Chapter 4

2634 Words
" Napakaganda talaga ng anak ko, " bigla kong narinig ang boses ni Mommy sa aking likuran. Pinatigil ko ang mga nag-aayos sa aking mga hair dresser, at mga make-up artist para lingunin si Mommy. Nilapitan niya ako na nakangiti. Hinawakan niya ang aking balikat. Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit. Nakasuot na rin siya ng kulay puting Gown para sa magiging kasal namin ni Jordan mamayang alas singko ng hapon. Napatingin ako sa likod ni Mommy at sa labas ng kwartong kinalalagyan namin, nandoon si Daddy na naghihintay. " Hindi ko mapigilan na hindi ka makita, Grae, kaya nagpunta kami dito, " sabi ni Mommy sa akin. " Salamat, Mom! Salamat at tinupad niyo ang sinabi niyo sa akin, " sabi ko sa kanya. " Ano ka ba, Grae, anak ka namin, at kung saan ka sasaya, palagi lang kaming nasa likod mo, " sabi ni Mom sa akin. " Pero si Dad..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan ni Mom ang aking mga kamay. " Huwag kang mag-alala sa Dad mo. Alam mo namang mahal na mahal ka noon, kahit na hindi niya sabihin sa iyo. Hindi lang siya sanay na magpakita ng kanyang nararamdaman, pero alam mo ba, palagi ka naming pinag-uusapan, " sabi ni Mom sa akin. Napabuntong hininga at napapikit na lang ako ng aking mga mata at pagkatapos ay muli akong tumingin sa kinatatayuan ni Dad. Seryoso pa rin ang kanyang mukha, pero alam ko, ramdam ko na masaya din siya sa para sa akin. " Paano? Maghanda ka nang mabuti, at ang gusto ng Dad mo, sabay-sabay tayong tatlo na pumunta ng simbahan kaya hihintayin ka namin sa labas, " sabi ni Mom sa akin. Tumango na lang ako dahil sa sinabi ni Mom sa akin. Nang makalabas si Mom, nagpatuloy ako sa pag-aayos ng aking sarili. Halos isang oras pa ang ginugol ko sa pag-aayos bago ako tumayo at humarap sa full body mirror. Napangiti na lang ako habang tinitignan ko ang aking sarili na nakasuot ng puting wedding dress. ' Itong araw na ito ay ang simula ng pagbabago ng aking buhay kasama ang lalaking pinakamamahal ko. ' " Ma'am Graciella, kailangan na po ninyong pumunta ng simbahan, " napalingon ako nang may magsalitang babae. Ngumiti ako sa kanya, " Susunod na ako, " sagot ko. Kinalma ko ang aking sarili. Hindi ko maiwasan ang maging excited dahil sa magiging kasal ko. Nang makalabas ako ng kwarto kung saan ako inayusan, nakita ko si Mom at Dad na naghihintay sa akin. Sabay kaming lumabas at sumakay sa kanya-kanya naming sasakyan papunta sa simbahan. Halos kalahating oras kaming nagbyahe papunta sa simbahan. Nang lumabas ako ng sasakyan, napatingin ako sa likod nang tumigil ang sinasakyan nina Mom at Dad. Lumabas silang dalawa at nilapitan nila akong dalawa. Sabay kaming tatlo na naglakad palapit sa bukana ng simbahan, at doon ay inayos kami ng Wedding Organizer. Naghintay pa kami ng sampong minuto sa labas ng Simbahan, hanggang sa marinig namin ang isang kanta na siyang nagpangiti sa akin, ang Beautiful In White ni Shane Fillan.  Nagsimula na ang aking kasal, at habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa mga dumalo, ang aming mga malalapit na kaibigan, ang ilang mga kamag-anak ko, mga kakilala naming mga business man, mga producers,at ang mga talents na hinahawakan ng aming Agency. Nakatayo silang lahat, nakangiti kaya ginantihan ko rin sila ng ngiti. Habang papalapit kami sa altar, hindi ko maiwasan ang magbalik-tanaw sa mga magagandang pangyayari sa aking buhay na kasama si Jordan. Mula sa simula na nagkakilala kami, sa panliligaw niya, sa mga panahong magkasama kaming masaya, sa mga pagsubok na aming hinarap, at sa mga kwentong aming pinagsaluhang dalawa. Sayang nga lang at wala na ang mga magulang ni Jordan. Hindi na nila masasaksihan ang aming kasal. Ayon sa kwento sa akin ni Jordan, lumaki siya sa puder ng kanyang tiyahin sa Probinsya, pinag-aral siya at inalalayan hanggang sa magkolehiyo ito at lumuwas ng syudad para makapag-aral, at sa kolehiyo kami nagkakilalang dalawa. Naging saksi ako sa buhay ni Jordan, kung gaano siya kasipag noon. Sa kabila ng kanyang pag-aaral, nagtatrabaho siya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Nakita ko rin kung gaano kabuti ang kanyang pagkatao na siyang bumihag sa akin puso. Alam kong malaki ang kaibahan ng aming social status ni Jordan, pero hindi iyon naging hadlang para sa aming dalawa, dahil ang importante sa amin, masaya kaming dalawa na magkakasama, masaya kaming dalawa na nagmamahalan. Nang makalapit kami kay Jordan, hiningi niya ang aking kamay. Napatingin ako kay Dad, at nang tumango siya, i abot ko ang aking kamay sa kanya. Nakangiti siyang nakatitig sa akin habang naglalakad kami papunta sa altar. May kaunti akong kabang nararamdaman, pero alam ko naman na sa huli, purong saya ang pagsadaluhan naming dalawa ni Jordan. Nagsimula na ang seremonya sa kasal namin. Pinakinggan namin ang sermon ng Pari, at sa huli ay ang pagpapalitan naming dalawa ni Jordan ng aming vows. Hinarap namin ang isa't isa. Nakangiti ako habang nakatitig sa kanya. "Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa Maykapal dahil ibinigay ka niya sa akin, Grae." pagsisimula niya. Nginitian ko siya at nagsimula nang lumabas ang aking luha sa aking mga mata. "Alam kong malayo ang agwat ng ating pamumuhay. Alam kong hindi ako perpektong lalaki, pero sa kabila ng lahat ng iyon ay tinanggap mo ako. Ramdam na ramdam ko ang iyong pagmamahal sa akin na siyang nagbibigay ng hindi ko maipaliwanag na emosyon," pagpapatuloy niya. "Kung hindi mo alam, ikaw ang nagpabago ng lahat sa buhay ko, at ikaw ang simula ng buhay na inaasam ko. Salamat, salamat dahil dumating ka sa akin, at ngayon, ito na ang araw kung saan magsisimula tayong buoin ang isang kwento na magkasama." "Graciella, asahan mo na gagawin ko ang lahat para sa iyo. Hinding hindi kita sasaktan, ginding hindi kita ipagpapalit kung kanino man, dahil ikaw ang magiging sentro ng aking buhay!" Hindi ko na mapigilan pa ang kasiyahan sa aking puso dahil sa mga narinig kong sinabi ni Jordan sa akin. Para akong nasa langit na lumilipad, nakahawak sa kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata. "Jordan," pagtawag ko sa kanyang pangalan. "Ang sabi nga nila, ang pag-ibig ay napakamisteryo. Hindi natin alam kung kailan at saan ito darating. Hindi natin alam kung sino ang ating mamahalin, pero nang dunating ka sa buhay ko, pakiramdam ko ay pinagpala ako ng Maykapal!" unang mga salitang namutawi sa akin. "Hindi importante sa akin ang sinabi mong agwat ng ating pamumuhay, dahil ang mahalaga sa akin ay ikaw. Ikaw ang taong nagbigay sa akin ng kakaibang kaligayahan, ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking mundong kinalalagyan, ikaw ang nagpaliwanag kung gaano kasarap ang buhay, at ikaw ang siyang bigay ng Maykapal!" pagpapatuloy ko. "Alam kong alam mo na mahal na mahal kita, Jordan. Kahit na anong mangyari, kahit na subukin man tayo ng maraming pagsubok, hahawak ako sa iyong kamay at sabay natin haharapin ang lahat, dahil alam ko, dahil may tiwala akong hindi mo ako bibitawan kahit na anong mangyari!" Napatigil ako sa pagsasalita dahil namamaos na ako. Dahil sa labis na kasiyahan na aking nararamdaman, namaos na ang aking boses. "Jordan, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay, ikaw lang ang pag-aalayan ko ng lahat, dahil sigurado akong iingatan mo ako hanggang tayo ay tumanda! Mahal na mahal kita, saksi ang lahat, at saksi ang Maykapal kung gaano ako kapalad na ikaw ang lalaking minamahal ko!" pagtatapos ko. Nagpalakpakan ang lahat ng tao na nasa loob ng simbahan dahil sa palitan namin ng vows ni Jordan. " Kung ganoon, sa presensya ng Maykapal at ng simbahan, hinihiling ko na kayo ay manatili, "sabi sa amin ng pari.    " Graciella at Jordan. pumunta ba kayo dito na bukal sa inyong loob para ibigay ninyo ang inyong sarili sa isa't isa? "tanong sa amin ng pari.  " Opo , father! " sagot naming dalawa ni Jordan habang nagkakatitigang dalawa.  " Mamahalin niyo ba ang isa't isa bilang mag-asawa? " " Gagawin namin, Father. " " Tinatanggap niyo ba ang mga magiging anak niyo na ibibigay ng Diyos at dahil sila dito ayon sa batas ng Dyos at ng simbahan? " "  Opo, Father "  " Dahil ito ay inyong kagustuhan na makasal, maghawak kayo ng kamay at magsumpaan. " Sabi ng pari sa amin at si Markus ang mauuna. Susundan namin kung ano ang sasabihin ng pari.   "I Jordan taking Graciella, to be my wife, I promise to be true to you, in great times and bad, in sickness and health, I will love you and honor you, all the days of my life! "  nakangiting sambit ni Jordan sa akin.  "I Graciella taking Jordan, to be my husband, I promise to be true to you, in great times and bad, in sickness and health, I will love you and honor you, all the days of my life! " nakangiti ko namang sambit kay Jordan.  Matapos ang sumpaan ay sumunod na ang pagsusuot ng singsing. Matapos dasalan ng pari ang mga singsing muli na naman kaming magsasalita sa isa pang sumpaan at mauuna si Jordan.  "This ring, I give to you as a token of my love and devotion to you. I pledge to you all that I am and all that I will ever be as your husband. With this ring, I gladly marry you and join my life to yours."  pagsunod ni Jordan sa sinabi ng pari habang isinusuot niya ang singsing sa aking daliri.  "This ring I give to you as a token of my love and devotion to you. I pledge to you all that I am and all that I will ever be as your wife. With this ring, I gladly marry you and join my life to yours."  sumunod naman akong sumupa sa kanya at kasabay din ng pagsuot ko ng singsing sa kamay ni Jordan.  " Jordan, you may now kiss your bride! " Palakpakan ang lahat nang halikan ako ni Jordan sa kanilang harapan. Napapikit ako. Para akong nasa isang fairytale na kwento na masasabi kong nakamit ko na ang happily ever after ng buhay ko!  Alam kong ito pa lang ang simula ng aming bagong buhay at hinding hindi ako bibitaw sa kahit na anong pagsubok na aming haharapin.  Matapos ang halikan naming dalawa ni Jordan, humarap kami sa mga taong nandito sa loob ng simbahan. Nakangiti kaming dalawa sa kanila at kita namin ang saya nila para sa amin ni Jordan.  Muli kaming nagkatinginan ni Jordan at muling naghalikan sa harap ng mga taong saksi sa aming pagmamahalan. Sabay kaming dalawa ni Jordan na naglakad palabas ng Simbahan. Hindi naman nawala ang palakpakan ng mga dumali sa aming kasal, at ngayon ay pupunta na kami sa reception, sa isnag Resort dito sa aming lugar. Naging maayos ang lahat sa  kasiyahan hanggang sa sumapit ang oras na nagsiuwian na ang mga bisita. Nilapitan ko ang aking mga magulang. Hinarap ko sa kanila si Jordan. Nakangiti si Mom, habang si Dad ay seryoso pa rin ang kukha. "Masayang masaya ako sa iyo, anak," pagbati ni Mom sa akin. "Salamat, Mom," pasasalamat ko. Tumingin si Mom kay Jordan, "Alam kong alam mo may pagdadalawang-isip kami sa iyo, Ijo, pero dahil ikaw ang taong nagbibigay ng saya sa aming anak, wala kaming magagawa kundi ang tanggapin ka," nakangiting sabi ni Mom kay Jordan. "Huwag po kayong mag-alala, ipapakita ko po sa inyo na hindi kayo magsisisi sa akin. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para kay Graciella, mamahalin ko po siya higit pa sa buhay ko!" sabi ni Jordan sa kanila. "Hindi ka namin lubusang kilala. Pinaimbestigahan ka namin, pero wala kaming nakuha maliban sa records mo sa pag-aaral, at pagbigay sa iyon ni Grae ng karapatan sa Agency. Naging maayos naman ang Agency sa pamamahala mo, pero kapag nalaman namin may katarantohan kang ginawa, hindi ako magdadalawang-isip ilagay ka sa dapat kalalagyan mo!" may pagbabanta si Dad sa kanyang sinabi. "Dad naman," sabi ko sa kanya. "Mahal na mahal kita, Grae, at ayaw kong masasaktan ka! Kahit pa na tutol ako sa lalaking iyan, wala din akong nagawa dahil iyan ang kagustuhan mo. Pero kapag sinaktan ka niya kahit minsan, hindi ako magdadalawang-isip na bawiin ka sa kanya!" sabi ni Dad sa akin. Napapikit na lang ako ng aking mga mata at napabuntong hininga. "Gaya nga po ng sinabi ko kanina, hinding hindi mangyayari iyon," sabat ni Jordan. Tumingin nang seryoso si Dad, "Madaling magsalita, pero hindi natin alam kung ano ba talaga ang nasa loob mo!" sabi ni Dad sa kanya. "Mahal, magtiwala tayo. Wala naman tayong nakitang mali kay Jordan. Siguro ay nagkakamali lang tayo sa ating akala," sabi ni Mom kay Dad. Natahimik si Dad dahil sa sinabi ni Mom sa kanya. Tumingin si Mok sa aming dalawa ni Jordan. "Paano? Aalis na kaming dalawa. Mag-enjoy kayong dalawa, at sana ay mabigyan niyo kami ng apo bago kami pumunta sa Paraiso," paalam ni Mom sa akin. Nilapitan ko si Mom at jiyakap siya at pagkatapos ay tumingin ako kay Dad. "Dad?" pagtawag ko sa kanya. Napansin ko ang knayng bahagyang pagngiti na siyang kinagalak ko. Mabikis akong napayakap kay Dad, dahila alam ko naman na masaya rin siya sa aking ngayong araw. "Mahal na mahal ka namin, Grae, at masaya kami kung alam namin na masaya ka." bulong sa akin ni Dad habang magkayakap kaming dalawa. "Salamat, Dad, salamat sa lahat lahat!" sagot ko sa kanya. "Paano? Aalis na kami, at kayong dalawa, magbyabyahe pa kayo sa inyong honeymoon. Mag-ingat kayo at hiling namin ang inyong kasiyahan," sabi ni Mom sa aming dalawa ni Jordan. "Salamat, Mom, Dad. Mag-ingat din kayo sa pag-uwi. Kita na lang tayo sa susunod na linggo matapos ang aming honeymoon ni Jordan," paalam ko sa kanila. Magkahawak kamay kaming dalawa ni Jordan habang pinagmamasdan ang pag-alis ng aking mga magulang. Nang makasakay silang dalawa sa sasakyan, nagkatinginan kaming dalawa ni Jordan. "Tara na? Tatlong oras pa ang byahe natin papunta sa Paraiso!" sabi sa akin ni Jordan na sinabyan pa niya ng pagkindat. "Dapat na ba akong kabahan, Jordan?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman, pero gaya nga ng sinabi ko sa iyo noon, Mrs. Herera ka na at lahat ay pwede ko nang gawin sa iyo!" sagot niya at hinila niya akong papunta sa aming sasakyan. Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Pitong taon din siyang naghintay s aakin, at ngayong gabi, handa na akong ibigay sa kanya ang lahat! Habang nakasakay kaming dalawa ni Jordan papunta sa lugar ng aming Honeymoon, magkahawak kami ng aming kamay at nakangiti. Halos dalawang oras na rin ang aming byahe nang hindi tumitigil sa pagtunog ang aking cellphone na nasa bag ko. "Kanina pa iyang tawag nang tawag, Grae. Sagutin mo na, at baka hindi makatulog kapag hindi ka niya nababati," sabi sa akin ni Jordan. "Okay lang ba?" tanong ko sa kanya. "Oo naman, may isang oras pa naman ang byahe natin, eh" sagot ni Jordan. Nginitian ko siya at kinuha ang aking cellphone sa aking bag. Nang makuha ko ito, nakita ko ang new number na tumatawag. "Hello?" pagsagot ko. "Ito po ba si Graciella?" tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. "Opo, sino po sila?" sagot at tanong ko. "Ako po si Senior Pulis Office three Freddie Glenn Natividad," pagpapakilala niya. Napatingin ako kay Jordan dahil sa sinabi niya naramdaman ko naman na pinabagal niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. "Ano po ang maipaglilingkot ko sa inyo, sir?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Huwag po sana kayong magugulat, ma'am," sabi niya sa akin na kinakaba ko. "Bakit po sir? Meron po bang nangyari?" nauutal kong tanong sa kanya. "Ang inyong mga magulang ay naaksidente. Naitakbo po sila sa Hospital pero naideklarang Dead on Arrival!"    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD