CHAPTER THIRTEEN:
•••
•••
At Night...
KASALUKUYAN na kaming kumakain kasama si Uncle Alastor—Artemis and Aphrodite's Father. Wala si Mama, Papa at Kuya, kaya kami lang ang magkakasama. Tahimik ang paligid, tulad ng dati. Sanay na ako sa katahimikan sa dinner table, pero pansin ko pa rin ang tensyon, lalo na kay Aphrodite. Napansin ko rin na patingin-tingin siya sa ama niya.
Nang basagin ni uncle ang katahimikan, alam kong nagulat ang lahat. Hindi palaging nagsasalita si uncle habang kumakain kami. Pero siguro, gusto lang niyang malaman kung paano ang unang araw ni Aphrodite sa bagong school niya.
"How was your first day of school in Ayala National High School?" tanong niya, at napansin kong napakurap si Aphrodite.
‘Po?’ ang tanong niya pabalik, halatang kinakabahan. Mahirap talaga basahin ang expression ni uncle, lalo na kung seryoso siya. Kaya naman alam ko ang nararamdaman ni Aphrodite – parang exam ang bawat tanong.
"Kumusta ang unang araw sa bagong paaralan mo Aphrodite?" tanong nito.
"Ahmm... Okay lang naman po Pa." sagot niya..
"Good."
Nakita ko kung paano siya sinubukang titigan ng ama niya, pero hindi rin niya kinaya. Napapangiti ako nang kaunti. Ang lakas ng loob ng pinsan ko, pero iba talaga si uncle Alastor. Kung si Hera at Hestia ay may intense stare, si uncle, literal na intimidating. Pero kahit paano, natuwa ako nang makita ko na nagawa pa rin niyang sagutin ang ama niya nang maayos, kahit may halong kaba.
AFTER. Nang matapos ang dinner, sabay-sabay kaming bumalik sa HQ at naghiwa-hiwalay sa mga kwarto. Habang naglalakad si Aphrodite papunta sa kwarto niya, nilapitan naman siya ng Ate niya.
"Aphrodite…" tawag niya sa kanya bago siya pumasok sa kwarto.
Tumigil siya at nilingon si Artemis. "Yes po Ate A?"
Nakangiti si Artemis nang bahagya at simpleng sinabi, "Goodnight."
Nagulat si Aphrodite, halata sa mukha niya, pero napangiti din siya nang malaki. "Goodnight din po, Ate A!" malakas niyang sabi, kaya naman ngumiti na lang ako nang palihim bago ako lumakad palayo. Hindi ko na siya nilingon ulit, pero masaya akong malaman na napasaya ko siya kahit konti.
...
...
The Next Morning...
Nagising ako nang maaga, mas maaga kaysa sa karaniwan. Pagbaba ko ay kumakain na sina Demeter, Artemis and Aphrodite. Alam ko na kaagad na si Aphrodite ang pinakamasaya dahil hindi na naman siya late. Simpleng bagay lang, pero masaya na siya.
Napansin ko na wala na sina Hera and Hestia. Siguro, ganun talaga kapag Senior High at College na — mas maaga ang pasok. Pero may hinala ako na baka nasa mission ulit sila. Laging ganito kapag bigla silang nawawala ng ganito kaaga.
"Nasaan pala sina Hera and Hestia?" tanong ni Artemis.
"Mission." simple kong sagot at kumain din sa tabi nila.
"Bakit mas'yado namang maaga?"
"Ask your father, Artemis."
"Tss."
Ayokong idetalye pa, lalo na’t alam kong ayaw rin nilang masyadong pinag-uusapan kapag may ganito silang ginagawa. Kung tutuusin, hindi na rin dapat nagtatanong si Artemis. Alam naman niyang trabaho namin ‘yun.
Nang matapos silang kumain ng breakfast, umalis na sila at pumunta sa school—sina Artemis and Aphrodite. Kaya naiwan na lang kami ng kapatid ko dito.
PAGKA-ALIS nina Aphrodite at Artemis, kami na lang ni Demeter ang natira sa dining table, patuloy na kumakain nang tahimik. Bawat kagat, parang mas mabigat, kasing bigat ng mga iniisip ko. Ganito palagi kapag may mission sina Hera at Hestia, lalo na kapag ganito kaaga ang alis nila. Napansin kong nakatingin si Demeter sa akin, halatang may sasabihin na siya.
Medyo ngumiti siya, parang may alam. "Mukhang seryoso ka na naman, Athena. Hindi ka pa rin sanay sa ganitong umaga, noh?"
Bahagya akong ngumiti pabalik. "Oo nga, nahuli mo ako. Pero... alam mo naman, kapag may mission, parte sa akin gustong sumama, kahit para lang masiguro na ayos sila. Mahirap hindi mag-alala."
Tumango si Demeter, nakasandal na sa upuan habang malayo ang tingin. "Sanay na ako, pero minsan... nami-miss ko rin ‘yung simpleng pamilya lang tayo, alam mo yun? ‘Yung makakaupo tayo nang sabay-sabay, kahit walang mission o pressure sa labas. Parang kahit andito tayo, kanya-kanya pa rin tayo ng mundo."
"Tama ka naman," sagot ko, mas hinigpitan ang hawak ko sa baso. "Pero honestly, kailangan tayo dito, especially kapag alam nating may nagbabantang panganib," dugtong ko, habang iniisip ang mga bagay na hindi namin pwedeng balewalain. "Hindi rin biro ang mga kalaban natin, Demeter. Kapag nagkamali tayo o may nagkulang sa atin... alam mo naman kung ano ang pwedeng mangyari."
Tumango si Demeter, may bahagyang lungkot sa mga mata niya. "Oo, alam ko 'yan. Pero minsan iniisip ko rin, paano kung... kahit isang araw, iwanan natin lahat 'to? Tumira na lang ng tahimik sa isang lugar kung saan hindi tayo hinahabol ng responsibilidad o ng mission."
Napatingin ako sa kaniya, medyo nagulat. Hindi ako sanay makita si Demeter na ganito ka-sentimental. Madalas kasi, siya yung palaging maasikaso, tahimik na gumagawa ng trabaho kahit gaano pa kahirap.
"Kung totoo man na may ganung lugar, malamang matagal na tayong nandun," sagot ko nang may bahagyang ngiti. "Pero alam mo naman tayo, kahit magtago pa tayo, hahabulin at hahabulin pa rin tayo ng tadhana natin."
Napabuntong-hininga si Demeter. "Oo nga, pero... minsan masarap lang isipin na may choice pa rin tayo, kahit alam naman nating wala." Umayos siya ng upo at nagpatuloy. "Anyway, balak mo bang sundan sina Queen at Hestia ngayon?"
Medyo natigilan ako sa tanong niya. Alam ko ang sagot pero gusto ko ring huwag pansinin ang instinct na mag-alala.
"Siguro," sabi ko, kaswal kunwari, pero kita ko sa tingin ni Demeter na hindi siya kumbinsido. "Just to make sure na safe sila. Hindi naman sa walang tiwala, pero—"
"Alam ko, Athena. Alam ko. Minsan nga natatawa ako sa inyo ni Queen, parang parehong overprotective. Lalo ka na," dagdag niya, na may kasamang pagbiro. "Wala ka nang ginawa kundi bantayan kami, pati si Aphrodite at Artemis."
Napatawa ako, kahit alam kong totoo ang sinabi niya. "E ano pa nga ba? Eh kapatid ko kayo. Responsibility ko na yan habang buhay, kahit hindi ko gusto. And besides, it's my job, Demeter."
"Whatever, Athena."
"You still don't have a respect to me."
TAHIMIK niya na lang na pinagpatuloy ang kan'yang pag-kain, pero alam kong sa loob-loob niya, pinapahalagahan niya ang proteksyon at pagmamahal ng isang pamilya na laging nagbabantay.
TO BE CONTINUED .....