CHAPTER SEVEN:
•••
•••
PAPUNTA ako sa classroom, pero nasa isip ko pa rin si Artemis. Kahit na wala siyang pinapakitang emosyon, may kakaiba siyang presensya na hindi mapansin ng mga tao. Tahimik siya, pero may lakas sa katahimikang iyon na parang nag-aanyaya ng tingin. First year pa lang siya, pero alam kong mapapansin siya—at ‘di namin kailangan ng atensyon, lalo na dahil sa Montello Montes na pangalan na dala namin.
Umupo ako sa aking upuan at huminga nang malalim, naghahanda para sa panibagong taon ng pagpapanggap. Mula nung Grade 7, sanay na akong magmukhang ordinaryo—maging malamig at tahimik para walang makahalata sa tunay kong pagkatao bilang Athena Minerva Montes Montello.
Habang nagsasalita ang teacher, lumilipad na naman ang isip ko. Ginugol ko ang buong nakaraang taon para tiyaking matatag ang pagkakakilala nila sa akin bilang 'Wisdom Willow.' Pero ngayon na nandito na si Artemis, alam kong kailangan kong mas maging maingat. Ang katahimikan niya ay may misteryo, at iyon ang madalas na nakakaakit sa mga taong mahilig mag-usisa—isang bagay na ayokong mangyari. Sa mundo namin, ang pag-uusisa ay maaaring magdala ng kapahamakan.
HABANG nakikinig, napansin kong may nakatitig sa akin. Paglingon ko sa kanan, nakita ko si Mia, isang kaklase ko noong nakaraang taon na sinusubukang maging kaibigan ko. Ngumiti siya, na para bang hindi pa rin siya sumusuko sa paglapit sa akin. Ngumiti ako nang bahagya, pero agad kong binalik ang tingin sa notebook ko at nagsimulang magsulat ng kahit ano, kahit pa walang kabuluhan, basta mukha lang akong abala.
Pagdating ng lunch break, nakita ko si Artemis na mag-isa sa ilalim ng puno malapit sa gilid ng school grounds. May ilang estudyanteng dumadaan, pasulyap-sulyap sa kanya, pero hindi niya sila pinansin. Tulad ng dati, nasa sarili siyang mundo, walang pakialam sa paligid niya. Hinangaan ko siya para doon—kung paano siya parang hindi apektado ng kahit ano o kahit sino.
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya nang hindi nagsasalita. Hindi siya tumingin sa akin, pero alam kong alam niyang nandiyan ako. Ilang minuto kaming tahimik na nakaupo, nakikinig lang sa tawanan at bulungan ng mga estudyanteng nasa paligid namin. Sa totoo lang, may kakaibang kapayapaan sa katahimikan namin.
Maya-maya, nagsalita si Artemis. “Lahat ng mga studyante dito ay nagsasalita ng kung ano-ano.”
Natawa ako nang mahina, tumango. “Malamang may bibig," Kinunotan niya ako ng noo. "Pero normal sa kanila yun, siguro.” dugtong ko.
Tumingin siya sa akin, walang mababasa sa mukha niya. “Sa tingin mo magsasalita pa sila ng ganito kapag nalaman nila?"
Hindi ko na kinailangang itanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Alam kong tinutukoy niya ang mga lihim ng Montello Montes, ang legacy na kinikilala namin pareho. “Hindi, hindi na sila mag-iingay,” sagot ko nang mahina. “Kaya kailangan nilang hindi malaman.”
Tumango siya, mukhang kontento sa sagot ko. “Kaya sisiguraduhin ko na hinding-hindi nila malalaman. Tss.”
Simple lang ang sinabi niya, pero ang bigat ng mga salitang iyon. Tahimik si Artemis, pero alam niya ang halaga ng aming sikreto. Hindi siya basta isang tahimik na tagamasid—siya ay tagapagtanggol, tulad ko. Sa kanyang sariling paraan, babantayan niya ang mga sikreto namin.
Doon kami nagtagal sa ilalim ng puno, hindi na nagsasalita. Para sa mga nakakakita, dalawa lang kaming tahimik na magpinsan. Pero para sa amin, ang bawat katahimikan ay may sinasabi—tungkol sa pagbabantay, sa pagtitiwala, at sa bigat ng aming piniling landas.
...
ISANG umaga, habang abala ako sa pagbabasa sa library dito Mansion namin, lumapit sa akin ang butler ng pamilya, si Blue Scion. Code name niya iyon. Wala ni isa sa pamilya ang nakakaalam ng tunay niyang pangalan. Mahusay siya sa trabaho, at alam ng lahat na ang bawat galaw niya ay may rason. Kaya’t nang tawagin niya ako, alam kong may mahalaga siyang sasabihin.
“Miss Athena Minerva,” ani Blue Scion, mahina pero malalim ang boses niya. “Your presence is requested in the study. There’s a small task for you.”
Sumunod ako nang tahimik, sinusundan ang kanyang maingat na hakbang habang binabaybay namin ang mga koridor ng mansion. Wala ni isang tunog kundi ang mga yapak namin, tila alam ng bawat sulok ng bahay na may seryosong bagay na nagaganap. Pagdating namin sa study, nakita kong may sobre na nakapatong nang maayos sa mesa.
Tumayo si Blue Scion sa tabi ko, pinapanood ako habang inaabot ang sobre. “This mission is straightforward, Miss Athena Minerva," paliwanag niya. “It involves retrieving a data file from a secure server at a nearby facility.”
Binuksan ko ang sobre at binasa ang mga detalye. Nakasaad doon ang eksaktong address ng lokasyon, ang access codes, at ilang security notes. Mukhang simple nga ito—walang mga advanced hacking na kinakailangan. Siguro’y sinusubukan lang nila ang kakayahan ko sa ganitong uri ng Mission. Bilang isang beginner pa lang sa hacking, ito ang tamang simula.
Tumingin ako kay Blue Scion, nagtatanong. “Is there anything else I should know?”
Tumango siya, seryoso ang mukha. “The data file is sensitive, yes, but it’s not extremely high-risk. You’ll only need to bypass a couple of firewalls and security measures. Consider it a test, Miss Athena Minerva, as well as a way to demonstrate your skills.”
Naramdaman ko ang excitement at kaba sa sinabi niya. Isang pagsubok. Bagaman hindi pa ako madalas makasali sa ganitong klaseng misyon, alam kong mahalaga ito.
Ako ay isang tahimik na estudyante lang, isang observer, kapag nasa school. Pero kapag nasa mansion, sa misyon na ito, may tunay akong ambag sa legacy ng pamilya.
Bago ako lumabas, tumingin sa akin si Blue Scion, may kakaibang ngiti sa kanyang labi. “I trust that you will succeed, Miss Athena Minerva. Be cautious, but confident. The Montes Montello have high expectations, and I am certain you will meet them.”
Tumango ako, nararamdaman ang bigat ng kanyang mga salita sa balikat ko. Malalim ang hinga ko bago ako tumalikod at lumabas ng study, dala ang lahat ng kailangan para sa misyon.
Paglabas ko ng mansion, naramdaman ko ang kakaibang lakas at sigla. Isa itong simpleng misyon, oo, pero para sa akin, ito ang unang hakbang. Ito ang simula ng tunay kong pagganap bilang isang Montes Montello.
Nasa labas na ako ng mansion, bitbit ang isang maliit na bag na may lamang mga tools at devices para sa mission. Simple lang daw ito, isang “test,” pero sa ilalim ng malamig na anyo ko, may excitement akong nararamdaman. Hindi palaging may ganitong pagkakataon—na makakatanggap ako ng direktang utos mula kay Blue Scion.
Naglakad ako sa daan papunta sa target facility, isang ordinaryong gusali na hindi naman kapansin-pansin mula sa labas. Mukhang simpleng opisina, pero alam kong may tinatago itong mga impormasyon na importante sa pamilya namin. Mabilis kong inayos ang mga gadgets sa bulsa ko habang binabasa ang access codes na nasa sobre.
Sa harap ng building, huminga ako nang malalim, sinusuri ang paligid. Walang masyadong tao, mukhang tulog pa ang lugar. Pinili kong pumasok mula sa emergency exit sa gilid ng gusali. Madilim ang pasilyo, pero sanay na ang mata ko sa ganitong paligid.
Dahan-dahan kong ikinabit ang maliit na hacking device ko sa security panel ng pinto. Ilang segundo lang, at bumukas na ito nang tahimik. Isang bahagyang ngiti ang lumabas sa labi ko. Mukhang tama si Blue Scion, hindi ganoon kahirap ang security na ito.
Nang makapasok na ako, sinundan ko ang layout na nakasaad sa mission details. Diretso ako sa basement kung saan nakalagay ang mga servers. Tahimik at walang tao, wala akong ibang naririnig kundi ang mababang ugong ng mga makina.
Pagdating ko sa server room, binuksan ko ang isang terminal at sinimulan ang hacking process. Ininput ko ang access codes, at dahan-dahang binuksan ang mga layer ng security na proteksyon ng file. Hindi ganoon ka-advanced ang mga firewall, pero kailangan pa rin ng tamang tiyaga at pag-iingat.
Habang hinihintay kong matapos ang download, naramdaman kong parang may tao sa likod ko. Mabilis akong nag-spin sa upuan at nakita ang isang security guard na nakatayo, nakakunot-noo habang nakatingin sa akin.
Hindi ako nagpahalata ng kaba. “Oh, Hi,” sabi ko, sinusubukan ang best innocent look ko. “I think I got lost while looking for the restroom.”
Tumingin siya sa akin, parang nagdududa, pero napansin kong may ini-scan siyang card sa bulsa niya. Mukhang bago pa lang siya at hindi pa ganoon kahigpit. “Hindi ka dapat nandito, Miss,” sabi niya, bahagyang seryoso.
TO BE CONTINUED .....