SANDY ANO BANG SINASABI NG MARTIN NA TO na main course? Napaigtad siya ng hilahin nito ang braso niya ng mapatayo na sila palapit dito. “Do-don’t touch me easily,” hawi niya sa kamay nito. “Baka makita tayo ng boyfriend ko.” “Nawalan na ako ng gana kaya’t gusto ko ng umuwi,” ani Martin. “I need energy to serve the main course.” “Ano ba ang main course na ‘yan?” pangangasim ng mukha niya. “Yung main course na matagal ko nang hindi natikman,”ngisi lang ng kausap. “Okay,” patay-mali lang niya. “Puwes, puwede na rin akong umuwi, tama ba?” “Oh no,” his voice was dark, “our date is not over yet. Wala naman sa rules na sa labas lang kita puwedeng i-date?” “Alam mo, ang bastos mo!”pagka-irita na niya. “Sinasayang mo lang ang oras ko.” “Shhh, l