Fury

1521 Words

Bumaba ka diyan!” Asik nang lalaki kay Ashira. Dahil sa labis na takot nang dalaga natataranta siyang inilock ang pinto nang sasakyan. Nakita niyang nalakad ang lalaki papunta sa pinto nang driver’s seat. Tinangka itong buksan. Pero dahil naka lock hindi mabuksan nang lalaki ang pinto. Napatili naman ang dalaga nang biglang sipain nang lalaki ang pinto. “Ayoko! Maawa ka.” Umiiyak na wika ni Ashira. Nakita niyang itinutok nang lalaki ang baril sa pinto. “AH!” impit na tili nang dalaga nang marinig ang putok nang baril kasabay ang pagsabog nang isang gulong nang kotse. “Sabi kong baba!” galit na wika nang lalaki at muling itinutok ang baril sa bintana. “Kapag hindi mo binuksan ang pinto, babarilin kita.” Wika nito. Dahil sa takot nanginginig na binuksan nang dalaga and pinto nang koste.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD