Asar na asar tuloy ako, habang pinapasok sa loob ng bahay ang isang sako na puro talong ang laman. At nang madala ko sa loob ay hingal na hingal tuloy ako. Pakiramdam ko'y hingal kabayo na ang nangyayari sa akin.
My Gosh! Ano bang gagawin ko sa mga talong na ito? Sa totoo lang ay purgang-pura na ako sa talong. Halos araw-araw na lang ito ang aking ulam.
Napabagsak tuloy akong naupo sa sofa. Mayamaya pa'y narinig kong nag-ingay ang aking cellphone. Agad ko iyong kinuha para alamin kung sino ang nagpadala sa akin ng minsahe.
Kumunot ang aking noo nang makita kong number lamang ito.
"Sino kaya ito?!" malakas na sabi ko pa. Hanggang sa buksan ko na ang text message sa akin. Subalit lalong nagrambulan ang aking kilay nang tuluyan kong mabasa ang message sa akin.
"Natanggap mo ba ang mga talong na pinadala ko sa 'yo? Bukas ulit!" malakas na pagbasa ko.
Aba't mayroon pa pala bukas? Hmmm! Mabantayan ko nga ito! At titiyakin kong bukas ay malalaman ko na kung sinong barabas ang nagpapadala sa akin ng mga talong.
"Eggplant sino ka bang talaga? Bakit ba ginugulo mo ang buhay kong tahimik? Ahhhh!" malakas na sigaw ko. Dahil sa sobrang inis ko kay Talong. Naku! Makilala lang kita, humanda ka sa akin!
Nagdesisyon na lamang akong tumayo sa sofa para pumunta sa aking kawarto. Kailangan ko yatang maligo para maalis ang init ng aking ulo. Naku naman! Sobrang malas ko naman ngayong maghapon. Kung hindi bastos ang aking nakakasalamuha ay isang nilalang naman na baliw. Parang gusto kong umalis na lang sa mundong ito at pumunta sa ibang planeta.
"My gosh!" malakas na hiyaw ko, sabay gulo ng aking buhok. Pagkatapos ay nagmamadali na ang mga hakbang ko papasok sa aking kwarto at nagtuloy-tuloy nang pumunta sa banyo para maligo. Maliksi kong inalis ang aking damit at agad na tumapat sa ilalim ng shower.
Parang gumanda ang aking pakiramdam nang tuluyang lumapat ang malamig na tubig sa aking buong katawan. Hanggang sa tuluyan akong matapos sa paliligo. Pinatuyo ko lang ang aking buhok, pagkatapos ay agad na akong nahiga sa kama. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nilamon ng karimlan.
KINABUKASAN nagising ako dahil sa nag-iingay na alarm clock ng aking cellphone. Kahit inaantok pa'y napilitan akong bumangon. Lalo at mayroon akong trabaho. Isa akong sales lady sa isang Mall. Okay naman ang pasahod sa amin kaya nagtagal din ako.
Uminat na lang ako, pagkatapos ay nagmamadali na ang mga kilos ko. Baka ma-late pa ako. Mayamaya pa'y papalabas na ako ng bahay. Bago tuluyang umalis ay inilock ko muna ang pinto. Hanggang sa malalaki na ang mga hakban ko para mag-abang ng masasakyan.
Nakita ko naman ang isang taxi na papalapit kaya iyon na lang ang tinawag ko. Tumingil naman ito sa aking harapan. Mabilis tuloy akong pumasok sa loob ng sasakyan para magpabahatid sa Mall na kung saan ako nagtatrabaho.
Ngunit hindi pa halos nakakalayo ang taxi nang huminto ito, nakita kong may papasakay na isang matandang lalaki. Napansin ko rin ang hawak-hwak nitong basket.
Umurong naman ako para makaupo ang matanda. Iwan ko ba kung matanda ba ito? Sa bagay may hawak itong tungkod. May suot din itong salamin na mga mata nito. May face mask din nga itong suot. Pagdating naman sa buhok nito ay mas lamang na ang puti kaysa sa itim na buhok.
"Miss, gusto mo ng talong?" pag-aalak sa akin ng matandang lalaki. Napataas bigla ang kilay ko, sapagkat hindi boses matanda ang tono ng boses nito. Para bang sadyang pinalaki lamang.
Napangiwi rin ako. Dahil inalok ako nito ng talong. Naku! Kung alam lang nito na tambak-tambak na ang gulay na talong ko sa aking bahay. Kulang na lang ay magbenta ako--- At nang maisip ko ang magbenta ay--- napangisi tuloy ako ng wala sa oras.
Bakit nga hindi? Tama! Ibebenta ko na lang ang mga talong. At doon sa harap ng gate ng bahay namin. May ulam na ako, may pera pa ako. Ayos! Ang galing ko talagang mag-isip!
"Miss, ayos ka lang ba? Bakit panay ang ngiti mo riyan?" biglang tanong sa akin ng matandang lalaking katabi ko.
Ngumiwi muna ako. "Ayos lang naman po ako, Lolo," sagot ko rito.
"Lolo? Tinawag mo akong, Lolo? Bakit apo ba kita?!" pasinghal na tanong sa akin ng matanda. Natameme tuloy ako ng wala sa oras. Teka! Ano kaya ang itatawag ko rito? Isang matandang hukluban ba?
Nagtitimping ngumiti muna ako sa matanda. "Hmmm! Ang sa akin lang naman po ay paggalang kaya Lolo ang itinawag ko sa iyo," malumanay pang sabi ko. Ayaw ko kasing pumatol sa isang matandang lalaki. Dahil ayaw kong matawag na walang mudo o walang paggalang sa isang matanda.
"Paggalang? Sinabi ko bang igalang mo ako?" muling tanong sa akin ng matanda.
Napakamot na lang ako sa aking ulo. At hindi na lang sumagot pa para hindi na humaba ang usapan. Ngunit sadyang matabil ang lalaking hukluban. Sapagkat umataki pa rin ito.
"Siguro wala kang nobyo, ano? Sa bagay, sinong lalaki ang magkakagusto sa 'yo, hindi ka naman kagandahan, kung ikukumpra ka sa baso, isa ka lang plain na baso." Napanganga naman ako sa mga pinagsasabi ng matandang hukluban na ito.
Saka, bakit napunta ang usapan namin sa kawalan ko ng manliligaw? May sayad yata ito, ah.
"Hmmmm! Tatang, mawalang galang po, ah. Wala na kayong pakialam kung wala akong nobyo! Kaya puwede ba, manahimik ka na lamang!" bulalas ko sa lalaki.
Hindi naman nagsalita ang matandang hukluban. Subalit--- napansin kong dahan-dahan itong lumapit sa akin. Kaya bigla akong napaurong.
"Hindi kita anak para tawagin mo akong, Tatang!" mariing sabi niya sa akin. Mas nagulat ako nang bigla niyang hawak ang aking palad. Balak ko nasang hilahin ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito, ngunit sobrang higpit naman nang pagkakakapit ng matanda sa akin.
"Ano pong ginagawa mo?" tanong ko sa lalaking hukluban.
"Huwag kang mag-alala, wala akong gagawin sa kamay mo. Hindi naman kasi kagandahan ang iyong palad, ang dami pang kalyo. Nakakatamad lang hawakan," panglalait pa sa akin ng matanda.
Lalo naman akong nawalan ng boses sa mga pinagsasabi nito. Kumunot din ang aking noo nang mapansin kong nakasuot ito ng gwantis.
"Hindi ka na makakaroon ng nobyo, ngunit magkakaroon ka ang asawa," anas ng matandang lalaki sa akin.
"Pinagloloko mo naman ako tanda," anas ko. Hindi na talaga ako gumalang dito. Dahil masyado na itong nakakainis. Paano'ng mangyayari na hindi ako magkakanobyo, ngunit magkakaroon ano ng asawa. Ano 'yun joke?!
Hinila ko na lamang ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito. Hindi naman umangal ang matanda. Hanggang sa marinig kong pinatigil nito ang taxi sa gilid ng kalsada. Ngunit bago bumaba ay lumingon muna sa akin.
Hanggang sa makita kong kinuha nito ang basket na may lamang talong.
"Gusto mo ng talong?" tanong niya sa akin.
"Ha! Naku! Huwag na po!" tudo tanggi ko at may kasama pang iling ng ulo.
"Aba! Hindi puwede iyon! Oh! Heto! Sa 'yo na ang talong ko," anas nito. Sabay lagay ng basket sa aking hita. Pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng taxi ang matandang lalaki.
Hindi na rin ako nakapagsalita pa. Hanggang sa bumaba ang mga mata ko sa basket na punong-puno ng talong. Jusko naman! Nauumay tuloy akong tumingin sa eggplant na ito.