CHAPTER NINETEEN Please “IS she okay?” “Mataas pa rin ang lagnat ng pasyente. We’re going to put a dextrose IV and we’ll test her blood para ma-check natin kung may problema—” Dumilat ako at hinila ang kamay ko sa lalaking pinupunasan ng alcohol ang ibabaw ng palad ko. Ramdam ko ang bigat ng ulo at ang pakiramdam ko. Mainit ang singaw ng bunganga ko ngunit ayokong magpa-hospital. Bumangon ako at hinawi ang kamay ni Dmitri na tangkang pipigilan ako. “Ma’am relax lang, you’re having a high fever, so we are—” Inangat ko ang kamay ko at inilingan ang nahinuha kong doktor. “I-I’m fine, doc.” Putol ko sa kanya. “For Pete’s sake Ariella, you’re not fine!” singhal ni Dmitri sa akin pero hindi ko siya pinansin at bumaba ako ng kama. “Ma’am, may protocol po kami dito sa hospital and we ca