CHAPTER FOURTEEN

1322 Words
CHAPTER FOURTEEN: ••• ••• TAHIMIK na tinapos ni Demeter ang pagkain niya at biglang tumayo, kinuha ang bag niya, at huminga nang malalim bago nagsalita. "Alam mo, Athena... naisip ko, hindi rin naman ako pwedeng laging magpahuli sa inyo ni Queen. Kahit papaano, gusto ko rin ipakita na kaya ko rin mag-stand on my own." Tumango siya, mukhang may halong determination sa mga mata. Napangiti ako nang kaunti sa sinabi niya. "Good for you, Demeter. Pero tandaan mo, kahit saan ka man mapunta, nandito lang ako. Hindi ko kayo pababayaan." "Salamat, Athena," sagot niya na may bahagyang ngiti, na parang naglaho rin agad habang binitbit na niya ang bag. "Mauna na ako. See you later!" "See you, Demeter. Take care," sagot ko, pinagmamasdan siya habang lumalabas ng HQ at nagtutungo sa kanyang eskwelahan sa Talisayan National High School. Nakita ko sa kanya ang determinasyon, pero alam ko ring bahagyang kinakabahan siya. Habang umaalis si Demeter, bigla kong naisip na baka kailangan ko ring bumalik sa paaralan, kahit medyo naiiba ang purpose ko. Kapag nasa paligid ako, mas mababantayan ko rin sina Aphrodite at Artemis, lalo na ngayong magkasama sila sa school. Mabilis kong kinuha ang bag ko, inayos ang mga gamit, at lumabas ng HQ. Nakikita kong may mga guwardiyang nagmamasid, kaya’t binati ko sila bago naglakad papunta sa sakayan. Makalipas ang ilang minuto, nakasakay na ako papunta sa eskwelahan nila. Nang makarating ako sa Dreamville, bumaba agad ako at nilakad ang mahabang distansya papunta sa gate ng paaralan. Bago pa man ako makapasok, may mga estudyanteng napapatingin na sa akin. Hindi na rin naman bago sa akin ‘yun. Sanay na ako sa mga tingin na parang may hinahanap o pinapansin sa akin. Siguro ay dahil iba ang postura ko o baka nga dahil medyo may kalamigan ang dating ko sa kanila. Pagdating ko sa loob, dire-diretso lang ako papunta sa building, alam kong mahahanap ko rin sila. Tahimik akong nag-obserba sa paligid, sinigurado kong walang ibang posibleng banta o kahit sino na magtatangkang mag-abala sa kanila. Habang binabantayan ko sila mula sa malayo, naisip ko na kahit papaano, may bahagi ng buhay na gusto kong i-enjoy rin, kahit sandali lang. ... ... MABILIS NATAPOS ang araw ko. Kaya pumunta ako sa rooftop ng Senior High Building. As in sa atip talaga ng building. May hagdanan naman sa gilid, maliit, at tago, kasi pinagbabawal nila ang pag-akyat, dapat ang mga construction workers lang. Kaso... Sorry sila... I have my own rules. Pagkarating ko sa rooftop, hinanap ko ang spot na comfortable ako at doon umupo. The roof of Ayala National High School is made of sturdy metal with green paint, slightly faded but still in good condition. It’s sloped to let rainwater flow off easily. There are gutters along the edges for drainage and vents for airflow, keeping the building cooler inside. Kaya Isang atras ko lang, mahuhulog talaga ako. Tsk! Pagka-upo ko ay binuksan ko kaagad ang laptop ko, mabilis ang mga daliri ko sa pag-type habang binabantayan ko si Aphrodite sa laptop ko. Every CCTV sa Ayala Road papunta sa mansion ay nasa control ko. Isa-isa kong pinapalitan ang angle para masundan siya. “Where are you even going, Aphrodite?” napamurmur ako nang biglang huminto siya at bumalik papasok sa gymnasium. Pumihit ako ng ibang feed, pinikit ang mga mata at minamaneho ang mga camera sa gym. Nasa screen ko siya ngayon—sakto, kitang-kita ko nang mabangga niya ang isang bata na may hawak na lollipop. Napapailing ako habang pinanood siya na nagbigay ng lollipop sa bata. “Talaga, Aphrodite? A random kid on the street?” Nagkamot ako ng ulo at papalitan ko na sana ang feed—pero biglang may isa pang babae na lumapit. Nasa twenties siguro siya, at may kung anong kakaiba sa aura niya na nakakuha ng atensyon ko. Napakunot-noo ako habang nilapitan siya ng camera. “Wait... Hazel eyes?” bulong ko