TIFFANY Napalunok si Tiffany sa tanong ni Mason sa kanya, hindi nya alam paano at saan magsisimula. Alam nya na masasaktan si Nica kapag sinabi nya ang totoo kay Mason at magugulo ulit ang buhay nito. Tumingin si Tiffany sa kumakain na bata sa Dining table nila. Napaka inosente ng kilos ng bata, mapait syang ngumiti kay Mason. "Mr. Saunders, hindi ko alam kung nasaan--" "My brother is in coma. 3 years coma." Pinutol na ni Mason ang sasabihin ni Tiffany. Tila sumabog ang tenga ni Tiffany sa narinig. Bigla syang nakaramdam ng lungkot at pagkalito. "I know you wonder bakit si Nica ang hinahanap ko. Alam natin na may nangyari sakanila noon na sila lang ang nakakaalam, pero ako lang ang nakakaalam ng nararamdaman ng kapatid ko para kay Nica. He is always a man of a huge ego. Hindi nya hahaya