CHAPTER FIFTEEN

1045 Words
CHAPTER FIFTEEN: ••• ••• NAPATINGIN ulit ako sa orasan sa relo ko—past midnight na pala. "Alright, enough for today," bulong ko sa sarili, pinatay ko ang mga feeds at niligpit ang laptop. Tumayo ako, nag-stretch, at kinusot ang mga mata ko. Pagod na pagod na rin ako. Matagal na rin akong hindi nakakatulog nang maayos. Isa pa, sigurado akong ligtas si Aphrodite ngayon. I took one last glance at my laptop, feeling the pull of curiosity and a bit of unease. “Tomorrow…” I whispered to myself, thinking about that mysterious woman with hazel eyes. "Tomorrow, I’ll find her." Alam kong kailangan kong makuha ang buong detalye tungkol sa kan'ya. Baka magkamukha lang, o baka coincidence lang na may gano'ng mata siya, pero hindi ako puwedeng mag-take ng risk pagdating kay Aphrodite. I couldn't afford any slip-ups. Umalis na ako sa rooftop at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Sumakay kaagad ng jeep at bumaba sa Dreamville at nilakad ang daan papasok sa Village namin. Nang makarating na ako, dumeretsiyo na kaagad ako sa HQ. I walked back to my room, dimming the lights. Nakahiga ako sa kama, but even as I closed my eyes, the woman’s image flashed in my mind again and again. Hazel eyes... may kung anong kakaibang aura siya na hindi ko ma-explain. “Bahala na,” bulong ko, pilit na tinutulak ang mga pagdududa. Inhale, exhale… tulog na, Athena. Pero bago tuluyang hilahin ng antok, may naisip ako... "Kung saan ko siya nakita, babalikan ko siya. Hanapin ko siya… kahit pa abutin ng araw, hindi ko titigilan hangga’t wala akong alam tungkol sa kanya." ... ... KINABUKASAN, nagising akong determinado. Matapos mag-breakfast at maghanda, I grabbed my laptop and bag, at umalis ako nang maaga. There was a quiet resolve in me—kahit na maghanap ako buong araw sa Ayala Road, kailangan kong makuha ang sagot. Pagdating ko sa Ayala Road, I felt an odd mix of excitement and tension. Mabilis kong sinet up ang laptop sa loob ng kotse, connecting sa mga CCTV na naka-set up along the road. Familiar na sa'kin ang mga anggulo, each feed flashing on my screen, pero wala pa ring sign ng mysterious na babaeng 'yon. "Okay, let’s start from scratch," bulong ko sa sarili, habang nire-rewind ko ang footage from yesterday. I traced every step, every familiar face na dumaan sa feed, pero wala pa rin ang hinahanap kong hazel-eyed na babae. Hindi na ako nakatiis kaya bumaba ako ng kotse. Naglakad ako sa sidewalk, observing people and glancing around, hoping for any sign of her. Minsan pa nga’y tumitigil ako para tanawin ang mga tao na papalapit, kahit hindi ako sigurado kung siya ba ang lalapit o isang ordinaryong dumadaan. "Where could she be…" I muttered, getting more and more frustrated. Ilang oras na rin akong nag-aabang, pero tila wala pa rin. Biglang nag-ring ang phone ko—si Hestia. Napahinto ako saglit, tinitigan ang screen bago ko sinagot. "Yes?" "Goddess of War... Where are you?" "Where do you think?" Patanong kong sagot. Feeling ko talaga may something, kaya tumawag ang Isang to. "Nakita kita kanina sa Ayala Road, pero nung tatawagin na sana kita, naglakad ka palayo," sambit ni Hestia. Napangiti ako ng bahagya. "Ah, wala… may hinahanap lang ako." "Goddess of War..." biglang sumeryoso ang tono ng kan'yang boses. "Huwag ka masyadong magpakapagod sa kakahanap. Baka mamaya kung saan ka na mapunta," she said. "Don’t worry, Hestia... I'm fine. Just… taking care of something." Matapos magpaalam kay Hestia, I resumed my search. Huminga ako ng malalim at bumalik sa kotse para mas makita ang feed. Napasandal ako sa upuan, pumikit saglit, but then—bigla kong napansin ang isang flash sa screen. There she was. Naka-white turtleneck shirt, may mahaba at makintab na buhok, standing calmly along the side street. My heart raced as I focused on the feed, hoping she wouldn’t disappear. Nagmamadali akong lumabas ng kotse, ngunit nang makarating ako sa spot na nakita ko sa camera, wala na siya. Parang hangin lang na dumaan at nawala. “D*mn it…” I muttered under my breath. Pinaikot ko ang paningin sa paligid, hoping na baka nakita ko lang siya sa ibang spot. Walang trace, walang sign kahit saan. Napailing na lang ako, knowing I’d need more patience than I’d thought. "Fine," I whispered to myself, tightening my resolve. "Kung ganito kahirap hanapin siya, then I’ll be back. Hangga’t hindi ko siya nahahanap, I won’t give up." At least now, alam ko nang totoo siya. ... ... PAGKATAPOS ng ilang oras na paghahanap, tuluyan na akong bumalik sa kotse. Pagod na ako sa kakalinga sa paligid, sa kaka-refresh ng feed, at sa kakabantay sa CCTV footage. Mukhang kailangan kong tanggapin na ngayong araw, wala akong makukuhang sagot. Napasandal ako sa upuan, bahagyang ipinikit ang mga mata. “Tomorrow, I'll find you,” bulong ko, convinced na hindi matatapos ang paghahanap ko dito. Bukas, mas magiging handa ako. Mas aabangan ko siya. Hindi ako magpapatalo. Sa pagkakahilig ko sa upuan, marahang pumikit ako. Napapangiti na rin ako nang bahagya, iniisip na siguro hindi na magtatagal bago ko malaman kung sino talaga siya at anong koneksyon niya sa pamilya namin. Kung may alam ba siya tungkol sa mga nangyari noon, or if it's all just one big coincidence. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kotse. Pagdilat ko, madilim na sa labas, at tahimik na ang paligid. Napatingin ako sa oras—lagpas alas-nueve na ng gabi. Napabuntong-hininga ako. "Ang tagal ko na palang naghihintay," bulong ko sa sarili. Minaneho ko na ang kotse pauwi, ang ilaw ng mga poste ng Ayala Road na tanging kasama ko. Pagdating sa bahay, sinigurado kong naka-log out na sa lahat ng hacking software at ini-shutdown ang laptop. Ayokong may makaalam ng ginagawa ko, lalo na si Aphrodite. Alam kong mag-aalala siya. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko, agad akong dumiretso sa kwarto. Napabagsak ako sa kama, ramdam ang bigat ng katawan sa pagod, pero hindi pa rin maalis ang excitement ko para bukas. Napapaisip pa rin ako sa hazel-eyed woman, kung sino siya at kung bakit parang may misteryo sa paligid niya. "Hmm... Tomorrow," I whispered, finally letting my eyes close. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD