(MAYA'S POV) Galit na tumingin siya sa akin. Nakita ko ring nagigigil ito dahil nag-igting ang panga ng lalaking Puti. "Huwag mong hintaying magalit ako sa 'yo, Ibon!" pasinghal na sabi nito sa akin. "Mr. White. Pangit nga ako magsulat. Parang kinahig na manok. Sinasabi ko sa 'yo hindi mo maiintindihan," anas ko pa. "So what? Ang gusto ko ay sundin mo ang pinag-uutos ko. Magsulat ko rito sa papel na ito." Sabay turo sa puting papel na nasa ibabaw ng center table. Asar na asar tuloy akong tumingin sa lalaki. "Bibigyan kita ng sample ng sulat ko. Tingnan mo ng mabuti, Mr. Puti!" pasinghal na sabi ko. Nagmamadali akong lumapit sa harap ng center table. Agad kong kinuha ng bolpen at lumapit sa papel para magsulat. Isang malalaking CAPS LOCK na sulat. Talagang ang ginawa ko. At talagang