CHAPTER TWENTY THREE Against SUNDAY morning. Nakabibinging katahimikan ang namamayani sa amin ni Daddy sa komedor habang nag-aalmusal. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya at tutok ang atensyon sa hawak na newspaper. Hindi na nakatiis na tumayo ako at pinagsalin muli siya ng tea sa tasa. Tumikhim ako at nagtungo sa likod niya para yakapin siya sa leeg. “Dad…are you mad at me?” “Maupo ka, Ariella Trinity.” Mariin akong napapikit sa pagtawag niya sa buo kong pangalan. Sa naging reaksyon ni Daddy natitiyak kong hindi uubra ang paglalambing ko sa kanya katulad ng mga ginagawa ko noon sa tuwing nagagalit siya sa akin kapag may mali akong nagawa. Pero may mali nga ba sa ginawa ko? I just fall in love, what's wrong with that? Tinupi niya ang hawak niyang diyaryo habang ako ay bumalik sa