Chapter One

3406 Words
CHAPTER ONE Kiss me “MATATAGALAN ka pa ba, Ariella?” Inikot ko ang mga mata ko mula sa tanong ni Carly mula kabilang linya. Ibinaba ko ang phone ko sa dresser at ni-loudspeaker ko iyon habang pinagmasdan ang napili kong isuot ngayong gabi. I decided to wear my Saint Laurent strapless velvet mini dress and paired it with my Christian Louboutin boots. I grabbed my Versace purse and sprayed my favorite Chanel perfume before I left my room. “I’ll be there in thirty minutes. Tiyak naman na may mas mahuhuli sa akin,” natatawa kong sagot na ang tinutukoy ay ang isa pa naming kaibigan na si Biatrez habang bumaba ng hagdan. “Oh yes, si Bia na hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-seen sa group chat.” Nakini-kinita kong pag-iling ni Carly. “Are you sure hindi na kita kailangang sunduin pa sa bahay n’yo?” “No need sis, ihahatid daw ako ni Daddy.” A week after our graduation ceremony, niyaya ko ang mga kaibigan kong magpunta sa sikat na Zen club sa city. Sabi ko’y dahil sa boredom pero ang totoo’y na-mimiss ko talaga sila lalo pa’t nasanay ako during our college days na madalas magkakasama. Isa pa’y gusto ko rin pansamantalang malimutan ang nakakatakot na balitang maaari kong harapin. Natawa ako. “Malapit lang naman ang Zen Club sa amin. I’ll be right there soon, para namang hindi kita katulad na natatagalan sa pagpili ng damit.” Nagpaalam na ako kay Carly na isa sa pinakamalapit kong kaibigan. Palagi’y gusto niyang sabay kaming dumarating sa bar. Napapangiti ako dahil excited na akong makita sila pero naglaho ang ngiting iyon ng naabutan ko si Daddy sa sala na umiinom ng alak. Ang tingin niya’y nasa malaking telebisyon sa sala namin ngunit halatang wala roon ang atensyon niya. “Dad, it’s already nine in the evening. Hindi ba dapat sa mga oras na ito ay tulog ka na? And why are you drinking?” sunod-sunod kong tanong na nagtungo sa harap niya at pinamewangan siya. Ngumiti ang ama kong si Luis Vizconde ngunit halatang pilit na pilit iyon. Malalim akong bumuntonghininga at tumabi sa kanya sa sofa. “Mukhang may lakad ang pinakamaganda kong anak, ah?” “Magkikita-kita lang kami nila Carly. May problema ba, Daddy?” tanong ko’t umabrisete sa kanya. Ilang segundong nanahimik ang ama ko hanggang sa harapin niya ako. “Sinabi sa akin ni Manang na madalas kang mahilo at may nakita ka ring mga pasa sa katawan mo.” Napalunok ako at gusto kong sugurin si Manang Fe sa kwarto niya para kastiguhin sa pagsasabi niya nito sa ama ko. Naiintindihan kong nag-aalala siya para sa akin ngunit ayoko talaga munang ipaalam ito kay Daddy dahil tiyak kong maaapektuhan siya. “Ano ba ‘yan si Manang Fe—” “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ganoon na ba ako ka-busy ‘nak para hindi mo makausap?” tunog nagtatampo niyang putol sa akin. Umiling ako’t humilig sa balikat niya. “Dad, this is the reason why I didn’t tell you. Ayokong mag-alala gayong wala pa namang confirmation kay Tito Harold. Naka-schedule na ako for check-up sa makalawa.” “Bakit sa makalawa pa?” “May lakad ako bukas, Dad. Magpapasa ako ng requirements ko sa DLZ para makapag-start na ako by next week.” Umiling-iling ang Daddy sa akin. “Bakit ba kailangan mo pang magtrabaho sa ibang kompanya kung pwede naman sa atin.” “Dad, mass communication ang natapos ko, ang layo no’n sa business nating real estate. But I promise if nothing happens with my career in DLZ, I’ll learn how to manage our company.” “Alam mong suportado kita sa kung anong magpapasaya sa ‘yo Ariella, pero kung makakasagabal iyon sa kalusugan mo makikialam ako sa ayaw at gusto mo. Buweno, umalis ka na’t baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo. Basta sasamahan kita sa makalawa, mag-ingat ka ngayong gabi.” Hinalikan ko sa pisngi ang ama ko’t tumayo na. “Dad, stop drinking at matulog ka na. Huwag ka munang mag-isip ng kung ano. Ayos lang ako, swear.” Nakangiting kumaway ako sa ama ko bago ako umalis ng bahay. Malalim akong napabuntonghininga ng nakasakay ako kay Georgie—my Porsche Boxster that my father gave me during my debut. My mother passed away when I was one year old because of leukemia. Tanging sa mga pictures ko na lang siya nakilala. Lumaki ako sa pangangalaga ng Daddy at Ate ko bagamat nakakaramdam ako ng inggit sa mga ibang bata dahil sa wala akong ina, naging sapat ang pagmamahal sa akin ng kapatid at ama ko para lumaki pa rin akong hindi nakukulangan sa atensyon. Kinuha ko ang maliit na notebook sa purse ko at pinakatitigan ang mga nakasulat doon. Mga listahan ng gusto kong gawin bago ako mamatay. I was eighteen when my half-sister Ysabella was diagnosed with the same disease. With fear that my time in the world had also been decided by the cruel fate my mother suffered, I made a list of things I wanted to fulfil before I die. Kagabi ko lang naisip na hanapin ang notebook sa drawer ko dahil ilang araw na akong nakakaranas ng mga sintomas na nakita ko sa Ate ko. It’s time that I fulfil this bucket list. Ibinalik ko iyon sa purse ko at binuksan ang stereo ng kotse. Pumailanlang ang masayahing tugtugin ng paborito kong banda na Little Mix at sinabayan ko iyon kahit alam ko namang hindi talaga kagandahan ang boses ko. Kung nandito lang ang mga kaibigan ko malamang ay kanya-kanya na silang takip sa mga tenga nila dahil sa pagiging sintunado ko. Oh, you really can’t have it all. Malapit na ako sa Zen Club ng tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay napangiti ako nang makita kung sino ang tumatawag. Agad kong sinagot iyon at masaya ang boses na binati ang kapatid ko na ilang araw nang hindi tumatawag sa akin. “Ate Ysabella!” “Kailangan sumigaw, Trinity?” Natatawa niyang puna sa boses kong puno ng pananabik. “Sorry, Ate, I just missed you ang tagal na ng huli mong tawag ‘eh.” Natahimik si Ate sa kabilang linya dahilan para kabahan ako. “Are you okay, there? Heto na nga ba ang sinasabi ko, dapat talagang sumama ako sa ‘yo--” Natigil ako sa pagsasalita nang marinig ang pagtawa ni Ate. “I’m fine, Trinity! Natagalan ang huli kong tawag dahil nagbakasyon kami ni Jake sa pamilya niya sa Toronto. We've been kinda busy in the last few days.” Nagpatuloy sa pagkukuwento si Ate Ysabella sa pagbabakasyon nila ni Jake--ang anak ng doktor niya na naging best friend niya sa tatlong taon na pananatili niya sa amerika. Kaya kahit nang makarating na ako sa Zen Club ay hindi pa rin ako bumaba sa kotse ko. “Nako, meeting the family na pala. Kailan ba magiging kayo ni Kuya Jake?” nanunudyo kong tanong sa kapatid ko. “Puro ka kalokohan. Jake and I we’re just friends. Nothing more, hindi ko kayang magmahal ng iba, Trinity.” Natigilan ako nang maringgan ang malungkot na boses ni Ate na tiyak kong naalala na naman ang ex-boyfriend niya na hindi ko kailanman nakilala. “Anyway, I miss you baby sis. I hope we can see each other soon.” Kahit nang maibaba na ni Ate ang tawag ay hindi nawala ang tingin ko sa cellphone. Tatlong taon na lumalaban si Ate Ysabella sa sakit niya at bagama’t gusto kong samahan siya’y ayaw niyang isakripisyo ko ang pag-aaral ko rito sa Pilipinas. When her father--Tito Mike found out about her disease. He convinced my father to let Ate Ysabella come to the US. Nalungkot man kami ng ama ko sa pag-alis ni Ate Ysabella ay alam naming mas maganda at moderno ang gamutan sa amerika. Bagama’t magkapatid lang kami sa ina ni Ate Ysabella ay malapit kami sa isa’t-isa. She’s my best friend, my confidant, and someone I dearly love aside from my father. Muling tumunog ang cellphone ko at nang makita ang pangalan ni Carly ay dali-dali akong bumaba ng kotse ko. “Nandito na ako sa loob, nasaan ka na?” malakas na sigaw ni Carly dahil sa maingay na musika sa loob ng bar. “I’m here na papunta na sa entrance.” “Okay, restroom lang ako saglit. Sabay na tayo papunta sa VIP lounge. Nandoon na raw si Ate Heat.” Tumango ako’t nagpaalam sa kanya. Dahil ang tuon ko’y nasa cellphone muntik pa akong matalisod sa lubak na hindi ko napansin. Kung hindi lang may maagap na humawak sa braso ko mula sa likod malamang sira na ang gabi ko sa pagkakasubsob sa lupa. “Be careful, Miss,” walang kangiti-ngiting saad sa akin ng lalaki’t mabilis na binitiwan ang braso ko. Napalunok ako ng mabistahan ang hitsura niya, hindi ito ang kauna-unahang nakakita ako ng gwapo kaya hindi ko maintindihan kung bakit natulala ako habang nakatingin sa kanya. Ang mga mata ko’y hindi maalis ang tingin sa berde niyang mga mata. Kahit na naka-boots na ako’y kailangan ko pa rin siyang tingalain dahil sa tangkad na meron siya. “Woman, don’t look at me like that.” “L-look like what?” What’s wrong with me?! Bakit ako nautal? Tumawa siya’t napaurong ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Pakiramdam ko huminto ang puso ko nang ngumiti siya. “Like you wanted to eat me.” “Anong eat pinagsasabi mo? I’m not a cannibal!” masungit kong saad pilit na hindi pinapahalata sa kanya ang epekto ng malapit niyang mukha sa akin. Bukod sa malakas na tahip ng puso ko pakiramdam ko’y nanghihina ang tuhod ko at anumang oras ay bubuway ako sa kinatatayuan ko. “Innocent ‘eh?” nakangisi niyang saad at tinalikuran na ako. Anong eat pinagsasabi no’n? Kunot-noo kong iniisip pa rin iyon kahit nang makapasok na ako sa Zen Club. Natagpuan ko pa nga ang sarili kong hinahanap ang lalaking iyon. The man with green eyes, jet black hair, pointed nose, and kissable lips-- What the hell am I thinking? Sa entrance ay napunta ang tingin ko sa dalawang taong naghahalikan. Habang pinagmamasdan ko sila ay napagtanto ko ang ibig sabihin ng lalaki kanina. Eat him means I want to have s*x with him?! Napapitlag ako nang may umabrisete sa akin dahilan para pansamantalang mawala sa isip ko ang lalaki. Pagbaling ko ay si Carly na tumatalon-talon ang bumungad sa akin. “Let’s go, I can’t wait to party all night!” bumubungisngis na bulong niya sa akin at niyakag ako patungo sa VIP lounge. Napangiwi ako sa mga lalaking nagnanais makipagsayaw sa amin. Wala pa ako sa mood not until wala pang alak na sumasayad sa lalamunan ko. “Ate Heat!” malakas na tawag ni Carly sa pangalan ni Ate Heather na agad kaming nilingon at kumaway rin sa amin pero sumimangot din kapagkuwan. “Ang tagal n’yo,” aniyang sumimsim sa baso ng alak na hawak. Tumabi ako sa kanya at tumawa. Heather Arellano is an interior designer and daughter of our dean in Princeton University. Mas matanda siya sa aming magkakaibigan kaya Ate Heat ang tawag namin sa kanya. “Well, you know the traffic. Saturday ngayon,” saad ko kahit ang totoo’y wala naman talagang traffic. Bukod sa pagkausap kasi kay Ate Ysabella ay may lalaking tila nambulabog sa akin. “Wow, nagpagupit ka ulit? Wala ka talagang balak pahabain ang buhok mo?” ani Carly na sinisipat ang buhok ni Ate Heat na maiksi at undercut. "Hindi ka pa nasanay," I said and waved to the waiter nearby. "Anyway, since dama kong magiging madalang na 'tong get together natin, we've got to enjoy this night, hard ang iinumin nating lahat." "Tequila ang bet ko!" nagniningning ang mga matang saad ni Carly na ikinatawa ko. Carly Rose Randall is an aspiring fashion designer from a middle class family. Sa aming anim na magkakaibigan, sa kanya ako pinakamalapit. I love her for being optimistic and playful, not that I don't love my other friends. Lahat sila ay malapit sa puso ko. Saktong nakalapit na sa amin ang waiter ay ang pagdating ni Maxine sa table namin. Kinindatan ko silang lahat at alam kong alam na nila ang ibig sabihin ng pagkindat kong 'yon. Hinarap ko ang waiter at matamis siyang nginitian. "One bottle of Casamigos," tukoy ko sa paboritong brand ng tequila na karaniwan naming iniinom sa Zen Club. "Anim na shot glass. Oh, and lots of lime, and ice-- iyong crushed, please." Nais kong matawa nang makita ang pagngiwi ni Maxine. "Alam n'yo namang hanggang juice lang ako," reklamo niya't itinulak pataas ang suot na salamin. Maxine Dela Vega finished BS Education in Princeton University. Sa tuwing may nambubully sa kanya dahil sa pagiging nerd ay hindi ko maiwasang magalit sa mga ‘yon. Maxine graduated in Princeton despite her poor situation and I admire her for that. She’s smart and hardworking, the reason why I feel bad for her every time someone would tease her for being nerd and poor. Ilang saglit matapos dumating ang inorder ko’y siyang pagdating ni Sahara. "As usual, you're late again!" ani Ate Heat na malakas ang boses na bati kay Sahara. "Hinintay ko munang umalis si Dad para magamit ko ang kotse," pagpapaliwanag ni Sahara sa amin na naupo na at sinipat ang mga inumin na nakalatag sa table namin. "Mukhang hindi naman ako ang pinaka-late sa atin. Where's Biatrez?" Natawa ako dahil tulad ko'y ayon din ang inaasahan ni Sahara sa kaibigan naming si Bia na palaging late. "Buti pinayagan ka ng Mommy mo?" tanong ni Maxine sa kanya na nginisian niya lang. "Alam mo naman si Mommy, kapag nakita niyang hindi ako papipigil, wala na rin siyang magagawa." Napailing ako sa sagot ni Sahara at natitiyak kong nagtalo na naman sila ng mga magulang niya. Kahit wala siyang sabihin sa amin ramdam kong may problema siya. Sahara del Rio is the daughter of a well-known politician. Ang alam ko’y nais ng ama niyang maging isa siyang abogado tulad nito ngunit business management ang kursong tinapos niya. Hindi lingid sa kaalaman naming magkakaibigan ang madalas niyang pakikipagtalo sa mga ito dahil doon. Dahil sa kanya’y ikipinagpapasalamat at mas na-appreciate ko ang ama kong walang ibang hinangad kung hindi ang maging maligaya ako kaya hindi ako kailanman pinigilan sa mga nais kong gawin sa buhay. Kaya nga ipinapanalangin kong hindi ako magaya sa ina at kapatid ko. I don’t want my dad to suffer again. Ayokong pag-alalahin siya. Sana lang talaga ay wala akong sakit. Dahil sa problemang kinakaharap ay naparami ang inom ko ng alak. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napailing sa mga kalalakihang nakita. Sikat ang Zen club at iba’t-ibang klase ng personalidad ang makikilala mo rito. I flirted with some of them but that’s just it. After a jerk broke my heart a few years ago, I find it hard to trust someone enough to enter a relationship with them. But I need to find that man, now. It’s on the top of my bucket list. To find a man whom I can fall in love with. Someone who’s going to be with me while fulfilling my bucket list. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko isinulat ‘yon. I’m independent even though I grew up being pampered by my father. Most probably because I don’t want to die single and a virgin. How selfish of you, Ariella… Kung ang ate ko ay piniling makipaghiwalay sa boyfriend niya nang malaman na may sakit siya, ako naman ay gustong makipagrelasyon pa kahit may posibilidad na may sakit ako. We’re really different from each other. Lumipas muli ang oras at sa wakas ay dumating na ang latecomer naming kaibigan na si Biatrez. “Masyado kang maaga para sa bukas,” nanunukso kong bati sa kanya. Inikutan niya ako ng mga mata pero tumawa rin at bumeso sa akin. “Oh you know me, Ariella, wala sa bokabularyo ko ang maging maaga,” saad niya’t isa-isang bumeso sa mga kaibigan namin. Biatrez Rivera came from a rich family. Fine arts ang tinapos niya sa Princeton at madalas na wala siya sa mga lakad naming magkakaibigan. She’s busy with her arts and love for shopping. "Nandito pala si Lucas, Maxine!" ani Carly na tinutudyo ang kaibigan namin. Ang tingin ko rin ay napunta sa lalaking ilang mesa ang layo sa amin. Kumindat pa sa akin ang isa sa mga lalaki roon pero binalewala ko iyon at ibinalik ang atensyon kay Maxine na kahit hindi ko sulyapan alam kong namumula na ang mukha. Lahat kasi kami ay alam na si Lucas ang lalaking hinahangaan niya kaso nga lang ay hindi man lamang siya magawang pansinin ng lalaki. Siniko ko si Maxine at nginisian. "Landiin mo kaya? This is your chance, girl!" suhestyon ko na ikinatawa nilang lahat maliban kay Maxine na halatang ninerbyos sa sinabi ko. "Si Maxine pa ba ang aasahan mo d'yan? Baka si Sahara pwede pang lumandi ng lalaki dito," naiiling na wika ni Carly sa akin. Tumawa lang si Sahara walang pakialam sa panunukso sa kanya ni Carly. "Go Maxine!" nakikisali na rin na pambubuyo niya kay Maxine. "Ikaw rin Ate Heat, akala mo ba hindi namin napapansin na kanina ka pa napapasulyap sa estrangherong 'yun?" aniyang inginuso ang lalaki rin na hindi iniwas ang tingin kay Ate Heat. Natawa ako ng ituro rin ni Ate Heat ang lalaking napansin ko rin kaninang tinititigan ni Sahara. Buti pa ‘tong mga kaibigan ko mukhang mga magkaka-love life na. Ako kaya? Agad kong kinuha ang shot glass ng tequila nang lumitaw ang imahe ng lalaking nakaengkuwentro ko kanina. Sunod-sunod kong ininom iyon walang pakialam kung malasing man ako. Am I really attracted to him? "Let's do some dare!" Napatingin ako kay Sahara sa sinabi niya dahilan para hindi ko masagot ang katanungan na pumasok sa isip ko. Natawa ako nang agad iyong tanggihan ni Maxine. Sinundan iyon ng panghahamon ni Ate Heat kay Sahara. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan habang nagpatuloy sa pag-inom ng alak. A dare to find a guy we fancy and kiss him? Why not? It’s just a kiss and a little flirting. I started searching for that green-eyed man in the bar. I fancy him, I’m attracted to him. Pero lumipas ang ilang minutong paghahanap ay hindi ko siya nakita. Too bad…mukhang nakaalis na. Dala ng hilo sa mga alak na nainom ay napapikit ako nang biglang nagdoble ang paningin ko habang naglalakad ako patungo sa restroom. Sumandal ako sa pader at mariing ipinikit ang mga mata ko. Nang mawala ang paglundo ng paligid ko’y idinilat ko ang mga mata ko. Sa pagmulat ko’y hindi ko inaasahan ang taong bubungad sa akin. The green eyed man I was looking for. He’s staring at me while giving me a devilish smile. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago dahan-dahang napailing. Kung para saan ang iling na iyon ay hindi ko alam. “You should go home if you’re drunk, missy,” saad niya na ambang aalis na ngunit napahinto nang lapitan ko siya. I wickedly smiled at him. “Can you do me a favor, Mister?” Tumawa siya. “We don’t even know each other, Missy. But if it’s an easy favor, why not?” “It’s a simple favor and very easy,” sagot kong mas inilapit ang sarili ko sa kanya. Tila tinakasan na ako ng bait nang iangat ko pa ang kamay ko at haplusin ang pisngi niya. Tumaas ang kilay niya sa ginagawa ko. “You’re drunk, why don’t you go home before you do something you’ll regret.” “I’m not that drunk, Mister,” paanas kong saad at tumingkayad para magpantay ang labi naming dalawa. “Just tell me your favor, Missy, so I can go before I f*cking lost my mind,” madilim ang mga matang tila nahihirapan niyang saad sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Tila may apoy na nagsindi sa akin at rumagasa ang init sa katawan ko sa ginawa niya. “Kiss me.” “Don’t provoke me, woman.” "If you don’t want to kiss me, then I'll be the one who’ll do it," Mapang-akit kong saad. Ipinikit ko ang mga mata ko at tuluyang tinawid ang gahiblang distansya ng labi naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD