Chapter 5

2639 Words
"Bernardo laya ka na" Nanlaki ang mata ko at agad napatayo "Ano po yun ?" Baka kasi nabingi lang ako at kung ano ano na ang naririnig ko . Feeling ko kasi nakulam na ko ni Ford dahil sa mga titig ko sa kanya ng pasimple eh . Sya kasi bantay kagabi kaya nagpyesta ang mga mata ko pero ngayun maaga syang umalis.. Parang namiss ko tuloy ang isang yun Pero na bubwisit talaga ako sa kanya "Laya ka na . May nag pyansa sayo" Kumunot ang nuo ko ay sinumulang kunin ang mga gamit ko "po? Sino po?" "Hindi nagpakilala eh .basta pyinansahan ka lang" Hala ! Sino yun ?? Si marga kaya? Sya lang kasi may alam na nandito ako eh . Baka nga si marga Kailangan ko syang pasalamatan mamaya "Sige po salamat po ah" "Sige magiingat ka .. wag ka ng gagawa ng masama para hindi ka na bumalik dito" "Eh wala nga po akong ginawang masama eh . " Bwisit to . "Oh sige na .. magiingat ka ah ? Sana hindi ka na bumalik dito magbagong buhay ka na" "Wow grabe makapagsalita ka kuya para akong pumatay ah?" Natawa ito akala nya nagjojoke ako pero totoo naman makapag salita kasi akala mo pumatay nako o kaya ginapang ko si ford kagabi . Ay teka .. speaking of ford .. Hindi ako makakapagpaalam sa kanya .. Sayang hindi ko sya mababayagan pakshet sya galing timing talaga nya no ? Siguro may radar yun alam nya ngayun ako lalaya kaya nag over time sya kagabi para ngayun umuwi . Well maybe this is the end of us . Wow! Maka the end of us parang naging kame ba ? Pero sayang talaga .. lamang tiyan sana yun si ford .. masyado lang talagang masungit at hindi tumatalab sa kanya ang kagandahan ko .. Well kung kame kame .. gagawa si tadhana ng paraan para magkita uli kame . "Sige po alis nako" "Ingat red !" Umalis na ako ng presinto at para akong rabbit na nkawala sa kural .. nasilaw pa nga ako sa liwanag ng araw Iba din talaga ang natural vitamin D na nagmumula sa sun .. pero okay lang naman .. may Vitamin D din naman ako sa kulungan . Vitamin Danilo aka SPO2 Ford Diba ? Di nadin masama ?? Kahit parang pang lolo yung name nya na anglakas mga throwback ng 100 years pwede nadin dahil bawing bawi sa apelyidong Ford Haaay ... hindi na sya maalis sa isip ko . Kailangan ko talaga syang bayagan para matahimik ako .. Hindi pa ako nakakaganti sa bungol na yun . Pero wag syang magalala magtutuos uli kame . Sa ngayun i have to face my chanlenges first .. i need to face reality may panahon para pumagibig at lumandi .. iisan tabi ko muna si ford at haharapin si aling mercy no mercy Bumaba ako ng taxi at agad pumasok sa eskinita namin at as usual nagpapansin nanaman yung mga tamad na tambay sa bawat sulok ng madaanan ko . Kapag ako talaga naging presidente ang mga manyak na tambay ang una kong papatumba .. tapos papahanap ko si ford para maging body guard ko ..at ipapahalik ko sa kanya ang maganda kong paa animal sya . "Oi chandy ..buti napadaan ka ? Sabi ni aleng mercy di ka na dito nakatira ?" "Hoy pinagsasabi mo dyan ? Nagbakasyon lang ako no " "E yun sinabi nya eh .. saka may iba ng nakatira doon sa unit mo" Nanlaki ang mata ko at dali daling umakyat ng building at pagdating ko sa tapat ng pinto ay tama nga ang sinasabi nung tyanak na tambay sa kanto . Napailing ako at agad kumatok sa unit ni aling mercy pero nagulat din ako ng bukas ito at naabutan si aleng mercy na nakahiga sa sofa nya at may nakalagay na kung ano sa mukha nya Tinapik ko sya pero hindi sya kumibo ! Syet ! Baka patay na