Sobrang napakakulit na ng kambal nina Nathan at Grace hilong hilo si TenTen sa pag-aalaga sa mga ito. Dalawang taon palang ang mga ito ngunit napakakulit at sobrang madaldal na. Nagtuturo na kasi si Grace sa pagmamay-ari ng kanyang asawa kung saan siya graduate at limang buwan na itong nagtuturo doon. Gaya ngayon naghahabulan ang mga ito sa hardin nababahala siya at baka madapa ang mga ito. "Zia Zion, aalis na si tita iiwanan ko na kayo" pananakot niyà sa dalawa. Tuloy parin sa pagtakbo ang mga ito. Napapikit nalang siya saka huminga ng malalim. "Sige ayaw niyong tumigil ha? tatawagin ko ang higante o di kaya mumo hala kayo kukunin kayo andiyan na siya" pananakot niya uli. Sumigaw si Zia at agad lumapit kay TenTen at nagkubli ito sa likod niya habang si Zion ay umiyak sa takot. Sakto naman paparating si Mattew at narinig niyang umiyak ito. Agad lumapit ang binata at kinarga si Zion. "Who did this to you baby? who?" Malambing na tanong nito sa bata. Itinuro ni Zion ang kanyang tita Tenten. Nahiya namang nangiti ang dalaga. Tiningnan siya ng binata. "What tita Tenten told you and make you cry?" Tanong niya ulit. "She said mumu i' skert" sagot nito hindi pa niya masyadong mabigkas ang "scared". Ngumiti si Matthew kay Zion. "Dont cry strong man never cry" alo nito. Biglang tumahan ang bata sa pag-iyak pinunasan naman ni Matthew ang luha nito. "Sorry kasi naman ayaw nilang tumigil sa kakatakbo eh baka madapa sila" sabi ni Tenten kinalaunan. "Its okay mahirap talaga mag-alaga mostly like them lalo na dalawa pa" sagot ng binata. Kapagkuwan ay binalingan niya si Zia na nakangiti sa kanya sinisilip siya ng bata mula sa likod ni Tenten. Kunwari namang hindi ito nakita ni Matthew. "Where is my princess Zia? Can anyone tell me where she is?" Kunwaring hanap ng binata. Humagikhik ang bata at mas lalong nagtago ito sa likod ni Tenten. Tawang tawa naman si Tenten kahit ang lapit lapit na ni Matthew sa harapan niya. Amoy na amoy ni Tenten ang mabangong hininga nito. Pinakatitigan niya ito kahit papano hindi na niya masyadong nakikita ang lungkot sa mga mata nito. Malakas na tawa ang nagpanumbalik sa kanyang huwisyo karga na pala ng binata si Zia. Inikot ikot niya ito sa ere at tuwang tuwa niya itong hinagkan. "Is my princess very good today?" Ani nito sa bata. Tumango si Zia at hinagkan ang tiyuhin nito. Natutuwang pinagmasdan niya ang mga ito habang kinarga na rin niya si Zion. Halatang paborito talaga ni Matthew si Zia mula pa noon. Saka lang maaliwalas ang mukha nito kapag nakikita niya ito. Lagi niyang sinasabi na ito daw ang stress reliever niya ang kanyang munting prinsesa niya. "Where is mommy is she home?" narinig ni Tenten na tanong ng binata kay Zia. May kung anong kumurot sa kanyang puso. "Do now" pabulol na sagot ni Zia ngumiti si Matthew at pinupog ng halik ang bata. Maya maya pa ay bumaling sa kanya ang binata. "Dumede na ba sila?" Tanong nito sa kanya. "Oo katatapos lang" agad na sagot ng dalaga. "Okay sige dadalhin ko muna itong prinsesa ko para maginhawaan ka naman kahit konti" turan nito at tumalikod na. Napahaba ang nguso niya. Hindi parin ito nakaka move on aniya sa kanyang sarili. Aliw na aliw ito kay Zia kasi xerox copy ito ni Grace patuloy nito na mas kinahaba pa ng kanyang nguso. Natawa na lang siya ng mapansing ginagaya pala siya ni Zion. "Loko ka ha? ginagaya mo si tita" wika niya dito. "Loko ha? tita"" panggaya ni Zion sa kanya. Mas lalong natawa si Tenten kay Zion. Hinalikan niya ang pamangkin at ipinasok na niya ito sa loob ng villa.... Kinahapunan. Magkasabay na dumating ang mag-asawa galing trabaho. Magkahawak kamay pa ang mga ito habang papasok sa loob. Agad silang nagbitiw ng makita ang kambal. Tumakbo ding sumalubong ang kambal sa kanila. Nagbeso besohan sila at tig isa sila ng kinarga. "Hows your day buddies?" Masayang tanong ni Nathan sa kanyang mga anak. "Gud guddd daddy" sambit ni Zia. Pinalaki naman ni Zion ang kanyang nguso na ikinakunot noo ni Nathan. "And why is that buddy?" Natatawa nitong tugon kay Zion. "I saw tata like this" ani ni Zion at inulit pa niyang pinahaba ang nguso nito. Natatawang tiningnan siya ni Grace. Namula naman si Tenten at ngumiti nalang siya para ikubli ang nararamdaman niyang hiya. Hindi naman niya sukat akalain na natatak na sa isipan ni Zion ang kanyang ginawa kanina. Bibo talaga ang kambal ng kanyang pinsan. Mga bata palang ay matandain na ang mga ito. Tiningnan niya si Zion, nakangiti ito sa kanya. Nginitian din niya ang pamangkin nag-flying kiss ito sa kanya. Natawa siyang mag-isa natigilan siya nang may marinig siyang tumikhim sa kanyang likod. Agad siyang lumingon, nakita niyang si Matthew pala iyun. Tumalikod siyang muli dahil namumula ang kanyang pisngi. Baka sinasabi nitong nababaliw na siya dahil tumatawa na siyang mag-isa.
"Mukhang happy ka ngayon?" Untag sa kanya ng binata.
"Lagi naman akong happy," mahina niyang sagot.
"Hindi nga," tugon nito sa kanya
"Oo, 'di mo nga lang pansin." natatawa niyang tinuran.
"Talaga?" naniningkit ang mga mata ng binata sa pagkakatitig sa dalaga.
"Bakit ikaw? Madalang lang ngumiti?" Tanong niya din sa binata.
"Napansin mo 'yun?" Tanong din sa kanya ni Matthew.
Hindi siya nakasagot dahil namula siya.
"Kasi lagi kong nakikita," kimi niyang sagot.
"Ahhh..akala ko lagi mong pinapansin," nakangising sabi ng binata.
Pinandilatan niya si Matthew habang mahina namang tumatawa ito. Gusto niya itong sapakin ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Inirapan niya ito saka iniwan. Narinig pa niyang nagsasalita ito pero di na niya pinansin. Nagtuloy-tuloy na siya sa kanyang silid para matulog na lamang. Naiwan naman si Matthew na natatawa pa rin kay Tenten.
"Sarap talagang asarin," bulong niya sa kanyang sarili.
"Sino?" Singit sa kanya ni Rayver na nasa likod niya pala.
Nilingon niya ito.
"Wala! Mind your own business." angal niya rito.
"Sus! business daw diyan ka na nga isa pa itong the great pretender." irap na sagot ni Rayver saka tuluyang lumayo kay Matthew.
Napapailing na lang si Matthew at lumakad na rin siya papunta sa kanyang kwarto para matulog. Muli niyang naalala si Tenten, napangiti siya at napailing saka pumikit para matulog na.