Chapter 2

1535 Words
"Ok ka lang ba, Grae?" napatingin ako sa nagsalita mula sa aking likod, si Zen, ang aking kaibigan. Pilit akong ngumiti sa kanya, "Ok lang naman ako,Zen," sagot ko sa kanya. Nakita ko siyang umiling. Nilapitan niya ako at hinawakan at hinaplos niya ang aking balikat. "Kahit na ngumiti ka sa akin, kilalang-kilala na kita, Grae, alam kong may dinaramdam ka," sabi ni Zen sa akin. Napapikit ako ng aking mga mata. "Pupunta kaya sina Mom at Dad, Zen?" tanong ko sa kanya. "Kaya nga nandito tayo para kausapin ang mga magulang mo, hindi ba?" sagot ni Zen sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. "Alam kong maiintindihan nila ako. Pinili ko lang naman kung saan ako sasaya, hindi ba? Hindi naman ako naging makasarili, hindi ko naman sila nabastos, hindi ba?" mga tanong ko sa kanya. "Huwag kang mag-alala, Grae, alam ko na naiintindihan ka ni Tita at Tito. Siguro ay nagtatampo lang sila sa'yo nang kaunti," sabi ni Zen sa akin. Napapikit ako ng aking mga mata. Pinilit kong ngumiti. Alam ko naman na naiintindihan ako ni Dad at Mom, pero hindi ko maiwasang isipin na paano kung hi di na nila ako kausapin? "Tara na?" pag-aya sa akin ni Zen. "Huwag kang kaabahan, basta kausapin mo sila nang masinsinan," nakangiti niyang sambit sa akin. Napatango na lang ako. Sabay kaming dalawa ni Zen na lumapit sa doorbell ng aming bahay. Pinindot ko ito at naghintay saglit bago bumukas ang aming gate. Nang makapasok kaming dalawa ni Zen, naglakad kami papunta sa pinto ng aming bahay kinatok ko ito ng tatlong beses. Hindi namang nagtagal ay binukdan ito ng isa naming katulong. "Nandiyan ba siDad at Mom, Ate?" tanong ko sa aming katulong. "Nasa private office po sila, Ma'am," sagot niya sa akin. Tinignan ko si Zen. "Kaya mo 'yan,Grae!" nakangiti niyang pagpapalakas ng aking loob. Umakyat kaming dalawa ni Zen sa pangalawang palapag kung nasaan ang Private Office ni Dad. Nang marating namin ang pinto, kumatok ako at nang marinig ko ang boses ni Dad, binuksan ko ito at pumasok sa loob. Napatingin si Mom at Dad sa akin. Nakangiti na napatayo si Mom sa akin habang si Dad ay seryoso ang mukha. "Anong ginagawa mo dito?" may diing tanong ni Dad sa akin. Napayuko ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita. Ilang saglit pa, naramdaman kong may humawak sa aking kamay. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko si Mom na nakangiti. Hinila ako ni Mom palapit kay Dad at nang makaharap namin siya, umupo kaming dalawa ni Mom sa harapan niya. "Alam kong galit kayo sa akin dahil sa kagustuhan kong magpakasal kay Jordan, Dad, Mom, pero nandito ako ngayon, nagbabasakali na mapilit ko kayo sa aking kasal sa susunod na araw," sambit ko na nakatingin ako kay Dad. "Hindi ba sinabi ko na sa'yo na kung ipipilit mo 'yang pagpapakasal mo sa lalaking 'yan,wala kang mapapala sa amin?" sabi ni Dad sa akin, malamig at alam kong ayaw niya ang naging desisyon ko. Pero hindi, kailangan ko silang makumbinsi! "Dad," pagtawag ko sa kanya. "Alam niyo ba na pangarap kong kayo ni Mom ang maghatid sa akin sa altar? Sino ba naman ang hindi, 'di ba?" nagsimula nang mamaos ang boses ko. "Simula nang magkaisip ako, hindi niyo na ako pinabayaan, ibinigay niyo sa akin ang lahat, hindi lang sa mga materyal na bagay kundi pati ang nag-uumapaw ninyong pagmamahal," napatigil ako saglit. Hindi naman nagsalita si Dad sa akin pero nakatitig siya sa aking mga mata. "Mahal na mahal ko kayo, Dad, Mom, at sana makarating kayo sa isa sa pinakamahalagang araw ng buhay ko," pagtatapos ko. "Bakit kasi ang lalaki pang iyon,Grae?" tanong ni Dad sa akin. "Kasi si Jordan po ang mahal ko, Dad. Alam kong hindi perpektong tao si Jordan pero ang mahalaga sa akin ay iyong ipinaparamdam niyang pagmamahal," agad kong sagot sa kanya. Napailing na lang si Dad sa sinabi ko. Si Mom naman ay nakikinig lang sa usapan naming dalawa. "Makakapunta ba kayo, Dad? Maihahatid niyo ba ako sa altar?" tanong ko sa kanya. Napapikit ng mga mata si Dad. Tinanggal niya ang kanyang salamin sa mata at tumingin sa akin. "Meron pa ba kaming magagawa, Grae? Anak ka namin, mahal na mahal ka namin!" napatayo ako sa aking kinauupuan at napalaki ng aking mga mata dahil sa naging sagot ni Dad sa akin. "Pero wala pa rin akong tiwala sa Jordan na iyon! Kapag may problema ka sa kanya, sabihin mo lang sa amin at kami na ang bahala sa kanya!" sabi pa niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Agad kong pinuntahan si Dad at niyakap ng mahigpit. Napaluha ako hindi dahil sa lungkot o sakit, kundi dahil sa saya sa pagpayag nilang ihatid ako sa altar sa aking kasal! Naramdaman ko namang yumakap rin si Mom mula sa pagitan namin ni Dad kaya sa huli, nagyakapan kaming tatlo. "Salamat, Dad! Mahal na mahal ko po kayo!" sabi ko habang nakayakap sa kanya. Naramdaman kong hinaplos ni Dad ang aking likod. "Pero kapag may ginawa ang Jordan na iyon sa iyo, babawiin kita sa kanya!" sabi niya sa akin na kinangiti ko. "Huwag kang mag-aalala, Dad, walang gagawin si Jordan sa akin," paninigurado ko sa kanya. "Dito ka ba magpapalipas ng gabi, Grae? Magpapaluto ako ng hapunan natin," tanong ni Mom sa akin. Agad akong napatingin sa oras at nang makita kong mag-aalsais na ng gabi, agad akong nagpaalam sa kanila. "Naku, sa susunod na lang, Mom. May usapan po kasi kaming dalawa ni Jordan na ipagluluto ko siya ngayon ng paborito niyang kare-kare!" sabi ko kay Mom. "Ganoon ba? Sige, kapag bibisita ka dito, sabihan mo kami, ha, para maipaghanda ka namin," sabi ni Mom sa akin na kinangiti. "Alis na ako, Dad, Mom! Kita na lang tayo sa simbahan. Mahal na mahal ko po kayo," bago ako umalis, niyakap ko pa sila at ibinigay ang invitation card para alam nila kung saan gaganapin ang kasal naming dalawa ni Jordan sa susunod na araw. Nang makalabas ako ng Private Office ni Dad, agad kong nakita si Zen. Ngumiti ako sa kanya at alam na niya kung ano ang naging resulta ng pagpunta namin dito ngayon. "Sabi ko naman sa iyo, Grae, eh! Walang magulang ang makakatanggi sa kanipang anak lalo na kung kasal nila!" sabi ni Zen sa akin. "Salamat,Zen. Kung hindi mo sinabi sa akin na kausapin ko sina Mom at Dad, baka hindi sila pupunta sa kasal ko," pasasalamat ko sa kanya. "Ano ka ba, Grae, simula noong High School tayo, tayo na ang magkasama. Para na tayong magkapatid kaya dapat ay suportahan natin ang bawat isa," sabi sa akin ni Zen. "Sa Condo ka naming maghapunan, ah. Tulungan mo na rin ako sa pagluluto ng Kare-kare," sabi ko sinang-ayunan naman niya. Sumakay kaming dalawa ni Zen sa aking sasakyan pauwi sa Condo namin ni Jordan. Nang makarating kaming dalawa, pumukaw sa aming pansin ang isang brown envelop na nasa sahig, sa tapat ng pinto ng aming Condo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Zen. Pinulot ko ito at binuksan para makita ko ang laman. Kumunot ang nuo ko jang makita ko na parang mga litrato ang laman ng mga ito. Kinuha ko ang mga ito mula sa loob para makita. Nanlaki ang mga mata ko. Nanginig ang mga kamay ko. Bumilis ang t***k ng dibdib ko. "Bakit? May problema ba? Para kang nakakita ng multo, Grae," nagtatakang tanong ni Zen sa akin. Lumapit siya sa akin at tinignan ang mga litrato. Pati siya ay nagulat dahil sa nakikita namin. Si Jordan, may kasamang isang babae na nakangiting kaharap ito. Nasa isang mamahaling resto sila at para bang may namamagitan sa kanilang dalawa Kinalma ko ang sarili ko. 'Hindi magagawa ni Jordan na pagtaksilan ako!' sabi ko sa aking sarili. "Bago ka mag-isip ng kung ano-ano, Grae, kausapin mo muna si Jordan," sabi sa akin ni Zen. Ngumiti ako sa kanya, "Alam kong hindi magagawa ni Jordan ito sa akin pero kailangan kong maliwanagan kung ano ang nangyari na nasa litrato," sagot ko na lang. "Pumasok na tayo para makapagsimula na tayong magluto?" sabi ko na lang kay Zen. Nang makapasok kaming dalawa ni Zen, agad kaming naghanda para sa aming lulutoing kare-kare. Alam ko ang oras ng uwi ni Jordan kaya alam kong pagdating niya, saktong handa na ang lahat. Mahigit isang oras din kaming naghanda ni Zen. Nang matapos kaming dalawa, bigla siyang nagpaalam sa akin na aalis na siya. "Kailangan niyong mag-usap na dalawa ni Jordan, Grae, kaya aalis na ako," sabi sa akin ni Zen. "Pero, kumain ka na muna bago ka umalis, Zen," pagpigil ko sa kanya. "Hindi na, sa susunod na lang. May dadaanan pa kasi ako para sa pamilya ko. Alam mo naman iyon, hindi ba, Grae?" sagot niya sa akin. Napasimangot ako," Huwag kang mag-alala, sa susunod, pagbibigyan kita," sabi niya sa akin. Napailing na lang ako. Bago siya umalis, niyakap ko muna siya at nagpasalamat sa kanya. Nang makaalis na si Zen, sinigurado kong maayos ang lahat sa aming dinner ni Jordan. Sana lang ay mali ang iniisip ko. May tiwala ako kay Jordan at alam kong hindi niya ako kayang lokohin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD