Nakarating din sila ng maayos kahit nagbabangayan ang dalawa. Manghang mangha ang dalaga dahil sa ganda ng bahay nina Gerald singganda din nito ang villa. Hinawakan siya ni Matthew sa kamay na ikinabigla niya. Tinapunan niya ito ng tingin. "Relaks hindi ka maano pag hinawakan kita lets go" anas ng binata. Nagpatinaod nalang siya kaysa makipagsagutan dito. Andaming bisita sa loob pawang mga mayayaman. Marami din ang nakatingin kay Mathhew na kababaihan. Nainis siya bigla...hmmmpp sarap kunin ng mga mata ng mga filingerang ito bulong niya sa sarili. "Relaks im yours tonight" bulong sa kanya ng binata dahil nakita nito ang irap niya sa mga babaeng nakikiliti kay Matthew. "Ha?" gulat niyang tanong hindi siya sinagot ng mga ito. Nakita niyang kumakaway sa kanila si Rayver may kasama itong blonde ang buhok at napakasopistikada nito. Maganda din ito kaya lang nasobrahan sa make- up. Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa saka bumalik sa kanyang dibdib at tiningnan niya din ang sarili nitong dibdib at inirapan siya. Parang gusto niyang matawa sa kasama ni Rayver tila natakot sa kanyang naghuhumandig na didib nginisian niya ito. "Nakarating din pala kayo hi kierstenn this is April, honey si Kierstenne. Plastik na ngumiti si April sa kanya. "Hi!" Wika nito. "Hi din" sagot niya at muling tiningnan ni April ang kanyang mayaman na dibdib nakatago lang iyin ngunit kapansin pansin what for kung nakita na yung cleavage niya baka magbigti pa ito...nginitian niya ito. "You are so gorgeous tonight Kierstenne" nakangiting baling sa kanya Rayver nginitian niya ang binata at napansin niyang pinandilatan ito ni April. Talagang muntik na siyang mapatawa. Maya maya pay narinig nila ang emcee na nagsalita. "Ladies and gentleman please enjoy the night and lets dance" sabi ng emcee. Agad pumagitna sina Rayver at April. Tiningnan siya ni Matthew magsasalita sana ito ng lumapit si Gerald sa kanila. "Hello there!!! nandito na pala kayo Kierstenne Matt" wika nito at nagkamayan ang dalawa. Binalingan siya ni Gerald. "Can we dance?" Yaya nito sa kanya. Agad tumikhim si Matthew at tumingin si Tenten dito. "Ahhh...hindi siya marunong sumayaw" si Matthew ang sumagot. Kumunot noo si Tenten. "Hindi naman rock eh love music naman kaya kayang kaya na niya yan" turan ni Gerald. Sasagot sana siya ngunit maagap si Matthew. "Parehong kaliwa ang paa niya kaya lahit sweet music hindi niya kaya" sagot na naman nito. Pinandilatan niya ang binata ngunit inirapan lang siya nito. "Okay i understand hope you will join me a cheers of champagne" sabi ng binata sa kanya. Pinandilatam siya ni Matthew. "May ulcer siya malala na kaya bawal siya ng alcohol" si Matthew parin. Tumawa si Gerald. "I didnt know maraming bawal sayo well thats good see you around" ani nito at kinindatan niya si Tenten ngumiti naman siya kay Gerald. Tumalikod na ito at lumayo sa kanila. Inis na tiningnan niya si Matthew. "Ano? nanghinayang ka?" Malamig na tanong sa kanya ng binata. Sinimangutan niya ito. "Oo may problema?" Ganting tanong niya. Nginitian siya ng binata ng nakakaloko saka hinila sa gitna ng sayawan. Napapitlag pa siya ng hawakan nito ang kanyang beywang habang siya kusang pumatong ang kanyang kamay sa mga balikat nito. Nag-iinit na pinagpapawisan si Tenten sa pagkakadikit nila ni Matthew. Ang hindi alam ni Tenten ay mas doble ang nararamdaman ng binata kaya tinapos na nito ang kanilang sayaw at hinila na siya sa tabi. "Bakit kayo tumgil?" Tanong ni Rayver sa kanila. "Hindi niya alam sumayaw" walang emosyong turan ni Matthew sa pinsan. "Anong hindi ang sweet niyo nga eh" tudyo nito. "Tumigil kang ungas ka makatikim ka sa akin" banta ni Matthew na ikinatawa lang ni Rayver saka sila iniwan. Niyaya siya nitong umupo sa may table kaya sumunod narin siya masakit narin kasi ang paa niya sa taas ng takong nito. "Wag kang aalis may kakausapin lang ako" baling nito sa kanya kaya tumango nalang siya. Bugok!!! Ngitngit niya sa sarili niya. Ako ang tinatawag na abnormal ay ito naman ang abnormal bulong ulit niya sa kanyang sarili. "Bat ka nakasimangot? Papangit ka niyan" intag sa kanya ni tsinito. Umayos siya ng upo at nginitian niya ito. Binigyan siya ng pagkain at kimi niyang tinanggap saka sumubo. "Thank you nga pala" sabi ni Tenten kay Gerald. Tumango lang ito at ngumiti. "Kayo na ba ni Matt?" biglang tanong ng binata sa kanya kaya nabilaukan si Tenten at agad uminom ng tubig. "Ahhhh...paanong kamo hindi panga nangungumpisal" biro niyang sagot dito. "Para kasing kayo na the way he proctected you and depended you" wika ni Gerald. Pilit siyang ngumiti. "Ang ganda sana kung totoo" tugon niya sa binata. "Honestly hindi ba siya nanliligaw sayo?" Tanong na naman ni Gerald sa kanya. "Manliligaw palang" biglang sabad ni Matthew na nakalapit na pala sa tabi nila. Dahilan para malunok ni Tenten ang kasusubo niyang pagkain na hindi pa nginuya. Natigilan naman si Gerald saka ngumiti ulit kay Matthew. Tumango tango si Gerald at tumayo na ito. Tinapik niya ang balikat ni Matthew saka umalis. "Damuhong ka talaga bakit ba sinabi mo iyun?" Dilat na saad niya sa binata. "Bakit gusto mo naman at nag eenjoy ka dun sa Alien na yun?" Inis na balik tanong ni Matthew sa kanya. Napamaang si Tenten sa sinabi nito at kumunot noo. Abnormal nga ang bugok na ito confirm wika ni Tenten sa kanyang isipan.