Chapter 3

1449 Words
"May problema ka ba, Grae? Bakit parang may bumabangabag sa'yo?" tanong sa akin ni Jordan. Katatapos lang naming kumain ng hapunan. Kanina ko pa sana tinanong sa kanya ang tungkol sa mga litratong nakita namin ni Zen kanina pero hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Napabuntong hininga ako bago ako magsalita. "Mahal na mahal mo ako, hindi ba, Jordan?" tanong ko sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa tanong ko pero agad din siyang ngumiti sa akin. "Alam mo na ang sagot ko sa tanong mo, Grae," nakangiti niyang sambit sa akin. Napapikit ako ng aking mga mata. Kinuha ko ang brown envelop na nasa tabi ko at ibinigay sa kanya. Nagtataka naman niya itong kinuha at inilabas ang laman. Isa-isa niyang tinignan ang mga ito. Napailing si Jordan habang nakatingin sa mga litrato. Nakangisi siya na para bang wala lang sa kanya ang mga nakikita niya. "Ang kasama ko dito ay si Sophia, Grae," sabi ni Jordan sa akin. "Sophia? Siya ang sinasabi mong apat na buwan nang nasa acting workshop, hindi ba?" tanong ko sa kanya. "Oo, siya nga, Grae. Ang mga litrato na ito ay nakuha noong nakipag-meeting kami sa isang producer para sa pelikula," paliwanag ni Jordan kay Grae. "Kaya ang iniisip mo na baka niloloko kita, na may iba akong babae, hindi ko iyon magagawa sa'yo, Grae. Alam mo 'yan dahil ikaw lang ang babaeng pinakamamahal ko," dagdag pa niya. Napangiti na lang ako sa mga sinabi ni Jordan. "Hindi naman sa ganoon, Jordan, pero hindi mo maalis na isipin ko ang bagay na iyan," sabi ko sa kanya. Tumayo si Jordan mula sa kanyang kinauupuan at tumayo siya sa aking likod. Niyakap niya ako at ipinatong ang kanyang baba sa aking ulo. "Sa susunod na araw na ang kasal natin, Grae, kaya huwag kang mag-isip ng mga ganyang bagay dahil hindi ko kayang gawin sa iyo na saktan ka," bulong sa akin ni Jordan. Hinawakan ko ang kanyang kamay, "Alam ko naman iyan, Jordan. Malaki ang tiwala ko sa'yo at alam kong mahal na mahal mo ako," sabi ko sa kanya. NAramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko na siyang nagpangiti sa akin. "Sige na, maligo ka na at susunod ako sa kwarto para makapagpahinga na tayo," utos ko sa kanya. "Ayaw mong sabay tayong maligo?" pilyo niyang tanong sa akin. Tumayo ako sa pagkakaupo at hinarap siya. Tinitigan ko siya at alam kong alam niya ang ibig kong sabihin. "Maliligo na ako. Bilisan mo diyan para sabay tayong matulog," nakangisi niyang paalam sa akin. Napailing na lang ako. Inayos ko ang aming mga pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Mahigit isang taon din kaming nag-prepare ni Jordan sa aming kasal. Dumalo sa mga seminar kung ano at paano ang buhay ng may asawa, sa mga venues ng kasal, sa mga invitations at marami pang iba. Napapangiti na lang ako habang naghuhugas ng pinggan, excited man ako sa magiging kasal naming dalawa sa susunod na araw, medyo nakakaramdam din ako ng kaba. Nang matapos akong makapaghugas, pumasok ako sa aming kwarto. Pagpasok ko, nakita ko si Jordan na nasa kama, nakalapat ang kanyang likod sa headboard ng at nasa kandungan ang laptop niya. Inalis niya ang kanyang laptop sa kanyang kandungan, ngumiti sa akin. "Matulog na tayo?" anyaya niya sa akin na kinangiti ko. Nilapitan ko siya at tinabihan sa kama. Niyakap ko ang kanyang katawan at naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. "Sa susunod na araw, magiging opisyal ka ng Mrs. Herera, Grae!" sabi sa akin ni Jordan. "Kapag nangyari iyon, asahan mong magiging masaya ka sa piling ko," dagdag pa niya. "Alam ko, Jordan, dahil sa buong pagsasama natin, puro saya ang naramdaman ko sa piling mo," ganti ko naman sa kanya. "Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang nabubuhay ako," dagdag ko pa. "Asahan mo, Grae, asahan mo na liligaya ka sa piling ko," paninigurado niya sa akin. Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanyang katawan at ipinikit ang aking mga mata. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae s abuong mundo dahil tulad ni Jordan ang natagpuan ko. Wala na akong hihilingin pa dahil si Jordan lang iikot ang mundo ko. Kinabukasan, naging busy kaming dalawa ni Jordan sa pag-check sa magiging kasal namin, mula sa mga venue, sa mga pagkaing lulutoin, hanggang sa simbahan. Naging maayos naman ang lahat at handang-handa. Ang kulang na lang ay ang magiging seremonya bukas, isang seremonya na makakapagpabago ng aking buhay na mula sa pagiging magkasintahan naming dalawa, mauuwi sa pagiging mag-asawa. "Bukas na lang tayo magkita, Grae! Dahil bukas ay ang simula na ng ating kwento bilang mag-asawa," sabi ni Jordan sa akin. Napag-usapan kasi namin kaninang umaga na umuwi na muna sa mga pamilya namin ngayong araw at bukas na lang kami magkikita. "uuwi ka ba sa bahay niyo?" tanong sa akin ni Zen. "Oo. Tumawag na ako kanina kina Mommy at hinihintay na nila ako," sagot ko kay Zen. Ngumiti sa akin si Zen, "Buti ka pa, nahanap mo na ang lalaki para sa iyo, Grae! Ako, heto at hindi pa rin makakatakas dahil may tatlo pa akong kapatid na pinag-aaral," sabi niya sa akin. "Bigyan mo rin kasi ang sarili mo ng kasihayan, Zen, hindi iyong ang buong atensyon mo ay nasa mga magulang mo. Simula pa noong college tayo, iyan na ang bukang bibig mo, tungkol sa pamilya mo," sabi ko sa kanya. "Habang nag-aaral ka, nagtatrabaho ka para hindi mahirapan ang mga magulang mo, tapos noong nagtrabaho ka, pinasan mo naman ang responsibilidad para pag-aralin nag mga kapatid mo. Wala ka na ngang oras sa sarili mo, eh! Hindi ka nga makabili ng isang pares ng sapatos kasi pinapadala mo sa mga magulang mo ang halos lahat ng pera mo!" dagdag ko pa. Napayuko na lang si Zen dahil sa mga sinabi ko. "Alam mo naman kung bakit, hindi ba, Grae?" sagot na tanong ni Zen sa akin. Alam ko ang dahilan niya. Naatake ang ama niya noon kaya ang halos kalahati ng katawan ng ama niya ay hindi niya maigalaw, tapos ang nanay naman niya ay Isang guro na nabaon sa Loan dahil sa pagkakaatake ng asawa niya. "Pero kahit na, Zen, bigyan mo naman ng reward ang sarili mo kahit minsan lang," sabi ko sa kanya. "Pamilya ko sila, Grae. Hindi ko pwedeng isantabi sila," sabi niya sa akin. NApailing na lang ako ng aking ulo. Hinawakan ko ang kanyang balikat at tumitig sa kanya. "Kapag may kailangan ka, Zen, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin, ha! Sa tagal nating magkaibigan, parang kapatid na ang turing ko sa iyo, eh!" sabi ko sa kanya. "Sobra na ang ibinigay mo sa akin, Grae. Ipinasok mo pa ako sa kompanya ng pamilya mo kaya sapat na iyon nagawa mo sa akin," sabi niya na nakangiti. "Basta! Kung makikita kitang naghihirap, hindi ako papayag na hindi ka tulungan, Zen! Kahit na ayaw mo, hindi mo ako mapipigilan!" sabi ko sa kanya. "May magagawa ba ako, Grae?" "Syempre, wala! Mahalaga ka na rin sa akin kaya kahit na anong mangyari, nasa likod mo lang ako," sabi ko sa kanya. Bigla akong niyakap ni Zen na kinagulat ko. Hinaplos ko ang kanyang likod at naramdaman ko na parang humihikbi siya. "Salamat, Grae! Hindi mo lang alam kung gaano ako kaswerte dahil nakilala kita," sabi sa akin ni Zen. "Ano ka ba, Zen! Swerte rin ako sa iyo kasi isa kang tunay na tao!" sabi ko sa kanya. "Oh, paano? Aalis na ako. BAka hinihintay na ako nina Mommy at Daddy. Magkita na lang tayo bukas, ha!" sabi ko kay Zen. "Hinding hindi ako mawawala sa pinakamahalagang araw mo bukas, Grae!" paninigurado niya. "Dapat lang! Isa ka kaya sa Bridesmaid!" sabi ko at doon ay nagtawanan kaming dalawa. Habang nasa byahe ako, biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha at nakita ko ang pangalan ni Jordan na tumatawag kaya agad ko itong sinagot. "Nakauwi ka na ba, Grae?" tanong niya sa akin. "Pauwi pa lang, ikaw? Nakauwi ka na?" sagot at tanong ko sa kanya. "Hindi pa, nandito ako ngayon sa Agency, may kunti lang akong inaasikaso," sagot niya sa akin. "Ganoon ba? Pagkatapos mo diyan, umuwi ka na at magpahinga. Huwag mo masyadong abusuin ang sarili mo sa trabaho!" paalala ko sa kanya. "Opo, tapusin ko lang ito. Kunti lang naman, eh," sabi niya sa akin. "Sige, Mag-ingat sa pag-uwi, ha!" paalam ko. Pero bago niya ibaba ang tawag ay may narinig ako isang boses ng babae na pinagtaka ko. "Halika na Jordan!" Mahina lang iyon na para bang bulong. Siguro ay iyong sekretarya niya lang iyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at napabuntong hiniga at iwinaglit ang narinig kong boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD