CHAPTER TWELVE:
•••
•••
YEARS LATER...
BUMALIK ako sa school, ngayon bilang Grade 10. Hindi ko rin lubos maisip na ang bilis ng panahon—parang kailan lang ay nagsisimula pa lang ako dito, at ngayon ay nasa huling taon na ako sa high school. Sa tabi ko, naroon si Artemis, na ngayon ay Grade 9 na rin. Katulad pa rin ng dati, tahimik at walang ekspresyon sa mukha. Pero alam kong sa kabila ng panlabas niyang pagiging walang pakialam, may mga bagay din siyang iniisip na hindi niya basta binabanggit.
Habang naglalakad kami papunta sa main building, napansin kong maraming estudyanteng nagkukumpulan sa may gate. Agad kong nahulaan kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Ang pinsan namin na si Aphrodite, o mas kilala sa tawag na “Dite Hurt.” Ngayong taon, nag-transfer siya dito at magsisimula bilang Grade 8. Alam kong magiging malaking pagbabago ito para sa kanya.
Nang makita niya kami, kumaway siya nang masigla. “Ate A—!" Napansin niya ang pag-kunot ng noo ng Ate niya. "A-ate A... and Ate Willow!" sigaw niya, na ikinabaling ng atensyon ng mga nasa paligid. Mabilis kaming lumapit sa kanya.
Ngumiti ako at hinawakan siya sa balikat. “Excited ka, ha?” sabi ko, na ikinangiti niya lalo.
“S'yempre! Ang saya-saya po pala dito! Ang dami kong gustong makilala!” sagot ni Aphrodite, halos tumatalon sa tuwa.
“Dahan-dahan lang Aphrodite. Hindi naman mauubusan ng tao dito,” sabi ni Artemis, na may kaunting seryosong tono.
“Alam ko po Ate A. Pero gusto kong mag-enjoy. Ngayon pa lang, marami na po akong napapansin dito na mas interesting kaysa dati,” nakangiting sabi niyq, puno ng enerhiya.
Sa loob-loob ko, natutuwa rin akong makita siyang ganito. Bagaman alam kong si Aphrodite ay medyo mas masayahin at palakaibigan kumpara sa akin at kay Artemis.
“Ang dami po palang studyante dito na may mga talent. Alam niyo po, kanina lang may nakita akong nag-drawing sa notebook niya, ang galing sobra!” dagdag pa niya, halos hindi mapakali sa kwento niya.
Tahimik lang kaming nakikinig ni Artemis. Sanay na ako sa pagiging maingay at masigla ni Aphrodite, at sa totoo lang, nagbibigay siya ng kaunting saya sa aming tahimik na mundo. Pero alam kong hindi lahat ng bagay ay ganoon kasimple.
“Aphrodite," sabi ko, bahagyang seryoso. “Huwag mong kalimutan kung bakit ka nandito, okay?”
Tumango siya, na parang may naiintindihan. “Opo naman, Ate Willow. Pero hindi po ibig sabihin noon na hindi ako puwedeng maging masaya, diba po?”
Napangiti ako at hinayaan siyang magsalita pa ng tungkol sa mga nakita niya kanina. Pero sa isip ko, alam kong itong taon na ito ay magiging mahalaga para sa aming lahat. May mga responsibilidad na hindi maiiwasan, lalo na sa pamilya namin.
Napagdesisyunan namin ni Artemis na hayaan si Aphrodite na maging independent. Hindi naman sa gusto naming pabayaan siya, pero alam namin ni Artemis na kailangan niyang matutunan ang mga bagay sa sarili niyang paraan. Lalo na ngayon na nasa high school na siya at may sariling mga kaibigan. Ayaw na naming masyadong manghimasok, lalo na't alam kong mahirap din para sa kanya na laging may nakaalalay.
“Alam mo, Athena,” sabi ni Artemis isang hapon habang pauwi kami. “Mas mabuti na ‘tong ganito. Parang kailangan ni Aphrodite ng sarili niyang space, masyado kasi tayong protective noon.”
Tumango ako, at tumingin sa daan. “Exactly. And besides, hindi natin siya palaging mababantayan. She needs to grow up on her own terms.”
Mas pinili kong panatilihin ang distansya. Alam kong magkaiba kami ni Aphrodite ng pag-iisip, at gusto kong magkaroon siya ng pagkakataong tuklasin kung ano talaga ang kaya niyang gawin, nang walang shadow ng mga kapatid niya.
Minsan, hindi ko rin maiwasang mag-alala. Alam kong hindi lahat ng makikilala ni Aphrodite ay mabuti ang intensyon, lalo na sa isang paaralang tulad ng Ayala National High School, kung saan ang mga sekreto ng pamilya namin ay hindi basta-basta mawawala. Pero kahit ganoon, kinailangan kong itiwala sa kanya ang lahat. Alam kong matalino siya, at hindi basta-basta magpapadala sa iba.
SA likod ng mga monitor, nakaupo ako sa malamig at tahimik na kwarto, nakatutok ang mata ko sa bawat feed ng CCTV sa lansangan. Ang mga camera ay nakatutok sa bawat sulok ng ruta na dinadaanan ni Dite—si Aphrodite. Bawat hakbang niya, bawat tingin niya, nakikita ko. Ngayon, naglalakad siya papunta sa sakayan ng jeep.
“Hay naku, Aphrodite…” bulong ko habang pinapanood siyang tumatawid ng highway. Medyo natagalan siya dahil sa dami ng mga sasakyan. Marahil, kinukuha niya ang lakas ng loob para tawirin ito nang mag-isa. Kung alam lang niya na nariyan ako, na hindi ko siya iiwan, lalo na sa mga oras na ito. Pero hindi ko rin siya matutulungan ng harapan—hindi ko dapat ipakita na binabantayan ko siya.
Tinititigan ko ang screen habang tahimik siyang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Alam ko, mayroon kaming sasakyan, pero mas pinili niyang mag-commute. Siguro dahil gusto niyang maging independent, tulad ng lagi niyang sinasabi. Pero bilang nakakatanda at alam ang bawat panganib sa paligid, hindi ko mapigilang manood, mag-obserba, at maging handa sakaling may mangyari.
Napansin kong bigla siyang huminto sa isang tabi. Pumasok sa Isang Gymnasium. Napakunot ang noo ko. May tatlong lalaking nakaabang malapit sa kanya, tila sinusundan siya ng mga tingin nila. Kumabog ang dibdib ko. Sino ang mga ito? Ano ang pakay nila? Agad kong pina-focus ang feed ng camera, nakatutok sa mga mukha ng tatlong lalaki. Mukhang hindi ito magandang senyales.
Isa sa mga lalaki ang biglang humawak sa braso ni Aphrodite. Nanlamig ang kamay ko sa keyboard. Gusto kong umaksyon, pero alam kong hindi ko puwedeng iwan ang mga screen ko. Nasa misyon ako, at hindi ko maaaring ipagsapalaran ang pagbabantay ko sa kanya.
Hindi nagtagal, may dumating na lalaking naka-adidas na shirt at backpack, tila may kakaibang presensya. Nakikita ko sa monitor kung paanong seryoso siyang humarap sa mga lalaki, pinagtatanggol si Aphrodite. Napalunok ako habang pinapanood ko ang mga nangyayari. Mukhang may laban din itong si naka Adidas brand na shirt, para iligtas si Aphrodite. At isang mabilis na suntok, bagsak ang tatlong lalaki sa sahig.
Napangiti ako. Mukhang may mga taong hindi nagpapabaya sa mga mahihina. Bago siya tuluyang lumayo, nakita ko si Aphrodite na nagtataka sa lalaking nagligtas sa kanya. Ngunit malamig ang kan'yang ugali, kaya iniwan niyang mag-isa si Aphrodite, habang walang imik.
"Well done," bulong ko sa monitor habang pinapanood silang maghiwalay ng landas.
Bumalik si Aphrodite sa kanyang ruta at patuloy ko siyang sinundan sa bawat camera hanggang sa makasakay siya ng jeep. Tahimik akong naghintay hanggang marating niya ang kanyang destinasyon.
HABANG nakasandal ako sa sofa, hindi ko maiwasang mapailing. Nakatutok ang mata ko sa CCTV footage kung saan kitang-kita ko si Aphrodite na halos lumilipad na sa pagtakbo papunta rito.
"Out little Aphrodite is late again," bulong ko sa sarili habang sinilip ko ang cellphone ko—pero simcard ni Artemis ang gamit ko. Kaagad akong nag-type ng message para paalalahanan siya.
To: Little Aphrodite
'Aphrodite!'
Napangiti ako nang mabasa ko ang reply niya at makita ang reaction niya sa camera. Alam kong magkukumahog na siya sa pagtakbo. Ay, parang hindi na nagbago! Lagi pa rin siyang ganyan kapag alam niyang lagot siya. Ang kulit talaga ng batang ‘yun.
Lumipas ang ilang minuto, at hindi na ako nakatiis. Bumuntong-hininga ako at bumaba sa living room kung saan naghihintay na rin ang mga Pinsan at nag-iisa kong kapatid na babae. Lahat kami ay nakatingin sa entrance ng Head Quarter, hinihintay si Aphrodite na alam naming hinihingal na pagdating.
"Pasok ka, Aphrodite," malumanay kong wika nang makapasok na siya.
Nang makita niya kami, kitang-kita ko ang pag-panic sa mukha niya. Pero tulad ng dati, nagawa niyang mag-sorry agad, kahit may halong kaba pa. Napangiti ako ng konti, lalo na sa kanyang pagsimangot. Pero agad din akong nag-compose ng mukha ko para magmukhang seryoso.
Habang umaakyat siya sa hagdanan papunta sa kwarto niya, hindi ko maiwasan na isipin na marahil ay iniisip niyang lagot siya sa’min. Napakaliit na bagay naman, pero gusto kong tingnan kung ano ang gagawin niya. Tiningnan ko ang mga kasama ko at nakita ko rin ang bahagyang ngiti sa mga labi nila. Mukhang may pinaplano si Papa kaya wala silang ginagawa.
...
...
TO BE CONTINUED .....