EX

938 Words
Sabi nila ang mga EX daw dapat KINAKALIMUTAN na. Sabi ko naman, bakit ko kakalimutan ang isang pinaka magandang EX-ample ng aking kamalian, na naging dahilan para matuto akong pumili ng TAONG mas dapat pagkatiwalaan at HINDI ako iiwan. Hindi ko na idedetalye kung gaano kasaklap yung mga nangyari kaya kami naghiwalay. gaya ng iba, may nagkamali, may nakalimot, may nasaktan. nagsimula sa biglang ngiti hanggang sa nagtapos sa pagiging sawi. Nung unang mga linggo, puro na lang iyak, panghihinayang, sakit ng loob yung nararamdaman ko, ang masama pa dun, ni hindi ko to makwento. ni hindi ko kayang maiba yung tingin sa kanya ng mundo kahit na takteng ang Sakit! siya pa rin talaga yung inuuna ko.. replay ng replay sa utak ko yung mga nalaman ko, pati yung mismong oras na nakipaghiwalay ako. “tama na” “ayoko na” paulit ulit yun.. may mga umaga pa din na nakakalimutan kong hindi na kami at nakipaghiwalay na nga ako. bigla ko na lang isa isang burahin yung mga letrang bumubuo sa ‘good morning mahal ko" dahil wala na nga.. Tapos.... Nakita kita, sa f*******:. Bigla ka na namang lumabas sa newsfeed ko. Ayoko sana tingnan yung profile mo, pero di ko na naman napigilan yung sarili ko. Bweset talaga. Muli ko na namang pinindot yung taenang pangalan mo. Pangalan na minsan ko ding paulit ulit na sinulat sa likod ng notebook ko. Pangalan na noo'y minu minuto kong hinihintay na lumabas sa inbox ko. Pesteng pangalan na laging sinasambit ng mga labi ko dahil sa lecheng pagmamahal ko sayo. Malaki na rin pala pinagbago mo nuh? Medyo nagmatured yung itsura mo. Medyo kumakapal na yung balbas at bigote mo, o tinatamad ka lang talaga mag-ahit. Sabagay, limang taon na rin pala ang nakakalipas. Limang taon na ang dumaan matapos mong saktan yung puso kong nagpakatanga sayo. Naalala mo pa ba? Siguro hindi na kasi tarantado ka eh. Limang taon na pero sariwa pa rin yung sugat na ginawa mo. At sa tuwing makikita ko yang lentek na pagmumukha mo, nagsisibalikan lahat ng sakit dito sa puso ko. Masaya na ako eh, alam mo ba? Pero sa tuwing naaalala ko yung sakit na binigay mo sa akin, palagi kong nararamdaman kung gaano ako kaliit na tao. Kung gaano mo lang isinawalang bahala lahat ng bagay na ibinigay ko sayo. Taragis ka talaga eh nuh. Alam kong hindi mo na maaalala pero lentek, minahal talaga kita noon. Halos limang tasang kape ang tinutungga ko noon, wag lang akong antukin agad kasi katext pa kita. Yung araw araw na pagstalk ko sa f*******: mo at paglike ng mga picture mo. Leche, ang krung krung ko lang talaga noon eh nuh? Akalain mong napainlove mo ako sayo? Sa isang gunggong na katulad mo? Sana pala yung ipinuyat ko sayo sa text, eh itinulog ko na lang ng mahimbing, eh di sana di ako naging reyna ng mga eyebags. Kung yung pinagstalk ko sayo eh pinagsearch ko na lang sa google ng mga mas makabuluhang bagay, natuto pa sana ako. Kung yung pagmamahal ko sayo eh inilaan ko na lang sa taong kaya din akong mahalin ng totoo, hindi na sana ako nasaktan pa. Peste ka kasi eh. Kung bakit ba naman kasi nakilala pa kita? Kung bakit ba naman kasi pinaniwala mo pa ako na mahal mo din ako? Sana pala sa una pa lang, kung alam ko lang na sasaktan mo lang din naman ako, eh di sana suntukan na lang yung hinamon ko sayo. Leche ka. Wala kang puso. Wala kang kaluluwa. Wala kang bayag. Akala mo madali yung pinagdaanan ko? Hindi! Bwisit ka. Pasalamat ka hindi ako bumagsak, dahil kung hindi, susugurin kita sa inyo at isusumbong kita sa nanay mo. Pipingutin ko yang tenga mo at ipapakain ko sa aso. Tatanggalin ko isa isa yang mga kuko mo at chachaniin ko lahat ng buhok mo. Kulang na lang ipakulam kita eh, pasalamat ka, mabait ako. Eto ka na naman. Nagpakita ka na naman sa akin. Anak ka naman talaga ng patola oh! Di kita blinock kasi wala lang. Gusto kong patunayan sa sarili ko na nakamove on na ako sayo. Nakakatuwa kasi nakamove on na talaga ako sayo. Naaalala ko yung sakit, nararamdaman ko pa din, pero di na tulad ng dati. Ngayon, kaya na kitang murahin sa isip ko, kaya ko nang titigan yung mga litrato mo na hindi ako umiiyak. Kaya ko nang sabihin sa sarili ko na ikaw yung nang iwan, na ikaw yung nanakit. Gusto kita kasuklaman, pero gusto din kitang pasalamatan, dahil kung hindi dahil sayo, hindi ako matututong magmahal ng totoo. Kung hindi dahil sayo, hindi ko mararanasan ang maging masaya ngayon. Kung hindi dahil sayo, ako pa rin yung hopeless romantic na babae na walang ibang gusto kundi happy ending. Salamat na din sa sakit. Salamat na din sa lahat. Pero, Tangna mo pa din. Acceptance lang talaga. Wala na kami. at yung pagkakamali niya, alam kong hindi ko deserve yun. at kung patuloy akong iiyak at manghihinayang sa maling tao, para ko na rin sinabing hindi ko din deserve yung darating na tamang tao para sakin. masaya akong pinalaya ko na sya pati ang sarili ko. dapat talaga hindi nakadepende yung happiness sa mga bagay na pwedeng mawala, para kung bigla mang umalis ito, nandyan pa rin yung saya. Patuloy akong magiging mabuti at masayang tao para sa God’s will ko. If I have learned anything in this long life of mine, it is this: in love we find out who we want to be; in war we find out who we are. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD