PHILIP PHILIP’S EYE GREW SHARPER NG maalala ang malagim na nakaraan niya, hindi na bumalik ang ina niya dahil nakitil ang buhay nito. “Philip! Philip! Ang mama mo, ang mama mo…” humahangos ang kaibigan niyang bata at kasamahan niya sa pagbobote’t bakal. “Bakit? Bumalik na ba si mama, ha?” “Hi-hindi!” iling ng kausap. “Halika! Kailangan mong makita!” Dumaan sila sa makipot na eskinita, papunta sa riles ng tren. Maraming tao ang nagkumpolan, maingay ang paligid at maalisangsang ang amoy ng hangin… Hinila siya ng kaibigan. Lumusot sila sa ilalim ng mga binti ng mga matatanda. “Diyos ko po!” aniya ng isang matanda. Naitabon ni Philip ang mga palad sa mga mata. Tama lang ang kaunting segundo upang maintindihan ng bata niyang pag-iisip ang nasak
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books