"What the meaning of this Caithlyn? Hindi mo kilala ang lalaking sinamahan mo! Hindi ka nag iisip! He is Gianne brother! Alam mo naman ang ginawa niya sa pinsan mong si JM!"
"Dad! What are you talking about? Sigurado po ba kayo na siya ang lalaking sinasabi ninyo?"
"Sa dinami dami ng lalaki ay bakit sa kaniya pa? Sigurado akong naka plano ang pag kakalapit ninyong dalawa! Plano ng lalaking 'yon ang lahat para makaganti sa pinsan mo!"
Gustuhin mang tutulan ang mga salita ng Ama, pero nakakaramdam siya ng kaba.
"I'm sorry Dad, kung na disappoint kayo ni Mommy. I will fix this soon at sisiguradohin kong pagbabayaran niya ito."
"Mag-ingat ka anak, kagaya din natin kung gaano kalakas ang impluwensya ang lalaking iyan. He is the only grandson at the top rank Billionaire in Europe."
"I will Dad, tatandaan ko po."
Nakipagkita siya kay Marcus at kahit gustong gusto na niyang awayin ito ay pinipigilan niya ang sarili. May gusto siyang malaman at gusto niya ay mismong sa bibig ng binata lumabas ang katotohanan.
"Bakit ganyan ang mukha mo may problema ba?"
"Wala naman medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko."
"Drink medicine at baka lumala pa iyan."
"No! I am okay and I hate medicine."
"Okay, we go now."
"Bakit saan ba tayo pupunta, akala ko ba kakain lang tayo?"
"Yeah, kakain nga tayo doon sa penthouse ko."
Iba ang dating kay Caithlyn ng salitang iyon ng binata kaya pinamulahan siya ng mukha.
"O bakit ka namumula anong iniisip mo ha?"
"W-wala ah! may naalala lang ako at isa pa mainit lang ang panahon."
"Humn... parang hindi naman ako naniniwala sa alibi mo baby."
"Stop calling me baby! You're not my Dad, lalong hindi kita boyfriend!"
Sa halip ay malakas na natawa si Marcus, “ masyado kang ano."
"What ano?"
"Masyado kang maganda baby kaya lang medyo malisyosa ka,” habang pinipigilang tumawa at baka mapikon na ito sa kaniya.
Malakas na hampas sa kaniyang balikat ang hindi inaasahan ni Marcus. At muntik na silang magpagiwang-giwang sa ginawang iyon ng dalaga.
"You want to die?"
Natahimik naman agad siya dahil mukhang galit ito sa kaniya. Hindi naman niya sinasadya na mapalakas ang palo niya dito. Nainis lang siya dahil pakiramdam niya ay wala itong respeto sa kaniya. Simula ng magkakilala sila ay ganito na ang trato nito. Lalo na ngayon na may nalaman siya tungkol dito at kung totoo man iyon ay hindi siya makakapayag na gamitin lang nito para mag revenge lang sa kaniyang pinsan. Ito kasing gaga niyang puso ay bakit sa dinamirami ng lalaki ay ito pa ang napili.
Bumagal ang kanilang takbo ng mapansin ni Marcus na tahimik ang dalaga. Hindi naman niya gusto na magalit dito kaya lang bigla na lang siyang nakaramdam ng inis. Masyadong palaban ang babaeng ito at ayaw niya ng ganitong ugali ng babae. Kaya lang ay wala naman siyang magawa dahil kabaligtaran ng kaniyang nararamdaman dito. Isa pa kailangan mapaibig niya ito para madali na sa kaniya ang makaganti kay JM. Ang Montemayor na iyon na walang ibang ginawa kung 'di ang saktan ang kaniyang kapatid. Ngayon na abot kamay na niya ay sisiguradohin niyang sasabog sa galit ang buong angkan ng mga Montemayor.
Pagka park niya ng kotse ay hindi muna sila bumaba ginagap ang palad ng dalaga at sinuyo ito.
"I'm sorry baby hindi naman ako galit sayo nag alala lang ako dahil muntik na tayong maaksidente."
"Sige ayos lang, sorry din napalakas pala ang palo ko sayo."
"Hindi ka na ba nagtatampo sa akin?"
"Bakit naman ako mag tatampo, para 'yon lang?"
Hindi niya napigilan ay kinabig ang dalaga at maalab na hinalikan sa labi. Every time na nasa malapit ito ay binubuhay nito ang kanyang pagnanasa. Kagaya na lang ngayon, wala siyang ibang gustong gawin kundi dalhin ito sa kaniyang kama. Ngunit kailangan niyang pigilan dahil hindi pa ito ang tamang oras. Maingat na inilayo niya ito sa kaniya at pinahid ang gilid ng mapupula nitong labi.
"Halika na baby alam ko na gutom ka na."
Tahimik silang umakyat sa penthouse ng binata habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay. Pangalawang beses siyang makapasok sa bahay nito, una noong lasing siya at dito siya dila ng binata.
"Stay at magluluto ako feel at home." tango lang ang sinagot niya dito.
Nang wala na ang binata ay palakad-lakad siya sa kabahayan dahil ngayon lang niya nabistahan ang loob at napaka ganda.. Kahit lalaki ang nakatira doon ay napaka linis at nakaayos ang lahat. Isang frame ang napansin niya at sigurado siya na ito ang kapatid ni Marcus, ang asawa ng kaniyang pinsang si JM. Iniwan niya iyon ng tingin at naglakad patungo sa bandang kanan. May maliit na door doon kaya naman tumuloy na siya sa pinaka dulo. Muntik pa siyang mapasigaw sa pagkagulat ng makita ang napakalaking aso. Purong itim ang kulay nito na kasing dilim ng gabi nilapitan niya ito at hinaplos ang ulo.
"What is your name handsome?”
Napangiti siya ng gumalaw ang buntot nito at umangat ang isang kamay. Agad na hinawakan niya ito at hahaplusin sana ng bigla siya nitong dambahan.
"Ouch!" kasabay ng pagbagsak niya ay dinagandan siya nito. Panay ang kanyang iwas dahil sa mga halik nito sa kaniya at basa na ang kaniyang mukha ng laway nito.
"Hey! buddy stop!" agad namang tumigil ito at iniwan siya saka dumamda sa binata. Natawa siya ng muntik nang natumba si Marcus napaka laki naman kasi ang aso nito.
"Baby, go to the bathroom and clean your face para makakain na tayo."
"Sige," iyon lang at tumalikod na siya.
Paglabas ni Caithlyn ng banyo ay dumiretso na siya sa dining room at naabutan niya doon ang binata na nag aayos ng table. Hindi muna siya lumapit dito at sumandal pansamantala sa wall. Pasimple niyang minamasdan ang galaw nito dahil sa mga nalaman niya sa Ama. Kung totoo na paghihiganti ang dahilan ng pag lapit nito sa kaniya ay dapat na maging handa siya. Isa siyang Montemayor, hindi para magamit lang ng isang lalaki! No way! Kahit sabihin pa na napakayaman ng pamilya nito ay wala siyang pakialam. Kaya kung ano man ang laro nito ay sasabayan niya. Oo at may nararamdaman siya sa binata ngunit hindi iyon magiging dahilan para mahawakan siya sa leeg nito.
"Hey! Baby, mamaya muna ako isipin halika na at ready na ang food."
Matamis niya itong nginitian saka lumapit na dito. "Wow! Ikaw ba lahat ang nagluto nito?"
"Sino pa ba? Tayong dalawa lang naman ang narito. Sana magustuhan mo ang lahat ng ito para balik-balikan mo."
"Ganon?"
"Yes baby, malay natin ma-inlove ka pa sa akin,” at bahagya pa siyang tumawa.
Pansamantalang isina-isang tabi muna niya ang mga isipin. Magiging unfair naman sa binata kong pati sa harap ng pagkain ay pag iisipan niya ito ng hindi maganda.
"Hindi ako ma-inlove sayo Marcus, unless nilagyan mo ng gayuma ang mga pagkain na ito."
"Baby, hindi ko na kailangan ang bagay na yon isang kindat ko lang sa babae ay nakuha ko na."
"Hindi ka din mayabang ano?"
"Baby, kaya umiwas ka sa mga kindat ko dahil makamandag iyon. Baka magising ka na lang isang umaga na hinahanap-hanap muna ako."
"No way! Mas mga gwapo pa sa'yo ang mga admirer ko at plano ko nang sagutin ang isa sa kanila."
"Subukan mo lang at baka maging kriminal ako!" bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib sa sinabi ng dalaga.
"Seryoso ba 'yan? Kaya mong pumatay ng tao?"
"Why not? Kung magiging kaagaw ko sila!" sabay tayo niya dahil nawalan na siya ng gana at isa pa baka makahalata ito sa kaniya.
"Oh saan ka pupunta tapos ka na ba kumain?" Ngunit hindi na siya pinansin pa nito at iniwan siya sa kusina. Anong nangyari doon at bigla na lang galit, nilayasan rin siya at hindi man lang nagpaalam.
Samantala sa likod ng bahay ay asar na asar si Marcus, kong sinuman ang lalaking sinasabi ng dalaga ay dapat niyang malaman. Tinawagan ang kaniyang private detective at ibinigay ang information ng dalaga.
"Huwag mong aalisin sa mga mata mo at siguraduhin na walang makakalapit sa kaniya." Babayaran kita kahit triple, basta gawin mo ang trabaho mo!"
Ang kaniyang detective ay isa rin na navy seal at sa pagkakaalam niya ay kilala nito ang isa sa Montemayor na dati ding navy seal. Hindi lang niya kilala kong sino sa mga Montemayor.
Nang masiguro na ayos na siya ay humakbang pabalik sa loob ng bahay. Hindi dapat siyang umaasta ng gano’n sa harap ng dalaga. Tumuloy siya sa kusina at naabutan niya ito doon na nasa harap ng lababo. Nakatalikod sa kaniya at malaya niya na pinagmasdan ang kabuuan nito hanggang hilahin siya ng mga paa patungo dito.
Nagulat si Caithlyn ng may mga braso na pumulupot sa kaniyang baywang. Kinilabutan siya sa pag kakadaiti ng kanilang katawan. Lalo na ng maramdaman ang labi ng binata sa kaniyang leeg ay para siyang sinisilaban sa init na nararamdaman.
"Ahm, l-lumayo nga! Hindi mo ba nakikita na busy ako dito sa ginagawa ko?"
"Para yakap lang ang damot naman!"
Gusto niyang sagutin ang binata sa sinabi nito kaya lang nanahimik na lang siya. Baka ipagkanulo pa siya ng sariling bibig o sa mga kilos niya.
"I need to go Marcus."
"Ihahatid na kita baby."
"No need, I can manage."
"Sigurado ka?"
"Yes, and thanks for the food ang galing mong magluto."
"So nai-inlove ka na sa akin?"
"Hindi!"
Malakas siyang natawa, “okay, take care baby and call me pag nasa bahay ka na."
"I will, bye."
Nagmamadaling lumabas ng penthouse at halos takbuhin ang elevator para lang makababa agad. Naghihintay ang kaniyang pinsan sa labas ng gate at hindi dapat malaman nito na dito nakatira si Marcus. Kaya ng makita ito ay agad na sumakay, mahirap ng maka tunog pa ito.
"Sino ba ang kaibigan mo na nakatira diyan pinsan at nasaan ang kotse mo bakit hindi mo dala?"
"Kasi Kuya Jam, biglaan kaya hindi na ako nag dala ng sasakyan."
"Mabuti at nandito ako sa malapit or else makakapag taxi ka alam mo naman na hindi ka ligtas na mag-isa."
"Kaya nga Kuya, huwag mo akong isusumbong kay Daddy, at baka palabasin na naman ako ng bansa pag nagkataon."
"Don't do that again Princess, alam mo naman na iilan lang kayong babae sa pamilya, kaya gano’n na lang kayo namin protektahan."
Yumakap ng mahigpit si Caithlyn sa kaniyang pinsan, "thank you Kuya Jam."
"Saan pala kita ihahatid?"
"Doon na lang sa bahay Kuya, at baka malaman pa ni Daddy."
"Mabuti pa nga at baka pati ako ay malintikan sa pagiging pasaway mo."
"Ngumiti lang siya sa pinsan, “Kuya, mabait kaya ako."
"Eh, di wow! Ikaw na ang mabait, tara na nga!"
Samantala ay basag ang mobile phone ni Marcus, dahil sa lakas ng pag bato nito sa wall. Galit na galit siya ng matanggap ang mga larawan ng dalaga na may kayakap sa loob ng isang mamahaling sasakyan.
Hindi siya makakapayag na mauunahan siya ng ibang lalaki. Gusto niyang pumatay sa mga oras na ito, "s**t! Damn it!"
"Sir Marcus."
"What?!"
"S-si Senorita Cassandra, po nasa line."
"Sige sa kwarto ko na lang sasagutin, pasensya na ho at medyo may problema lang ako."
"Ayos lang po sir Marcus."
Nang makapasok sa kwarto ay dinampot agad ang phone, "Yes, baby sis?"
"Hindi ko makontak ang mobile phone mo Kuya?"
"Ah, n-nahulog ko sa pool, bakit ka pala na patawag?"
"We are planning to go back in Philippines Kuya."
"Why? What for?"
"I'm sorry Kuya, pero hindi ko pa masasabi sayo ngayon. But i promise na ipapaalam ko kaagad soon."
"Mag ingat kayo ng mga bata, ayaw kung mabalitaan na may hindi magandang nangyari sa inyo. Alam muna ang maaaring mangyari kay Montemayor at sa akin. Kaya careful at kung ano man ang dahilan ng pag uwi ninyo sa Pilipinas, sana lang para sa kabutihan ninyong mag iina."
"Salamat Kuya, ingat lagi."
"Yes baby sis, ako pa ba?"
"I miss you Kuya, bye."
"I miss you too."
Labag sa kalooban niya ang pag uwi ng kaniyang kapatid. Alam naman niya na si Montemayor ang may pakana ng lahat. Basta sana lang wala siyang mabalitaan na hindi maganda sa kaniyang kapatid at pamangkin. Baka pag nagkataon ay Montemayor vs Ortega at hindi siya natatakot sa mga iyon.
Lumabas siya ng kabahayan at nagtungo sa likurang bahagi ng mansion. Doon ay may malawak na space para sa gym at target area. Lahat ng mga litrato ni JM at ng lalaking kayakap ni Caithlyn sa mga picture ay siyang inilagay niya sa target. Mabilis na naghanda na akala mo ay may kalaban at sunod- sunod na inasinta ang bawat litrato roon. Lahat ay patama sa krus ng noo, gigil na gigil siya sa dalawang nasa larawan.