sa sarili, sinilip ko nang mabuti sa screen. Para akong may naramdamang lamig sa likod ng leeg ko. Isa lang ang kilala kong pamilya na may ganiyang kulay ng mata, pero baka naman nagkataon lang, right? "No, coincidence lang siguro." Pero hindi ako nakatiis. Hinakot ko ang keyboard ko, pinalabas ang facial recognition software, and set it to scan. Gusto kong malaman kung siya nga ba ang iniisip ko—o kung trip lang talaga niya dumaan at makipagkwentuhan kay Aphrodite. Habang naghihintay sa scan, sinilip ko ulit si Aphrodite. Mukha talagang clueless, casual na casual sa pag-usap sa batang babae at sa hazel-eyed na babae, parang matagal na niyang kilala ang dalawa. “Seriously, Aphrodite,” bulong ko habang umiiling. “Ang bait mo masyado minsan.” ... LUMABAS na ang resulta ng scan. Zero... Walang match, walang kahit anong data. Parang hindi siya nag-e-exist, or baka naman napakahusay niyang magtago. At kung may pinaka-ayaw ako, yun ang mga bagay na walang sagot. Nag-cross-arm ako habang patuloy na pinapanood silang dalawa sa screen. “Mukhang kailangan kitang bantayan nang mas maigi.” Ilang sandali lang ay tuluyan na silang nawala sa screen ko. "Kung random lang siya, malalaman ko rin," bulong ko sa sarili ko. "Pero kung hindi... well, sana wala siyang balak na pasukin ang mundo ni Aphrodite." MATAGAL akong nakatitig sa blankong screen kahit na nawala na sa feed si Aphrodite at ang batang nakasalubong niya. My mind kept going back to that woman. Hazel eyes... Parang may mali. Hindi ko siya maalis sa isip ko. Random person lang ba siya? Or baka may mas malalim na dahilan kung bakit nandoon siya? Pinabalik ko ang mga feed ng CCTV sa Ayala Road. Wala na silang dalawa, pero may isa akong ipit na camera malapit sa main entrance ng mansion. Dali-dali kong kinonekta iyon, at ilang minuto ang lumipas bago ko na-spot si Aphrodite, naglalakad papasok sa gate ng mansion. I breathed a sigh of relief. “At least nakarating ka na ng safe, Aphrodite" I checked the time. Gabi na. Siguro, wala naman talagang mali. Wala namang rason para isipin ko na delikado siya, right? Pero… I clicked a few more keys, connecting to the mansion’s internal security feeds. Mas malakas ang CCTV access ko dito, thanks to the setup I hacked a while ago. The main hallway, the kitchen, her room—everything was clear. Safe siya sa loob, at wala namang suspicious movement sa paligid. Pero ang isip ko hindi pa rin mapakali. I pulled up a blank document at nagsimulang mag-type. I needed to document everything. The woman's face, the interaction, kahit gaano kaliit na detalye. Kung sakaling kailanganin ko ito balang araw, at least may record ako. "Hazel eyes, long black hair, early twenties…" Sinubukan kong i-recall ang lahat ng nakita ko kanina. Nag-pause ako sandali at napa-isip. Baka naman wala lang talaga ito, baka napadaan lang siya. Pero instincts ko, hindi ako iniwan. Habang nagta-type ako, naramdaman kong tumigil ako saglit at huminga nang malalim. “Bakit ganito? Masyado na ba akong paranoid?” bulong ko sa sarili, trying to reason with my thoughts. Pero si Aphrodite ang pinag-uusapan dito. Hindi puwedeng may ma-miss akong kahit na anong detail. If something—anything—threatens her, I need to be ready. Napatigil ako sa pagta-type nang marinig ko ang faint na sound ng pinto ng mansion na bumukas sa feed. May pumasok, and it was her. Napakunot-noo ako habang pinapanood si Aphrodite sa screen, mukhang pagod na pagod pero masaya. I shook my head, shutting down the document for now. "You're safe, Aphrodite. That’s what matters." Pero habang sinasarado ko ang mga feed, I couldn't shake the nagging feeling in my chest. And somewhere at the back of my mind, alam ko na hindi pa ito ang huli. “This isn’t over,” bulong ko sa sarili ko, ipinikit ko ang mga mata. “If she comes back… I’ll be ready.” TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD