DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 2

825 Words
DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK2 MATTEW & KIERSTENN #6 Dumiretso sa rancho si Tenten para kalimutan ang hindi niya maintindihang nararamdaman. Samantalang nagmuni muni naman si Tenten. Pervert talaga nakatago na nga napapansin pa...bulong niya sa kanyang sarili. Muli na naman niyang naalala ang nangyari nung isang araw sabi na naman niya nasilipan niya ako...luhhh..mamboboso ang lamok na yun...bulong parin niya. Bigla siyang natigilan saka siya ngumiti at tumango tango. Tingnan nga natin lamok ka kung bibigay ka ba sa akin o hindi... Gabi nang makauwi si Matthew. Narinig ni Tenten ang sasakyan nitong dumating. Dali daling nagbihis siya ng napakaikling short at hanging blouse na v- neck kita ang cleavage niya saka siya nagpulbo at liptint na manipis. Pakembot kembot siyang bumaba. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Kunwaring hindi niya pansin iyun saka lumakad at nilagpasan niya ito. Sinundan naman ng tingin ni Matthew ng tingin ang dalaga. Nalaglag ang hawak nitong pamaypay at pinulot niya ito. Napalunok si Matthew dahil kitang kita niya ang maumbok na puwitan ng dalaga dahil sa iksi ng short nito. Biglang tumingin sa kanya si Tenten nag-iwas ng tingin ang binata at dumiretso sa taas. Pinigilan niyang tumawa kahit naasiwaan siya sa kanyang suot. Kitang kita niya kung paano siya sundan ng tingin si Matthew. Naglakad lakad muna siya sa hardin bago bumalik ulit sa loob ninenerbiyos siya kasi kinapalan lang niya ang kanyang mukha. Umakyat siya nakita niya ulit si Matthew na nakaupo sa balkonahe nagbabasa ng libro. Nagtungo siya doon at umupo ng nakadekwatro saka kumuha ng diyaryo at kunwaring nagbasa ang dalaga. Dahan dahan namang tiningnan ni Matthew si Tenten medyo tinabingi niya ang diyaryong nakaharang sa kanyang mukha. s**t!!! Anong nakain ng abnormal na ito at nagsuot ng napakaseksi eh malamig ang panahon! Aniya sa kanyang isipan. Nahulog ang diyaryong hawak ni Tenten sa sahig dahilan para pulutin niya ito. Muntik nang malaglag sa kanyang upuan ang binata. Kitang kita ang kalahati ng bundok ni Tenten! Lumunok lunok siya at agad niyang tinakpan ang kanyang mukha ng hawak niyang diyaryo. Hindi niya nakita ang palihim na ngisi ni Tenten...pervert ka talagang lamok ka...sabi niya s kanyang sarrili. Siya namang pagdating ni Rayver. "Matt wala pa ba ang mag-asawa?" Tanong niya sa binata. Hindi ito sumagot. Sinulyapan ni Rayver si Tenten. "Wow...Ninenine hindi ko alam na you are so very sexy" ngisi ni Rayver. Nginitan niya ito ngunit sinimangutan niya pagkatapos. "Kapag lagi kang ganyan maiinlove ako sayo Ninenine" patuloy nito. "Ang bunganga mo ungas!" sabad ni Matthew na nagbabasa parin ng diyaryo. "O, akala ko wala ka diyan may tinatanong ako dika sumasagot" biglang turan ni Rayver. "Meron na kanina pa bakit ba?" Inis na sagot ng binata. "May regla ka yata ngayon?" Pambubuska ni Rayver sa kanya. Mahina namang napatawa si Tenten. Ibinababa ni Matthew ang diyaryong hawak niya. "Meron may problema ka?" Dilat niya kay Rayver. Kinamot ni Rayver ang kanyang ulo. "Ibibigay ko sana itong mga passport nina kambal" wika nito. Natigilan si Matthew at tumingin kay Tenten. "Isasama daw nila sa businesstrip yung kambal didiretso sila kay Tita pumayag na sila kasi hiling din ni Tita na makita niya ang kambal" paliwanag ni Rayver. Tumango si Matthew. "Eh ang abnormal na yan isasama ba?" Tanong nito sabay sulyap sa kanya. Inirapan niya ang binata saka kunwaring nagbasa siya ng diyaryo. "Hindi na daw kasi pupunta naman sila kay Tita kaya hindj mahihirapan si Grace dun sa kambal" sagot ni Rayver. Tumayo na si Rayver saka muling tumingin sa kanya. "Mauna na ako bukas ko na ito ibigay baka tulog na ang magdarling" paalam ng binata. "Sexy talaga ni Tenten oh!" Puri niya ito sa kanya at umalis na. "Thank you Rayver" sagot niya na medyo pinalambing ang kanyang boses. Nakakunot noo si Matthew ng tingnan niya ito. Muli niya itong inirapan. Tumayo ang binata at lumapit ito sa kanya. Napamulagat siya sa nerbiyos. "Anong gagawin mo pervert ka?" Taranta niyang tanong. Inilapit pa ng husto ni Matthew ang kanyang mukha sa mukha ni Tenten. Pigil ang hinga ng dalaga dahil naamoy niya mabangong hininga ng binata. "Are you seducing me?" Anas nito sa kanya. Hindi nakahuma ang dalaga. Nang hindi siya sumagot ay walang sabi sabing binuhat siya ng binata. "Ehhhhh...ibaba mo akooo!!" Tili nito. "Shut your mouth or else i will kiss you" banta nito. Tumahimik si Tenten dumretso sila sa kanyang kwarto. Pabagsak na binitiwan siya ng binata sa kanyang kama. "Abnormal ka talaga bat ka nagsuot ng ganyan?" Marahas na tanong nito sa kanya. "Pakialam mo!" Mataray na sagot ng dalaga. Matalim siyang tinitigan ng binata tumahimik siya. "Uli uli pag nagsuot ka ng ganyan magbra ka nalang at panty tutal abnormal ka naman" galit nitong sabi sa dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Tenten "Bastos ka talagang pervert ka!" Dilat noya dito. Ngumisi si Matthew at tuluyan na itong lumabas naiwan namang nagngingitngit si Tenten.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD