SANDY NANANAKIT ANG BALAKANG niya ng mapagising, natural lamang iyon dahil sa kalagitnaan ng gabi ay nagising sila ni Martin at muli nilang pinagsaluhan ang tamis ng pag-iisa. Para silang mga batang gutom sa isa’t-isa, hindi nakapagtataka dahil ilang buwan din silang nagkawalay…at medyo lumuwang naman ang dibdib niya sa isipin na ilang buwan ding naghintay ang asawa niya. Ngunit hindi parin maalis sa isip niya na ang ginagawa nila ay dahil gusto lang siyang buntisin ng asawa para mabigyan ito ng anak, at matapos nito ay maaaring maghiwalay na sila. Mula sa pagngiti ay napawi ang ngiti niya sa labi mula sa pagtatrabaho. “Bakit hindi ka umuwi kagabi? Late din na natapos ang shooting namin.” Halos mapalundag siya ng madinig si Toby sa likod niya. Matapos ng film