CHAPTER ELEVEN

1123 Words
CHAPTER TEN: ••• ••• MULING bumalik ang alaala ng tawanan namin sa school library, sa mga sandaling iniwasan ko ang mga tao pero siya, sinundan pa rin ako. Nag-iisa lang siya sa mga taong hindi nagdalawang-isip na lumapit at magtanong. Para bang nakikita niya ang mga bahagi ng sarili kong itinatago. At ngayon, iniisip ko, paano kaya siya nagbabago? Sa dami ng nagdaan sa aming dalawa, baka siya rin ay nag-iisip ng mga bagay na hindi niya kayang iwan. Minsan, may takot akong baka hindi ko na siya makita. Na ang lahat ng mga alaala namin ay mananatiling nakulong sa nakaraan. Pero sa ilalim ng mga bituin ngayong gabi, may isang bahagi ng puso ko na umaasa pa rin—na isang araw, ang landas namin ay magtatagpo muli. ... ... PAGDATING ko sa school kinabukasan, bumalik agad ang dating ritmo ng araw ko—matahimik, hindi pinapansin ang paligid, at nakatutok lang sa mga libro ko. Ganitong-gani ito araw-araw. Mas gusto ko ang tahimik, walang istorbo, lalo na’t marami akong iniisip tungkol sa misyon ko at, syempre, sa mga misteryo ng pamilya namin. Pero habang naglalakad ako sa hallway, naramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin. Sanay naman akong hindi pansinin, kaya’t nagulat ako nang marinig ko ang boses ng mga kaklase ko. “Uy, si Wisdom Willow, ang tahimik nating classmate,” bulong ng isang babae sa tabi niya. Kahit pa maliit lang ang boses niya, rinig ko pa rin. Hindi ko na lang sila pinansin, tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Pero sa totoo lang, nakakainis din minsan ang mga ganitong komentaryo. Parang wala silang ibang alam kundi ang manghusga at mag-usisa. Minsan, mas mabuti pa sigurong walang nakakaalam ng mga ginagawa ko sa labas ng eskwelahan. Pagdating ko sa classroom, tinungo ko ang usual na upuan ko sa likod, malapit sa bintana. Dito ako nakakapag-focus at walang masyadong istorbo. Habang inaayos ko ang gamit ko, hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala si Caesar. Siguro kung nandito siya, nasa tabi ko siya ngayon, nang-aasar na naman o kaya’y nagtatanong ng mga tanong na hindi ko inaasahan. Napansin ko ang pagdating ni Artemis, ang tahimik kong pinsan na kakasimula lang ng high school. Wala siyang masyadong ekspresyon sa mukha—parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya, na parang hindi siya naaapektuhan ng mga tsismis o ingay ng iba. Sa tingin ko, magkasundo kami sa aspetong ito, pareho kaming tahimik at hindi nagpapakita ng emosyon. Lumapit siya at umupo sa katabing upuan. Hindi ko na rin inisip na makikipag-usap siya, pero bigla siyang nagsalita, “Athena, bakit kapag dumadaan ako, tumitingin sila?” "Malamang, may mga mata sila." Kumunot ang noo niya. "Tss!" Natawa na lang ako ng palihim. “I guess they’re just curious. People always get interested in what they can’t understand.” Tumango siya, walang ekspresyon, pero alam kong naiintindihan niya. Sa tahimik naming mundo, may koneksyon kaming dalawa—isang tahimik na pagsasamahan na hindi kinakailangan ng maraming salita. Dumaan ang oras sa klase nang hindi ko namamalayan. Hindi ako makapag-focus nang husto, kaya’t tumambay ako sa library matapos ang klase. Tahimik at may amoy ng mga lumang libro, perpekto para makapag-isip ng maayos. Habang tinitingnan ko ang mga libro sa shelf, naramdaman ko na parang may kulang. Ang pag-iisip ko kay Caesar ay laging nandiyan, isang alaala na kahit hindi ko gustuhin, bumabalik pa rin sa isip ko. Habang naroon, napansin ko ang isang bagong libro na naka-display sa gilid. Isang libro tungkol sa mga codes at puzzles, bagay na ikatutuwa sigurado ni Caesar kung nandito siya. Kinuha ko ito at tiningnan ang cover, parang humahanap ng sagot na hindi ko matukoy. Minsan naiisip ko, baka ito ang paraan ng mundo para sabihin na may mga taong dapat pahalagahan kahit hindi mo kasama. Habang hawak ko ang librong iyon, napalalim ang isip ko sa mga alaala namin ni Caesar. Para bang naririnig ko ang boses niya, nagtatanong ng walang katapusang "bakit" tungkol sa kahit anong bagay. Hindi ko namalayan na nakatitig lang ako sa cover ng libro, hanggang sa may lumapit at bahagyang humawak sa balikat ko. Nagulat ako at tumingin sa gilid. Si Artemis pala, tahimik lang siyang nakatayo, walang ekspresyon tulad ng dati. “Nawala ka sa pag-iisip mo, Athena...” sabi niya, at hindi iyon isang tanong—parang alam na niya ang sagot. Tumango ako at ngumiti nang kaunti. “It’s nothing. Just… memories.” Nanatili siyang tahimik, para bang nag-iisip kung dapat pa bang magtanong o hindi. Pero mukhang alam din niyang minsan, ang mga tanong ay hindi palaging kailangan. Tumabi siya sa akin at kinuha ang isang libro sa shelf na katabi ng sa akin. Hindi siya nagsalita, pero sa presensiya niya, parang may kaunting ginhawa akong naramdaman. Isang tahimik na kasama na alam kung kailan magsalita at kailan manahimik. Maya-maya, tumunog ang bell, hudyat ng pagtatapos ng lunch break. Binalik ko ang libro sa shelf at sumunod kay Artemis palabas ng library. Pero habang naglalakad kami pabalik sa classroom, hindi ko maiwasang mapaisip. Parang may isang parte sa akin na gustong hanapin si Caesar, kahit alam kong baka hindi ko siya makita ulit. Sa mga susunod na oras, balik na naman ako sa regular na araw ko. Minsan, napapansin kong tinitingnan ko ang cellphone ko, iniisip kung sakaling may mensahe o kahit anong update tungkol kay Caesar. Pero alam ko ring walang darating—lahat ng impormasyon tungkol sa kanya ay parang naging lihim na lang ng nakaraan. Pagkatapos ng klase, naisip kong maglakad-lakad muna bago umuwi. Nagpaalam ako kay Artemis, at siya naman ay tumango lang at sumabay sa akin palabas ng building. Tahimik kaming naglakad, at kahit walang masyadong usapan, naramdaman kong nauunawaan niya ako. Pareho kaming may mga bagay na hindi lubusang maipaliwanag, mga sikreto at alaala na hindi madaling bitawan. Habang naglalakad kami sa kalsada palabas ng school, hindi ko naiwasang mapangiti nang makita ang isang maliit na shop na may mga puzzle at laruan sa bintana. Parang biglang bumalik ang alaala ng araw na dinala ako ni Caesar sa isang tindahan tulad nito, kung saan nagpaligsahan kami sa pag-solve ng isang puzzle na natagpuan namin. "Gusto mo bang e check na'tin?” tanong ni Artemis nang mapansin niyang napatitig ako sa shop. Umiling ako at bahagyang ngumiti. “Maybe some other time.” Alam kong sa kabila ng pagiging malamig niya, naiintindihan niya ang dahilan. Nagpatuloy kami sa paglalakad, at sa bawat hakbang, naramdaman ko ang bigat ng alaala ngunit kasabay rin ang kakaibang determinasyon. Kung sakaling magkita kami muli ni Caesar, gusto kong malaman niya na nagbago na ako, na may mga bagay akong natutunan at mga damdaming hindi ko na kayang itago. TO BE CONTINUED .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD