Unti unting nawawala ang ngiti sa mga labi ni Nica habang papalapit sya sa bahay nila. Nagtataka sya kung bakit sarado ang kalsada sa tapat ng bahay nila at madami din tao. Kinabahan si Nica, kakaibang kabog ng dibdib na hindi sya makahinga at nahihilo sya. "Manong para ho." Wala sa sariling pagpara nya habang di tinatanggal ang mga mata sa mga taong naka kumpol sa kalsada. Hinahanap ng mga mata nya ang mga kapatid at magulang nya, hindi na nya namalayan na ibinaba na ng driver ang kanyang gamit dahil hindi nya sinasagot ito kung saan ilalagay ang gamit nya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Nica ng makita ang mga bulaklak sa harapan ng terrace, malungkot na nakatingin sakanya ang mga taong nakapaligid, habang papalapit ay lalong pasikip ng pasikip ang kanyang dibdib. Tila binaril sa