Nakita kong kumunot ang noo ng lalaki nang sabihin kong hihiramin ko ang alak niya. Hindi siguro'y hindi ito makapaniwala sa aking mga pinagsasabi. Ngunit hindi rin ako nagpahalata na kabado. "Mr. White, huwag mo akong tingnan ng ganiyan, baka matunaw ako na parang ice cream. Aba! Ayaw ko namang basta na lang malulusaw sa iyong harapan," tuloy-tuloy na litanya ko. Magkakasunod naman itong umiling. "Bayaran mo ang alak na kinuha mo sa akin, babae. Tingin mo basta-basta mo na lang makukuha ang alak ko ng walang bayad!" pasinghal na sabi ng lalaki sa akin. Napairap muna ako sa hangin. "Mr. Eggplant, ipapaalam ko lang sa 'yo na hindi ko pa nauubos ang alak, kaya puwede ko pang ibalik sa 'yo!" asar na turan ko, pagkatapos ay maliksing humakbang papalapit sa lalaki, sabay kuha ng kamay nito p