namang malaki iyan," inis ko ring wika. "Sus, kunwari ka pa. Gusto mo lang makita eh." Saka niya ipinagpag iyon at itinago dahil kita naman sa kanyang mga ginagawa. "Bakit ka ba kasi diyan umiihi? Tapos ako pa itong pagbibintangan mong naninilip. Ang grabe mo rin ano?" "Para naman madiligan ang mga halaman dito," aniya. Eh di sana all halaman. Para lahat nadidiligan. Ay, ano ba iyan. Para na naman akong lukaret na kinakausap ang sarili ko dito. "Ang mahal mahal ng mga halaman ni Tiyang Felisa tapos iihian mo lang?" "Maswerte pa nga sila at naihian ko sila. Grasya na iyon. Bibihira ang naiihian ko, ineng." Halatang lasing siya dahil iba na ang boses niya at delivery niya sa kanyang mga sinasabi saka siya umikot at pumasok sa kubo. At talagang grasya pa kung ituring niya ang maihian ang mga bagay bagay? Ano ba siya? Fountain of blessing? Bigla akong nakaramdam ng hindi pagiging komportable nang maupo siya sa tabi ko. Medyo madilim dito kaya't hindi kita ang kung sino mang nakaupo sa loob. "May boyfriend ka na ba?" out of the blue niyang tanong. Promise. Kung maliwanag lang talaga ngayon, mahihiya ang kulay red sa pisngi ko. Buti na lang talaga ay madilim, kundi ay nanaisin ko na lang na lamunin ako ni Mother Earth. Tanungin ba naman ako kung may boyfriend na ako! Syempre kahit mayroon, sasabihin kong wala. Si Conor na ito, aarte pa ba ako? Erase. Erase. Umuubra na naman ang lukaret mode ko. "Anong klaseng tanong iyan?" tanong ko. "Anong klase sagot iyan?" bwelta niya sa akin. Natahimik ako at nagpatuloy lang siya sa kanyang pagsasalita. "Tinatanong kita tapos tanong din ang isasagot mo sa akin?" "Bakit mo nga kasi tinatanong kung mayroon akong jowa?" "Baka nga kasi magalit kung tutulungan mo ako. Mabuti na iyong sigurado." "Wala naman akong gagawin na masama kung tutulungan kita hindi ba? May malisya ba ang pagtulong sa kapwa ngayon?" "Wala naman, ineng." "Mayroon akong pangalan. Napakaganda ng pangalan ko na ibinigay ng mga magulang ko sa akin. Pero ineng ang tawag mo sa akin. Ano ba iyan." "Eh kumusta naman iyong Monkey na tawag mo sa akin? Di hamak na sobrang gwapo ko naman para lang tawagin mong monkey." Sa loob loob ko ay agree na agree ako sa kanya pero ayaw ko lang ipahalata. Hanggang sa puro katahimikan na lang ang namagitan sa aming dalawa. Maya maya ay nagtanong siyang muli sa akin kung ano ang dapat naming gawin bukas. "Sa mga bikini open ba, ano ang dapat na gawin?" "Syempre. Dahil bikini open ang magaganap, dapat ay puro daks at matambok ang sasal," brutal at no filter kong wika. Napatingin siya sa akin. "Daks? Ano iyong daks?" "Hindi ka siguro daks kaya hindi mo alam iyon. Hindi ka pa ba nasasabihan na daks? Naku nakakaawa ka naman, monkey." "Ipaliwanag mo kasi para maintindihan ko," iritado niyang wika saka nagkamot ng batok. "Anong hayop ang paboritong kainin ng mga bakla?" tanong ko pa. "Hindi ko alam," aniya. "Ano pa, eh di daks." Hindi man lang siya natawa samantalang ako ay masakit na ang tiyan sa katatawa. Paano ba naman kasi, wala siyang ka-ide-ideya sa sinasabi ko. "Isa pang malakas na tawa mo, sisikmuraan na kita," banta niya sa akin. Ay wow. Natahimik ako kaagad dahil seryosong seryoso siya. "Daks. Ibig sabihin, malaki., Mataba. Mahaba. Yummy. Ganern!" Ginaya ko pa ang paggalaw ng ulo at kamay ng mga kaibigan kong beki nang sabihin ko ito sa kanya. Napatangu-tango siya nang malaman kung ano ang ibig sabihin ng daks. "Paminsan-minsan naman kasi ay bumaba kayo mula sa bundok, para naman nagkaroon kayo ng kaalaman at hindi lang kayo nagtatago sa kagubatan, sir monkey," dagdag ko pa. At dahil ayaw niya nang pumatol sa sinasabi ko ay nagpatuloy siya sa pagtatanong. "So, paano natin sasabihin na daks lang ang sasali?" "Aba'y syempre imo-model mo. Para naman makita nila ang standards diba? Maganda naman ang katawan mo, nakita ko kanina." Walang malisyang sinabi ko iyon sa kanya. "Ako? Magbi-brief sa harapan ng tao? Naku, huwag na." "Nakita ko nga, maganda naman eh. Maipagmamalaki iyan. Pwera na lang kung juts ka," bwelta ko pa. "Siguro katawan ko na lang ang laman ng utak mo. Kaya ka natutulala. May pagnanasa ka sa akin, ineng. Ramdam ko." "Masama bang magsabi ng totoo? Nagandahan lang ako sa katawan mo, sasabihin mo nang may pagnanasa ako sa'yo? Huwag gano'n boy. Huwag ako!" Umirap pa ako sa kanya kahit hindi niya ako naaaninag. "Hindi na. Hindi ko gustong magpakita ng katawan at mas lalo nang mag-brief sa harapan nila." "Bakit? Siguro juts ka." "Juts? Anong juts na naman iyan?" "Juts. Maliit, walang buhay, payat. Ganern." Nabigla siya sa sinabi ko at nang sabihin ko iyon ay tumayo siya. "Talagang sinusubukan mo akong babae ka ha?" "Oh, anong gagawin mo?" tanong ko pa na hindi pa rin nasisindak. Hindi siya umimik. "Sige nga, pa-check nga kung juts ka!" wika ko pa sabay isip ng imahe ng ari ng lalaking gumahasa sa anak ni Mr. Go. Kahit sa ganitong paraan man lang ay mas mapadadali ang aking misyon kung agad kong malalaman ang itinatago ng isang ito. Tsk. Sayang naman kung siya ang gumahasa at pumatay. Hindi man lang mapakikinabangan ang kagwapuhan niya kung sa kulungan ang bagsak niya. "Tiya Felisa! Iyong pamangkin niyo, gustong tingnan ang t*ti ko!" Bigla niyang sigaw. Jusko. Hindi ko naman alam na ganito ka-brutal ang bibig ng lalaking ito. Hiyang hiya akong tumayo at saka ko agad tinakpan ang kanyang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD