(MAYA'S POV) Tumingin ako sa lalaking papalapit sa akin. Parang kinabahan ako sa klase ng mga tingin nito. Hanggang sa bigla akong napahinto sa pag-urong ko. Sapagkat, pader na ang nasa likuran ko. Ngunit ang pasaway na lalaki ay talagang inipit ako ng husto kaya hindi na ako makagalaw pa. "Ano nga ulit 'yung mga pinagsasabi mo sa akin? Gusto ko ulit marinig, Miss Maya..." pabulong na tanong niya sa akin. Umiwas muna ako ng tingin, lalo at mas lalo pa nitong inilapit ang mukha niya sa aking face. Ilang beses din akong napalunok ng laway, kasabay rin ang malakas na kabog ng aking dibdib. Tila tinatambol ito nang pagkalakas-lakas. "Miss, Alcose, are you nervous...?" "Ha? Bakit naman ako kakabahan? Teka nga! Lumayo ka nga sa aking harapan, Mr. White. At ako'y uuwi na sa bahay ko," anas k