Flashback Wind's POV “Your sister looked drunk, pare! Hindi mo ba lalapitan para suwayin sa kaniyang paglalasing?” Hiyaw ni Zeek malapit sa aking tainga. Umiling ako. “No, pare. Just let her do what she wants to do.” Malakas din ang boses na sabi ko habang napapangiti. Malakas kasi ang tugtog sa stereo ng disco kaya hindi kami magkarinigan kung hindi kami sisigaw. Pareho kaming pasimple na nakatingin sa gawi ni Cresia na nakatalikod naman sa gawi namin at tumutungga ng ladies drinks, na ‘di ko naman makita kung anong klase ng alak ang kaniyang iniinom dahil medyo malayo kami sa kaniya. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa pagpasok dito. Bawal ang menor de edad at ang alam ko ay hahanapan pa ng id ang mga customer na mukhang bata para lang makasiguro ang management ng bar na wala