sya!! Hindi pwede to ! May pumatay sa kanya ! "aling mercy !!! Aling mercy !! Bakit mo kame iniwan !" "Ay putanijuan ! Ano ba yan !" Gulat na sabi nito at nalaglag pa ang kamatis na nakalagay sa mata nito kaya nanlaki ang mata ko . Hindi patay si aling mercy ! Dahil buhay sya ! The lord had mercy with aling mercy ! "Teka aling mercy .. hindi ako puta ni juan .. si nanay puta yun . Nagtatrabaho ako sa club ng mga puta pero it doesn't mean na puta ako . Saka si juan ?" "Diyos kong bata ka !! Ekspresyon ko lang yun . Teka bakit ka ba ngumangawa kanina ? Anong iiwan?" "Akala ko iniwan mo na kame .. akala ko patay ka na ! But the lord had mercy on you he saved you aling mercy ! Allelua ! Come on raise your hands let's pray to the lord" Itinaas ng matanda ang kanyang kamay at napapikit pero tila narealized din na pinagtitripan sya ni chandria kaya hinampas nya ito "Ikaw talagang bata ka ! Ang dami mong kalokohan ! Anong patay? Hindi ako patay no " "Eh kasi naman hindi ka gumagalaw tapos ano yang nasa mukha mo ? Saka bakit may kamatis ? Magsisigang ka po ba ?" Akmang hahampasin sya uli nito pero agad syang umiwas "Nako . Beauty regimen ko yan .. that's grounded coffee beans" "Grounded ? So may kuryente po yan-ay joke lang naman po! Pero bakit po kamatis diba dapat pipino ?" "Kasi mahal ng pipino ngayun kaya kamatis nalang muna .. teka-" tumayo ito at pumamewang "at ano ang pinunta mo dito ha bata ka ?" "Aling mercy kasi ano eh--" "Alam ko na ! Yung tungkol sa unit mo no ?  .. ha ! Nako nagkausap na tayo diba  ? Hindi ka tumupad kaya wala na kong magagawa" "Aling mercy .. nagkaroon lang po ng problema kaya hindi ako nakauwi .. pasensya na po talaga .. eto po oh may pambayad po ako . Sampung libo lang po yan pero atleast po mabawasan" iniabot nya ang pera pero umiling ang matanda "Sorry chandria ...pero nakuha na ang bahay .. wala nadin ako maibibigay sayo dahil may bago ng nakatira doon" "Aling mercy parang awa nyo na oh" "Pasensya na talaga chandria .. yung mga gamit mo inilabas ko na pero itinabi ni simang kunin mo nalang sa kanya ha ? Pasensya na talaga . Gamitin mo nalang ang pera panghanap ng bago mong malilipatan" Ano pa ba ang magagawa ko diba?? Wala na ang unit na kinalakihan ko . At ng dahil yun sa walang hiyang james na yun magtutuos talaga kame ng butiki na yun Masama man ang loob ay wala din akong magawa kundi puntahan si simang baka makatulong sya sakin .. baka pansamantala mapakiusapan ko sya na doon muna tumuloy sa kanya . Mag aala una palang kaya alam ko nandito pa yun . Sana lang wala silang ginanagawa ng jowa nya para naman hindi ako makaistorbo . Wala naman sigurong nag kekemean ng tanghaling tapat no ? Kumatok ako sa pinto at ilang saglit lang ay bumungad agad si simang "Mangsi .. nasabi kasi ni aling mercy--" "Chan umalis ka na " nanlalaki nyang matang bulong nya sakin kaya hindi ko narinig "Ano?" "Umalis ka na .. daliaan mo .. umalis ka na ngayun din" mahina uli na sabi nito kaya nagtaka ako . "Bhe Nasobrahan ka ba sa pag chupa ? Bakit parang nagasgas na yang lalamunan mo ?" Mas nilakihan lang ako ng mata nito at kinurot ang tagiliran ko . "Tangina chan umalis ka na .. dalian mo alis na bago ka pa nya makita ?". Ha ? Ano pinagsasabi nito ?? Sino yung sinasabi nya? So ibig sabihin may dapat ba akong katakutan ? So hindi sya paos? Di sya nasobrahan sa pag chupa ganun? "Simang alam kong may mga bagay na mahirap i explain pero be kailangan ko ng tulong mo .. wala na akong malalapitan kundi ikaw" Pero imbis na makinig sakin ay para pa syang kinabahan bago lumings linga "bhe nandyan si ano .. --" "RED!!!!" para akong kinalabutan ng marinig ang boses nya Napatingin ako sa likod ni simang at tama nga ang hinala ko .. "Dagul!? .. ha ha .. ikaw pala " Sarkastiko akong napatawa ng makita si dagul Isa nya sa mga tauhan ni Daddy yow na isa sa mga kinatatakutan ko .. Pero nakakatakot din si dagul dahil parang isang wasiwas lang nya sayo basag agad ang bungo mo sa laki ng katawan nya ... Nung una ngang nakilala ko sya akala ko nakakita ako ng cartoon character kamukha nya kasi ni Maui ng Moana mas mukha lang syang mabaho .ay hindi literal na mabaho sya At alam ko kung bakit nandito sya ngayun ..ay yun ay para singilin ako sa utang ko Tangina!!! Lumapad ang ngiti nito at lumapit sakin "ilang araw din kitang hinanap red .. tinanong ko pa tong kaibigan mo kaso di daw alam kung asan ka" "Ahhh.. ano eh .. rumaket kasi ako . You know para may pambayad " Isinara nito ang pinto kaya napapikit ako .. syet talaga ! Kamatayan ko na ata . "Pero alam mo na deadline na ng utang mo ..at dahil ilang araw kang nawala mukhang malaki ang nakulimbat mo .. so ano red ? Nasan na ang pera ?" Tangina san ako kukuha.. "Teka saglit .. ano eh . Di pa kasi buo ang pera pero magbabayad din ako" Pinatunog nito ang kamao nya "di pwede yun red paso na nga ang usapan . Magagalit si daddy yow nyan.. at alam mo kung pano magalit si daddy yow diba?" Napatango ako sa takot . Agad kong inilabas ang 10k na hawak ko .. yung sampung libo na  dapat ibabayad ko kay aleng mercy .. "Eto . Oh " . Napailing sya "sampung libo lang to red .. isang milyon ang utang mo !" Nanlaki ang mata ko " teka teka ! Anong isang milyon?? Pagkakaalam ko 50k nalang ang utang ko ah ? Saka kung di ako nagkakamali 200k lang ang inutang ko sa inyo at nabayaran ko na ang 150k .. anong 1milyon ang sinasabi mo?" Natawa ito kaya naamoy ko ang mabaho nyang hininga .. na parang may namatay na daga sa loob ng bunganga nya "Hindi mo alam ? Nagpadagdag si James ng 500,000 at nagka interes na iyon kaya naging isang milyon alam mo naman ang patakaran ni daddy yow diba ?" Ang walang hiya !!! Tangina ka james mamatay ka na ! Mamatay ka ng hinayupak ka ! "Utang ni james yun .hindi ko babayaran . Ang utang ko nalang ay 50mil ! saka wala na kame ni james! " Halos mahapit ang hininga ko ng biglang hawakan ni dagul ang leeg ko "utang ng jowa mo yun kaya utang mo nadin yun red !. Nangutang sya sa kasagsagan ng relasyon nyo kaya damay ka ! May pinirmahan syang kontrata at ikaw ang ginawa nyang colateral alam mo ba yun?!" "Ano !!! Ako ang ginawa nyang colateral?" Tumango ito at ngumisi "oo .. kaya kung ako sayo kung mahal mo yang katawan mo ay magbayad ka ng utang mo !" "Gago sya walang hiya sya !!" Chochopchapin ko talaga sya hayup sya!" "Ano? Magbabayad ka ba o sasabihin ko kay daddy yow na magready na sya dahil sigurado ako magpapasasa sayo yun red .. o kaya naman pwede ako muna mauna .. ano.?" Putangina !! Tulungan nyo ko ! "Teka teka !!!.." ibinigay ko sa kanya ang atm ko pati nadin ang bag ko "may laman pang 12k yan kunin mo na .. tapos itong cellphone ko pwede mo yang ibenta ng 4k .. tapos iawas mo na yung 10 kanina..yan muna maibibigay ko sayo .. maawa ka na dagul kunin mo na yan" "Kulang to . Wala pa nga sa kalahati ng utang mo " Para na akong maiiyak ng mas lalong manlisik ang mata nya "hahanapin ko si james ! Pangako pag nahanap ko sya babayaran kita !!" Napailing ito at saglit na tumingin sakin .. "Sige .. bibigyan kita ng 1 buwan para mahanap si james at mabayaran ang utang mo . Pero pag hindi ka nakapagbayad sa loob ng 1 buwan dadalhin kita kay daddy yow pero bago yun ako muna ang mauuna dyan .." tiningnan nya ang katawan ko simula ulo hangang paa "dyan sa sexy mong katawan" Para akong kinilabutan sa sinabi nya . Syet talaga ! "Ano red?!" "Oo !!! Pangako ! Magbabayad ako!!" Napangisi sya at inamoy ang buhok ko "mabuti kung nagkakaintindihan tayo .. o sya sige mauuna nako .. babalik ako pagkatapos ng 1 buwan at wag kang magtangkang magtago dahil kahit san man yan ..mahahanap at mahahanap kita red" Para akong aso na napatango nalang .. halos manlambot ang tuhod ko sa takot kay dagul . Tangina san ako kukuha ng 1 milyon?!! "Bhe ano na ??" Napalingon ako kay simang na kanina pa pala ako tinatawag .. Niyakap ko sya at hindi napigilan ang mga luha ko habang yakap sya "Alam ko bes mahirap pero makakayanan mo yan .." Lumayo ako bahagya at tiningnan sya sa mata "alam ko din yun pero bes  amoy zonrox ka talaga tangina maghugas ka doon!" "Ay sorry bes nakalimutan ko ! Ikaw kasi kumatok ka agad . Dapat magmumumog nako eh" "Gaga dugyot ka !! Wag mong sabihin si dagul ang kinantahan mo?" Umupo ako sa dining at binuksan ang mga pagkain na nasa lamesa Feel at home lang ang peg ko . Nagutom ako saka pasado tanghalian na gutom na ang mga dragon ko sa tiyan . "Tangina be ano magagawa ko ? Ang laki ng utang ko dun sa baboy na yun.." sabi nya pa habang nag totoothbrush "sige na kumain ka na dyan.. may niluto akong tinola dyan be" Buti naman gutom na talaga ako "pero be kaya talaga ako nandito kasi alam mo naman na siguro yung tungkol sa unit ko diba ?" Tumango sya bago dumura sa lababo "oo be . Kaya ko nga kinuha yung mga gamit mo .. wag kang mag alala dito ka nalang muna tumuloy be" "Thank you be .. akala ko ninakaw mo eh alam ko naman na type mo yung mga panty ko" humagalpak sya ng tawa bago tumabi sakin "Hahaha grabe ka naman .. pero sumagi nadin sa isip ko .akala ko naging biktima ka na ng rape slay kaya napagisipan ko na kapag hindi ka na bumalik akin nalang mga panty at bra mo" Inirapan ko sya "gaga ka talaga" "Pero seryoso .. pano na ? Pano mo mababayaran yung utang mo ? Tangina be 1 milyon yun . Isang buwan kailangan mo makahanap ng isang milyon ! Antagal ko ng nagpopokpok pero be hindi ako nakaipon ng ganun" "Pano ka makakaipon eh tinitiwas ng jowa mo sa sabong yung mga pera na kinikita mo sa club" Napasimangot sya "yaan mo na be ..masaya ako sa kanya eh .." "Nako wag mo ng hintayin na isanla ka nya katulad ng ginawa sakin ni james" napabungong hininga ako ."pero be kailangan ko talaga mahanap ang gagong yun para makuha ko yung pera .. pero sa ngayun habang hinahanap ko sya kailangan gumawa din ako ng paraan para makapagipon din" Napatingin sya sakin "eh pano ? Anong gagawin mo ?" Alam ko kakainin ko ang sinabi ko pero wala akong choice .. Wala nako ibang maisip kundi yun lang . Pansantala lang naman at kapag nakabayad na ako ay titigil na ako katulad ng ginawa ko dati . "Be... sabi mo diba kailangan nyo pa ng GRO doon sa club na pinapasukan mo?" Tumango sya pero biglang lumapad ang ngiti nya "magaapply ka ??!" "Wala akong choice be " "Ay tangina !!! Red is back !!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD