Sandy Habang nasa eroplano, pauwi na sila sa Pinas ni Martin, at nakahilig ang ulo ng lalaki sa balikat niya. Mahimbing ang tulog nito. HIndi niya lubos maisip na nangyayari itong lahat sa kanila. Napasulyap siya sa kwintas na suot niya, na bigay ni Martin noon. HInaplos niya iyon, at hindi maiwasang tumulo saglit ng luha niya. Marami din silang pinagdaanan...hindi siya makapaniwalang dadating sila sa puntong mahal na nila ang isa't-isa at malaya nilang naipadarama iyon ngayon... Hindi niya tuloy maiwasan na mabalintanaw ang nakaraan. Kung anong nangyari sa kasal nila noon... “PAPA! GALIT LANG PO SI MARTIN!” sabat ni Sandy, kasalukuyang nasa hapag-kainan sila. Dalawang araw na lang bago pumatak ang araw ng kasal. Itinapon niya ang table napkin, “I can’t believe this! He’s blackmailin