Chapter 04
Nakadapa si Max sa kama kinaumagahan at kinapa niya ang tabi niya. Napabalikwas si Max 'nong pagbukas niya ng mata unan na lang ang nandoon at wala si Gabriela.
"Gabby?"
Napamura si Max dahil wala sa room si Gabriela at sa pagaakala na umalis ito. Mapapatay niya si Gabriela kung makumpirma niya na tumakas nga ito at ginamit siya para makaalis sa auction. Kahit boxer lang ang suot ay lumapit ito sa pinto ng kwarto. Salubong ang kilay nito na binuksan ang pinto.
Walang tao sa living room. Naiyukom ni Max ang kamao.
"Gabby!"
May bumagsak na utensil sa sahig at nabasag. Napatigil si Max at naglakad palapit sa sofa kung saan niya narinig iyong nabasag.
Sumampa siya doon at tumingin sa likuran ng sofa. May nakita siya na bulto ng babae na ngayon ay nagpapanic dahil natapon ang pagkain.
Tumingala si Gabriela at nangingilid ang luha na sinalubong ang tingin ni Max.
"Ginulat mo ako."
Napatakip ng bibig si Max dahil sa cute ng babae. Paano naging cute at the same time hot ang isang tao. Suot ni Gabriela ang itim na longsleeve niya na hinubad niya kagabi at nakaupo ito sa sahig habang may hawak na kutsara.
"Bigla ka nawala sa kwarto. Hindi ka nagpaalam."
Nakatayo na ngayon si Gabriela sa harapan niya at nakayuko. Pinaglalaruan ang mga daliri.
"Masyado masarap tulog mo kaya hindi na kita ginising. May kumakatok sa pinto kanina tapos may dala na foods. Nagugutom ako kaya— kaya—"
Nagsorry si Gabriela dahil kumain siya. Hindi siya nagpaalam kay Max.
"Wala ako problema kung kumain ka. Sa susunod magpaalam ka. Akala ko saan ka na pumunta."
Napatingin si Gabriela kay Max. Nakatingala nito tinanong kung saan siya pupunta.
Naitikom ni Max ang mga labi. Maya-maya tumalikod si Max sinabi na magpapatawag siya ng staff tapos magpapadala ulit ng mga pagkain sa room nila.
"Foods!"
Napalingon si Max. Nakita niya kumikinang ang mga mata ng babae at nasa labi ang isang daliri. Natutuwa ito naglakad pabalik-balik sinabi niya na may foods ulit.
Actually after ng nangyari sa kanila kagabi nag-expect siya na may hihingiin ito agad sa kaniya or maglalambing ito katulad ng mga babaeng nakasama niya sa mga past relationship niya but—
Napangiwi si Max sa idea na mukhang second option pa din siya sa priority nito. Mas mahalaga sa babae ang foods.
Ni wala itong pakialam na half naked siya sa harapan niya at hindi na siya nito pinagtuunan ng pansin after niya sabihin na magoorder siya ng foods.
Napatingin si Max sa wrist, sa dibdib at leeg ni Gabriela. As usual naging masyado ulit siya bayolente.
Tumalikod na si Max at bumalik sa room nila. Napatingin siya sa kama tapos inalis ang comforter. Nakakita siya ng patak ng dugo doon.
Napaisip si Max dahil sigurado na siya ang nakauna kay Gabriela. Hindi naman siya gaano nag-expect dahil nakuha niya sa auction si Gabriela at base din sa reaksyon nito kagabi nakaexperience ng pang-aabuso si Gabriela. Paano marunong humalik si Gabriela at may alam ito paano magpaligaya ng mga lalaki.
Napahawak sa ulo si Max at parang tanga tinanong sa sarili kung ano naman kung may experience si Gabriela.
"Pet mo lang siya. Wala ng iba pa."
—
"Ayoko nito master."
Napatanga si Max dahil bigla na lang ni Gabriela hinubad iyong pinasuot niya na dress at tinapon. Undergarments na lang ang suot nito at agad na sumuot sa comforter.
"Anong ayaw mo? What the heck."
Dinampot ni Max ang dress. Malambot ang tela 'non. Dahil ba simple lang ang design kaya ayaw nito?
"Look, pagbalik natin ng mansion magpapatawag ako ng designer. Ikaw na mamili ng gusto mong dress. For god's sake," ani ni Max na sinapo ang noo. Naiirita siya in some reason.
"Uncomfortable! Gusto ko ng katulad sayo."
Napatigil si Max at napaangat ng tingin. Tiningnan niya si Gabriela na ngayon hawak ang itim na sleeve na suot niya kagabi sinabi na gusto niya iyon ang suot. Ayaw niya ng dress.
"No, magdedress ka. Hindi ka pwede lumabas na ganiyan ang suot!"
Lumapit si Max at hinila ang comforter. Nagpapasag si Gabriela sinabi na ayaw niya. Umikot si Gabriela at dumapa. Para itong pusa na kumakawala sa hawak niya at gumagapang palayo 'nong patungan niya.
Imbis mainis natawa na lang si Max pero hindi ibig sabihin 'non nagawa niya pagsuutin ng dress si Gabriela.
Napasapo si Max sa noo habang nakatingin kay Gabriela na nagha-humming habang naglalakad sila palabas ng lobby. Suot ni Gabriela iyong isa sa mga longsleeve niya at nakasuot ng sandals.
Agad na nakaagaw ng atensyon si Gabriela na nasa unahan ni Max na naglalakad. May mga magkasintahan doon ang nasasapak ng mga girlfriend nila dahil halos lumuwa ang mga mata nito habang nakatingin kay Gabriela na parang bata na nagtingin-tingin sa paligid.
Napa-pokerface si Max. Gusto niya bigla alisin mata nga mga lalaking nakatingin ngayon sa alaga niya.
*blag! *
Napahinto si Max sa paglalakad at napatitig kay Gabriela na bumangga sa glass wall. Sinubukan pa ni Gabriela dumaan doon at parang tanga tinanong kung bakit hindi siya makalabas.
Napatakip ng bibig si Max at humagalpak ng tawa. Napalingon si Gabriela after marinig niya si Max na tumatawa.
"Master, hindi ako makalabas."
Aalis ang receptionist sa table niya nang itaas ni Max ang isang kamay para pigilan ang mga staff na lumapit.
Natatawa na lumapit si Max kay Gabriela at hinapit ang bewang nito.
"Kiss me, Gabby. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na ibalik ka sa kwarto at bukas na tayo makauwi."
Walang salita si Gabriela na inabot ang pisngi ni Max. Tumingkayad si Gabriela at hinalikan sa labi si Max.
Walang pakialam ang dalawa kung madami ang nakatingin sa kaniya at kung ilang minuto tumagal ang halikan nilang dalawa at kung gaano iyon kalalim.
Noong maghiwalay ang labi nila sinabi ni Gabriela na gusto niya makita ang bahay ni Max. Sa bahay na ni Max nila ituloy iyon.
Mas lalo tumawa si Max after marinig iyon. Nasasabi iyon ni Gabriela ng walang kurap-kurap at may inosenteng tingin sa kaniya.