CHAPTER TWENTY:
•••
•••
TINALIKURAN niya na ako at naunang bumaba ng building. Sumunod naman si Hermes sa kan'ya.
Pagkaalis nila, naiwan na akong mag-isa sa Senior High Building. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at malayong ingay ng mga estudyante ang naririnig.
Napabuntong-hininga ako bago lumapit sa railings. Mula rito, tanaw ang kabuuan ng campus—ang mga estudyanteng nagkakatuwaan sa track field, ang mga nakaupo sa lilim ng puno, at ang mga nagmamadaling pumunta sa kani-kanilang klase.
Pumikit ako sandali, nilalasap ang presensya ng katahimikan. Ngunit parang may bigat na nakadagan sa dibdib ko, isang bagay na hindi ko maalis-alis. Inilapit ko ang noo ko sa malamig na salamin ng bintana, saka tumingin muli pababa.
"Ang dami palang nangyayari sa baba, pero dito sa itaas, parang ang layo ko sa lahat ng iyon," bulong ko sa sarili.
Hindi ko maiwasang mapaisip. Nakita ko kanina si Aphrodite sa track field. She was running, pushing herself to the limit. Napakabilis niya, pero iba ang nakita ko sa kaniya kanina. Parang hindi lang simpleng takbuhan ang ginawa niya. Para sa kaniya, parang simbolo iyon ng pagbabalik—ng isang bagay na matagal na niyang iniwan.
"Kung alam mo lang, Aphrodite," mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang mga tao sa baba. "Hindi lang basta talento ang meron ka. May mas malalim na bagay sa likod ng bilis mo."
Humakbang ako palapit sa gilid ng building, kung saan mas malinaw kong tanaw ang bawat sulok ng campus. Ang laki nito, puno ng iba't ibang tao at kwento. Pero sa gitna ng lahat ng ito, isa lang ang gumugulo sa isip ko—si Aphrodite.
Tumingin ulit ako sa malawak na campus. Ang daming lugar kung saan pwedeng magtago ang mga sagot. At ang mas nakakatakot, ang daming lugar kung saan pwedeng magtago ang peligro.
"Kung ganito kalawak ang view ko mula rito, ganito rin dapat kalawak ang pag-iisip ko," bulong ko. Kailangan kong pag-isipan ang bawat hakbang. Wala akong puwedeng makaligtaan.
Tahimik akong tumayo doon, pinagmamasdan ang bawat galaw sa campus, habang iniisip kung paano ko haharapin ang mga darating na araw.
NAPUTOL ang mga iniisip ko nang biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Hera sa screen. Pinili kong sagutin agad ang tawag.
"Hera," bungad ko, walang paligoy-ligoy. "Alam mo ba kung bakit nandito si Zeus? At bakit hindi niya man lang ako sinabihan?" I take advantage of her call.
Tahimik siya saglit bago sumagot, pero ramdam ko ang bigat ng sasabihin niya. "Athena, it’s a mission," diretsong sagot niya. "Kaya nandiyan si Zeus."
"Ano'ng klaseng mission?" tanong ko, pilit pinipigilan ang impatience sa boses ko. "At bakit kailangan pang ilihim sa akin? Ako ang kapatid niya, Hera."
"He's looking for someone," sagot niya, may bahid ng seryosong tono. "The Mission is to go to the Philippines to find the boy who among the survivors of the Massacred Incident of the De La Fuente Family year's ago."
The last survivor of the De La Fuente Family...
Tahimik akong napatingin sa ibaba ng gusali. Ang De La Fuente m******e ay matagal nang misteryo—isang kwento ng trahedya na bihirang pag-usapan ng mga tulad namin.
"At bakit hindi niya man lang ako sinabihan tungkol dito?" tanong ko ulit.
"Dahil ayaw niyang ma-involve ka," paliwanag ni Hera. "This isn’t just a mission, Athena. It’s dangerous. Zeus knows you’d want to help, and he doesn’t want to risk it."
"Pero bakit siya ang pinadala?"
"Because he volunteered," sagot ni Hera. "Alam mong hindi papayag si Zeus na hindi siya ang gagawa nito. He wants to protect all of us. That’s just how he is."
Napabuntong-hininga ako, pilit iniintindi ang dahilan ng kapatid ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang magalit sa desisyon niyang itago ito sa akin.
"Kung akala niya ay hindi ako makikialam, nagkakamali siya," matigas kong sagot.
"Athena, alam kong hindi ka titigil," sabi ni Hera. "But please, be careful. Huwag mong dagdagan ang bigat ng responsibilidad ni Zeus. Let him do what he came there to do."
"Mas makakatulong ako kung alam ko ang buong kwento," sagot ko bago ibinaba ang tawag.
Habang hinahawakan pa rin ang cellphone, napatingin ako ulit sa campus. Malalim ang iniisip ko. Kuya Zeus, bakit hindi mo man lang sinabi? Alam mong hindi kita hahayaang harapin ito nang mag-isa.
Tahimik akong nakatitig pa rin sa lawak ng campus mula sa Senior High Building. Kuya Zeus, na nasa Pilipinas para sa isang delikadong misyon. Pero may isang bagay na tila hindi tugma.
Si Kuya Zeus, kilala ko, kilalang-kilala ko. Hindi siya ang tipo ng tao na haharap nang malapitan sa isang misyon.
"Hera... Kung delikado ang mission na ‘to, bakit si Zeus ang pinadala? Alam nating lahat, hacker siya. Hindi siya close-ranged type na tao."
Tumawa si Hera nang mahina sa kabilang linya. "Alam mo, Athena, pareho kayo ng tanong ni Hestia nang malaman niya ang tungkol dito."
"At anong sagot nila?" tanong ko, pilit pinipigilan ang inis.
"Zeus insisted. Alam mo kung gaano siya ka-proud sa kakayahan niya bilang isang hacker. Sabi niya, mas madali raw para sa kaniya na subaybayan ang mga kilos ng target kung siya mismo ang nasa field."
Napanganga ako sa sagot niya. "He what?!"
"Relax, Athena," aniya. "Nandiyan si Hermes para tumulong. Si Zeus lang ang nagsimula ng groundwork. Sa totoo lang, mas malaki ang role niya sa pagtunton sa survivor gamit ang mga network sa Pilipinas kaysa sa aktwal na fieldwork. He’s already found traces of the De La Fuente survivor’s activity—mostly through digital footprints."
"So, bakit kailangan niyang personal na pumunta dito?" tanong ko ulit.
"May mga bagay na hindi mo pwedeng i-hack, Athena," sagot ni Hera, seryoso na ang boses. "At may mga tao na hindi pwedeng lapitan ng kahit sino lang. Si Zeus ang nagpasya na makipagsapalaran dahil alam niyang kaya niya."
Napabuntong-hininga ako. "Kung ganito ka-delikado, bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin? Alam niyo namang hindi ko ito basta palalampasin."
"Alam namin ‘yan," sagot ni Hera. "Kaya nga hindi ka sinabihan. Zeus specifically requested it. Ayaw niyang mag-alala ka."
"Hindi ako mag-aalala kung kasama niya ako," sagot ko nang madiin.
"Alam ko," sabi ni Hera. "Pero Athena, minsan kailangan nating magtiwala. Si Zeus ito. Kung sino pa ang ayaw tumapak sa field dati, siya pa ang pinakadedikado ngayon."
Tahimik akong nakinig, iniisip ang sinabi niya. Pero kahit anong paliwanag nila, hindi pa rin nito binabago ang katotohanang nagtatrabaho si Zeus sa isang misyon na posibleng delikado para sa kaniya.
"Kahit na," sabi ko sa huli, "Hindi pa rin ako papayag na wala akong ginagawa. Hera, I’m going to help him. Whether he likes it or not."
"Athena—"
"Pasensya na, Hera," putol ko. "Pero alam mo naman ako, hindi ako uupo lang dito habang ang kapatid ko ay nasa panganib."
Nang ibaba ko ang tawag, ramdam ko ang pag-init ng dugo ko. Kuya Zeus, bakit hindi mo sinabi? Kung iniisip mong protektahan ako, hindi mo ba naisip na mas mahalaga sa akin na magkasama tayo sa lahat ng laban?
Mula sa Senior High Building, napatingin ulit ako sa kalangitan. Sige, Kuya Zeus. Hindi mo ako isinama, pero alam mo kung gaano ako kagaling maghanap ng paraan.
Maghintay ka lang. Hindi kita pababayaan, kahit na ayaw mo. Tsk!
TO BE CONTINUED .....