Chapter 17

4107 Words
++++++++++ Nicole's POV Matagal ung kiss na binigay ni Daniel and i can say, worth it ang first kiss ko. Sa tagal nun, kahit nakapasok na ko sa bahay at nakapaglinis na ng katawan, ramdam ko pa din ung labi nya sa labi ko. Nakikinig ako ng Recorded Song namin ng nakangiti at nakahawak sa labi ko. Ganun ka apektado ng halik nya ung buong pagkatao ko. Nakikinig lang ako pero wala talaga akong naaabsorb na kahit ano dahil andun pa din sa isip ko nung gabing un.. Nagising naman bigla ang pag iisip ko nang may pumitik sa noo ko.. "Aray! putik!" napasigaw ako bigla, ang sakit kasi! "tulala ka dyan at nakangiti?! tas nakahawak sa labi?! ano na teh? nababaliw ka na talaga ng todo?! sino ba yan?! ipapabugbug ko kay Kuya CD!! sinasabi ko sayo Denzie Nicole!!!" singhal sakin ni Kim Takte! sya ung pumitik sakin.. apaka sakit! susumbong ko sya kay Daniel!! atska! sige! ipabugbug nya kay Daniel ung dahilan kaya nagkakaganto ako.. nang masapak ni daniel ung sarili nya... argh! ang sakit talaga "Nakikinig kasi ako ng recording namin! nag iisip din ako kaya nakahawak ako sa labi ko. bakit ba?! takte ka Kimberly! ang sakit ng pitik mo ah! namumula oh?!" singhal ko din sa kanya natumuturo pa sa noo ko. inirapan lang nya ko at kumain na naman! 3hrs vacant kami ngayon kaya tambay kami sa grounds. Bukod sa tumatambay ako, tinitignan ko lang din ung stage na kinakabit na dito.. malayo pa ang mini concert na paggagamitan nito pero inilalagay na nila agad.. 2 days na din nung nangyari ung kiss na un, di pa ulit nasusundan kasi busy si Niel, may pinapagawa daw kasi sa kanya si Tito Danny kaya di nya ko masundo. Okay lang naman sakin, puro meeting at review din kasi ang ginagawa ko sa dalawang araw na lumipas.. "Hay! andito lang pala kayo! Wow! grabe! bonggang bongga ang stage na to! handang handa na sa Fesitval.. Ikaw Nics? 2nd round nyo na sa in 2 days.. ready?" sabi ni Danica na naupo sa tabi ko Ngumiti lang ako at tumango sa kanya, nginitian nya din ako at tinapik ang likod ko. Wala pa silang alam lahat, hindi ko pa nasasabi kahit na kanino kahit kay mama.. alam kong gusto na din sabihin ni Daniel sa kanila at alam ko din na gusto nyang ipakilala ko sya kay mama bilang boyfriend not as a brother of my best friend. "Ah! nga pala.. tumawag si kuya cd! susunduin daw nya tayo.. tapos na kasi ung pinapagawa ni dad sa kanya ih. kaya gusto mag happy happy." she informed us "ayun libre pamasahe, libre pa pagkain!" papalakpak pang sabi ni Kim. "si danica kasi libre lang pamasahe, walang pagkain!" dagdag pa nya "Aba! wag kang sumabay sakin pag uuwi ah! ang kapal ng mukha nito!" pasinghal na sabi ni Danica, si Tala naman at ako nakikitawa lang. Sabi ko nga hindi ko na itutuloy tong pakikinig ih.. wala talaga ang maiintindihan. "Wala ka naman sigurong meeting or practice diba? para naman makasabay ka samin.." sabi ni Tala ng tumingin sya sakin. Nabaling na din sakin ang atensyon nung dalawang nagbabangayan at inaantay ung sagot ko.. i just nod and smile, nag apir naman ung dalawa at nag asaran. pahinga muna kami sa Meeting at Practice dahil need mag review dahil next week, midterm na, kaya naman makakasabay ako sa kanila ngayon. Sakto naman na nagtext si Daniel sakin From: Niel Done with my deadlines babe. Wala ka namang meeting at practice diba? So see you later then? I miss you so much.. ?? I love you! Wala sa sariling napangiti ako at hindi pa man ako nakakareply, nagsalita na naman ung kapatid nyang isa pang intrigera. "What's with that smile?! sinong nagtext? omg! don't tell me, wala ng pag asa ang kuya ko?" maarteng sabi nya Natawa na lang ako sa kanya kasi para syang inagawan ng irereto sa kuya nya.. Hay Dani! kung alam mo lang na, ung kuya mo kuhang kuha na ung pag asa nya.. Di ako sumagot at hinayaan lang sila. nagreply na din ako kay Daniel kasi baka tumawag na naman to. To: Niel Yup! See you later Babe! I miss you too and I love you! ?? Di ko na inantay ung reply nya at inilagay na sa bag ko ung phone ko. Si Danica naman nagrarant pa din habang inatawanan ng dalawa.. inilingan ko na lang sila at tumayo. Naglakad ako papuntang stage nakita ko kasi sila Kuya James at ung iba pa, kaya naman iniwan ko muna ung tatlo. Tinignan ko lang din ung tinitignan nila at nakichismis. Hahahahaha Madaming gagawin sa stage na to kasi andaming wire na ilalagay, may lights, amplifier for instruments, monitor speaker, crowd speaker tas may screen monitor pa.. may pa camera pa to! sosyal diba? Isa talaga to sa pinagpapaguran ni kuya james at ng buong SC kasi sila ang nakaisip at nag usad nito sa Benefactor ng School.. After kong tumingin bumalik na ko sa pwesto namin at nakahiga na si Kim sa hita ni Tala. pag upo ko, wala namang pakungdangan na humiga si Dani sa hita ko tas pumikit.. nakuha ko naman ung jacket ko at itinakip un sa hita nya kasi nakapalda sya. Ganun naman talaga kami kahit hindi pa kami ni Daniel. I always make sure na komportable silang tatlo lalo na pag nagpapahinga. Ganun sila ka importante sakin. Tumingin na lang ako sa taas ng puno at nag humming... "Sing a song nics.. please.." sabi ni Kim Nag isip muna ko ng kanta.. "Magkatabi tayo sa duyan sa ilalim ng buwan Buhangin sa ating mga paa, ang dagat ay kumakanta Matagal na ring magkakilala, minahal na kita Simula pa nung una, unang makita ang iyong mga mata Sana ay huwag ng matapos 'to Pag-ibig na para lamang sa iyo, whoa-whoa Yeah, baby Sarkie comin' at you Silent Sanctuary groovin' with you Here we go, man (uh, uh, uh) Tuwing ika'y nalulungkot, nandito lang ako Pangako ko sa 'yo, hindi kita iiwan Huwag kang mag-alala (huwag kang mag-alala) Gusto mo ng beer, ililibre kita (sige na, sige na, sige na) Basta't ika'y kasama, 'di ako nangangamba Kislap ng 'yong mata, t***k ng puso'y sumaya Ikaw lang ang aking mamahalin Hanggang sa langit, ikaw ay dadalhin Tara na, tara na, tara na Sana ay huwag ng matapos 'to Pag-ibig na para lamang sa iyo, whoa-whoa Gusto kong tumalon, tumalon sa saya dahil ikaw ang kapiling Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang ang puso ko Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo sa ilalim ng araw" Tinapos ko sa kanta dahil nakita kong nakatulog na si Kim sa hita ni Tala Hinayaan lang muna namin sila at ginising lang nung malapit ng mag time. may last subject pa kami at kay Sir Henry un. Pagbalik namin sa Room naka group na sila kaya pumunta na din kami. Malapit na naming matapos to. tapos ipapacheck na lang namin kay sir bago comfile lahat o iedit tapos ibabind na. them gagawa kami ng presentation for reporting Narinig ko pang nagsesermon si Sandra sa mga kasama nya dahil nahihirapan ata silang humingi ng appointment sa CEO ng ME dahil nga nirequired ni Sir na need ng interview dahil nga malawak ang hawak na business ng ME. Napabuntong hininga na lang ako, dahil mabuti na lang talaga at nakipagpalit sya samin.. kasi kung hindi baka ako ang nasstress ngayon pero baka hindi din kasi sobrang maasahan naman tong apat nung nalaman nilang malapit na kong matapos, pinush din nila na matapos ung sa kanila. Naramdaman ko naman na nagvibrate ung phone ko kaya kinuha ko, okay lang naman kasi wala pa naman prof.. Pagtingin ko, nakita ko ung pangalan ni Sir Henry, merong din message si Daniel pero inuna ko ung kay sir henry.. Yes! meron akong number ni sir kasi diba adviser namin sya sa KC at Secretary ako dun kaya sakin sya humihingi ng mga notes. From: Sir Henry Hi Nicole. Sir Henry here. Kindly tell to your blockmates that I can't go to our class today, There's a emergency came so I need to leave immediately. Sorry. Just discuss your Research Paper and Attendance na din. Salamat ? Pagkatapos kong basahin, nagpunta na ko sa harap at inaannounce na ung text ni Sir. Nagdiwang naman ung iba naming blockmates maliban sa group ni Sandra, kasi di pa din sila tinitigilan ni Sandra.. Hahahaha Ganun na lang ung ginagawa namin at nagdiscuss kami ng kanya kanya.. Nalaman ko din na tapos na si Kenny at Ivan sa ginawa nila.. naunahan pa ko at nung chineck ko kung andun ung ipinahahanap ko na information. Andun din lahat! magaling.. Si Bryan at Mark naman may hinahanap na lang daw sila tapos okay na din. ipapacheck na lang. ganun din naman ako.. may isa na lang akong hinahanap at tapos na din. natapos ang class namin at sabay sabay na kaming nag silabasan.. Kasabay namin nila Kim ung apat na kagrupo ko pati na din sila Gab. "panis diba? naunahan kita Nics! Hahaha." natatawang sabi ni Kenny sakin sabay akbay pa inalis naman un ni Bry at tinulak sya. "Wag mo nga akbayan.. eto! walang respeto." sabi ni bry lagi namang ganyan yan. "ay sorry. pero maiba ako.. Goodluck sa 2nd round ah! sana makapasok sa Finals para namanay ichicheer kami.." sagot ni Kenny "sana nga.. kung hindi edi magcheer na lang tayo sa iba! atleast kasama ako sa magchicheer." sabi ko na ikinatawa naman naming lahat "ay tama! Si kim cheer din natin! pero mas maganda kung ikaw ung ichicheer namin.," sabi ni Gab "I agree!" sigaw ni Ivan na lalo naming ikinatawa nagtatawanan lang kami nang may biglang bumusina na naman sa gilid ko at nahatak naman ako ni Bry papalapit sa kanya kasi sya ung nasa tabi ko.. pero hindi naman umaandar ung kotse kaya tinawanan namin sya. "Tang*na akala ko umaandar! Hahahaha" sabi nya na napahawak pa sa dibdib nya "Kabado bente ka nuh? walang mag aayos ng research paper nyo pag nabangga si Nicole! Hahahaha. Teka! si Kuya Dan yan ih! hindi babanggain nyan si Nicole!" natatawang sabi nya sabay turo sa kotse kung san galing ung busina Napatingin naman ako at tama nga si Kim. Si daniel nga nakangiti at nakasentro ang mata sakin. or more on sa braso ko na hawak ni Bry. pangiti ngiti lang yan pero nagseselos na yan. Hahahahahaha "Ay! kilala nyo pala. ayan sundo nyo? mukhang type ka nics! Hahahaha" bulong naman ni ivan nakatingin lang ako kay Daniel habang lumalabas sya ng kotse nya. Ghad! i miss him.. nahihiya pa ko dun sa kiss pero takte! namiss ko talaga sya... Ang gwapo! "Ou yan ung sundo namin kaya babush na! Bye! bukas na lang ulit!" si kim na ung sumagot at pinagtutulakan na ung mga kasama namin Nagulat naman ako ng sundutin ni Bry at Kenny ung pisngi ko kaya napalingon ako sa kanila. "Ano ba?!" inis na sabi ko kasi naman ih.. naputol ung pagtitig ko sa mahal ko! "Natulala ka na kasi. Una na kami! Tapusin mo na ung sayo ah! nakakahiya sakin. Hahahaha" sigaw ni Kenny habang papalayo "Ang kapal ng apog mo! ngayon ka lang naman nauna sakin!" sigaw ko din sa kanya na ikinatawa lang naman nya sila bry naman natatawa lang samin ni kenny.. "Hoy bryan at mark! ung inyo ah! tapusin nyo na tas isampal nyo sa hampaslupang Kenny Drei Espares na yan!" sabi ko sa kanila "Ayun! may basbas! masusunod butihing pinuno! pwede bang advance na?" paalam ni mark sakin "Paano naman akong tapos na Nics?" sabi ni Ivan "Hala sige at sampalin mo na!" sabi ko sa kanya kaya ang walang hiya tumakbo pa punta kay kenny at sinampal nga! Di naman nagpahuli ung dalawa kaya tumakbo din, ganun din ung iba namin kaklase.. nakisampal na.. kawawa naman si Kenny. Hahahaha napakaingay namin sa parking kasi di pa din umaalis sa gilid namin ung mga babae.. "Gusto nyo din makisampal?" yaya samin ni Bryan "Tarantado ka Bryan! nagyaya ka pa! atska wag si Nicole! masakit manampal yan panigurado!" sabi ni Kenny habang hinaharang ung ibamg sampal sa kanya "Tama na hoy!" saway ko sa kanila kasi namam sinasampal pa din nila si kenny kahit hindi masakit un alam mong madami na syang natatanggap kasi paulit ulit lang ung mga kaklase namin "Ayan kasi! you're messing with Nics! Hahahaha. ayan ang nakuha mo!" sabi naman ni Sandra na ngayon ay nakangiti na "Denzie Nicole Ferrer! patigilin mo na tong mga to... masakit na.." nagmamakaawang sabi ni Kenny "Hey! stop na Block D! baka maGuidance tayo. Hahahaha" saway ko sa kanila at tumigil naman silang lahat "Ang sakit mga putragis kayo! mga punyeta! mga hayop!" sigaw ni Kenny ng nagtakbuhan ung mga boys namin Nagtawanan lang kami at nagpaalamanan na dahil ramdam ko kanina pa nakatingin si Niel sa gilid ko.. dumating na din kasi si Danica na nakikitawa samin "Kawawang Kenny napagtripan ng Block D boys." huling sabi ni Calli sabay beso nya kila kim. pagtingin nya sakin "ayokong bumeso sayo baka maging lalaki ako bigla. Hahahahaha. Masyado kang maganda gurl!" tili nya at nakipag apir na lang sakin at sumunod na din sa iba Tinawanan ko na lang sya at kinawayan.. "Tara na.. kanina pa nag aantay si Kuya." sabi ni Danica "oh! ganung posisyon ulit ah! Ikaw! dun ka sa unahan." tulak sakin ni Kim kahit naman hindi nya sabihin dun talaga ako uupo sa unahan. Hahaha. namiss ko kaya si Daniel. Pagtingin ko kay daniel, andun na sya sa pinto ng passenger seat pero pinagbuksan nya muna sila Danica bago ako. Nang makapasok na ung tatlo, humarap sya sakin at ngumiti sabay hawak sa pisngi ko at pinisil.. Daniel's POV After 2 days i saw her again, smiling and laughing with her blockmates. 2 days since i kiss her..I know that it's her first kiss, i can feel it because the way she touch her lips after the kiss.. So Innocent lady.. Kaya mahal na mahal ko tong babaeng to ih! and i can't wait to tell to everyone that she's mine! Kung kanina nagseselos ako, ngayon hindi na, nakakatuwa silang magkakaklase dahil alaga nila si Nicole.. Biniro lang naman si Nicole tapos ayan na ung kinalabasan ng Kenny ba un? i don't know. they also respect her, i wonder kung sya ang presidente ng block nila. kasi sumusunod ung boys sa kanya.. At eto na ngayon ung babaeng mahal ko.. nakangiti sa harap ko habang nakatingin sa mga kaklase nyang magpapaalam.. "Kawawang Kenny napagtripan ng Block D boys." huling sabi ng clasmate nilang i think gay sabay beso nya kila kim. napatingin naman sya kay Nicole "ayokong bumeso sayo baka maging lalaki ako bigla. Hahahahaha. Masyado kang maganda gurl!" tumili pa un at nakipag apir na lang kay D. See.. even gays can turn being a guy makita lang mukha nya! maganda talaga kasi sya! pero please wag naman.. aagawin pa sakin ang Nicole ko.. tagal kong inantay to nuh?! After nilang magpaalam dumeretso na sila papalapit sakin, nakatayo na ko sa passenger seat, syempre i'll open the door for the girls and for my love. nauna ko ng pagbuksan ang kapatid ko pati na din sila kim tapos humarap ako kay D, na nakangiti sakin.. Ghad! i miss her so much! can i hug her? can i kiss her? isang beses palang un pero naadik na ko. But i respect her, nung sinabi nyang ayaw nya pang ipaalam, pumayag ako kasi un ung gusto nya baka magbago pa ang isip nya nun at hindi pa ko sagutin.. Hahahaha Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, isa lang ang nagawa ko, hawakan ang pisngi nya at pisilin un. Napadaing naman sya at napanguso.. s**t! nasaktan ata sya.. napalakas ba? sorry babe.. "i miss you, sorry.." bulong ko pero sapat na para marining nya "i miss you too.." bulong nya din pero sapat na para marinig ko. nginitian ko lang sya at binuksan na ung pinto ng passenger seat. ikinover ko lang ung sa ulo nya kasi baka maumpog na naman sya. Nung alam kong okay na sya, sinara ko na ung pinto ay umikot sa driver seat para makaalis na. pagpasok ko, naririnig ko na agad silang mag asaran. well! ganto na buhay ko simula nung naging kaibigan nila si Cass.. lagi nilang inaalaska si Kim na asar talo naman. minsan kasama ako, minsan hinahayaan ko lang sila. pero ngayon may nabago kasi girlfriend ko na si D at sobrang saya ko dahil don. bago ako umandar, sinilip ko muna seatbelt ng aking nicole.. minsan kasi nalilimutan nya. katulad ngayon.. inuuna pa pakikipag asaran bago ang safety nya. Pasaway talaga.. "seatbelt please.." paalala ko sa kanya ramdam ko naman na tumingin sya sakin kaya tumingin din ako sa kanya sabay ngiti, ngumiti din sya sakin kaya napatulala ako.. literal! Shit! Bumababa muna kayo Cass! payakap at pahalik lang ako isa! please!! i miss her so much na kahit andyan pa ung mga kaibigan nya at kapatid ko gusto ko syang yakapin.. "Kuya! Whoo! Earth to Kuya CD! let's go!" sabi naman nitong kapatid ko. Hay! kahit kelan talaga ang epal! narinig ko naman ung tawa ni Nicole kaya napatingin ako sa kanya. iiling iling pa ang magandang to! I start the engine and drive.. "Naku! Kuya daniel! mabuti kamo at walang extracurricular activities tong mayora namin, kundi kami lang kasama mo." sabi ni kim mabuti talaga! kasi kung hindi sayang ang gas ko kasi babalik pa ko ng campus mamaya para sunduin sya o kaya naman pupunta ako dun sa bahay nung myk "Hoy! anong mayora? ayan ung mayora natin oh?!" sabi naman nitong katabi ko sabay duro sa kapatid ko "Excuse me?! anong ak-" nabitin ang sasabihin ni Cass ng putulin ng tatlo "Okay. you're excused." D. "Makakadaan ka na" Kim "already Excused" Tal "Salamat mga talipandas! as i was saying! Hindi ako ang mayora dito?! si tally gurl dapat kasi sya ang demure!" sagot nya na parang wala lang reaction dun sa pagputol sa kanya Bigla na naman umingay tong kotse ko.. pagtalaga kumpleto sila sabog ang pagkatao mo. saglit akong sumulyap kay Nicole, at kahit nasa harap sya nakaupo , katawan nya pilit nyang inililiko papuntang likod. Ang kulit! "Demure?!!" sabay sabay na sigaw nung tatlo maski si Tal "Harujusko po! kung demure lang ang pag uusapan mukhang hindi ako nababagay sa salitang un Mayora! Hahahahahaha" natatawang sabi ni Tal at nagtawanan din kami "Magaling lang magtago ng hickey yan pero di demure yan pashnea na yan!" dagdag pa ni Kim "Lovely Kimberly! ang bibig pasmado na naman!" saway ni Nicole sa kanya Ah.. may inosente nga pala dito.. Hahahaha "Ay sorry.. Naive ka nga pala. sorry naman!" sabi ni Kim na nakataas pa ang kamay "you should try it Nics." sabi ni Cass kaya wala sa sarili akong napatapak ng preno pero agad ko ring hinarang ung braso ko kay Nicole kasi baka tumama sa sya dash board. "Cassandra Danica!" i said in my warning tone voice, sabay tingin sa kanya at lingon din kay nicole "s**t! Kasama pala natin si kuya! Sorry kuya.. im just kidding. you know? ahm.. bff jokes.. Hehehe" sabi nito ng nakangiwi "Really? bff jokes? ano pang bff jokes ang hindi ko alam? kindly elaborate it to me para sabay sabay na at isahang batok na lang ang matatanggap mo." sabi ko sa kanya na ikinabalikwas nya sandali ko pang tinignan si Nicole, tinitigan ko muna sya, para kasing namumula ung noo nya "Hey.. okay ka lang?" tanong ko sa kanya tumango naman sya pero pagharap nya nataranta ako kasi may pula sya sa noo, naumbog ata.. kaya nga hinarang ko ung braso ko para hindi maumpog na umpog pa din. Tsk! "Hala! kuya! look what have you done?!" inis na singhal sakin ng kapatid ko tinignan ko lang sya ng masama bago bumaling dun sa dalawa pa sa likod "Kayo? may naumpog ba sa inyo?" tanong ko "wala naman kuya pero ung kaluluwa ko ata nauna na sa bahay." sabi ni Tal, tumawa naman silang apat pero ako di ko magawang tumawa dahil kay Nicole "Cassandra kasi ih! magbibiro ng ganyan, andito ung kuya nya.. Naumpog tuloy ako! Hahaha. shakit!" singhal pero pabirong sabi ni Nicole habang hinihimas ung noo nya namumula talaga.. nasabi ko bang maputi sya kaya halata, pag naarawan nga lang to namumula mula na ih, maumpog pa kaya. Tsk! "Sorry na nics.. kiss ko na lang para di na sumakit" palambing naman na sabi ng magaling kong kapatid "Ou nga kami na lang kikiss para di na sumakit. wala ka namang boyfriend na mag aalaga sayo. jk!" dagdag naman ni Tal na napapeace sign pa kasi tinitigan sya ni Nicole ng masama Kiss ko na lang babe.. "Wag na! baka lumala pa." sabi naman nitong katabi ko tapos tumingin sakin "kiss mo nga." dagdag nya Napatulala naman ako. seryoso sya? willing ako! miss ko pa naman na sya.. lalapit na sana ko pero bigla nya kong tinulak! "choss lang! sige na at magdrive na..." sabi nya sabay ayos ng upo. "Na hopia tayo kuya dan!" Kim "Aww.. paasa!" Tal "Aw.. better luck next time big bro." Cass Sinamaan ko naman sila ng tingin sabay baling ulit kay Nicole na nakangiti lang. Yare ka sakin mamaya! "Kung ihulog ko kaya kayong tatlo? okay lang ba?" sabi ko sa kanila pero tinawanan lang ako ng apat aba! at ako pa ata ang napagtripan ng mga to! "At ikaw?! Cassandra Danica! mag uusap tayo sa bahay ha?! di ko nagugustuhan yang tabas ng dila mo. putulin ko yan, makita mo!" sabi ko sa kanya pero hinampas lang ako ni Nicole "Tsk! ayan sa ganyan ganyan mo kaya ako naumpog ih! Dahil dyan manlibre ka.." sabi nya sakin Sure babe! anong gusto mo.. "Ano bang gusto mo?" sabi ko sa malumanay na boses at inistart na ulit ung kotse mabuti na lang talaga, wala pa kami sa pinaka highway kanina kundi baka nabangga na kami "Hm.. drive thru? hahahaha" sagot nya na ikinatawa naman namin "drive thru ulit! libre ni kuya dan!! lets go!" sabi ni kim na magdidiwang sa likod nagkwentuhan lang sila at ako naman nagmaneho lang "diba nicol- ay! ayan! tulog! ghoster ka na ngayon ah!" sabi ni kim na tumingin pa kay nicole Sumulyap naman ako agad sa kanya tapos nakita ko syang nakasandal sa binta tapos nakasampay ang buhok sa mukha "Hey! let her be.. pagod yan at stress! ngumingiti lang yan pero pagod na yan. sa dami ng ginagawa nyan, di natin alam kung may tulog pa yan o wala. Nagrereview, nagpapractice tapos meeting pa, research paper pa.. Yaan mo ng matulog." saway ni Tal ng muntikan ng alugin ni Kim Tama naman si Tal, ako din nag aalala sa kanya kasi mukha talaga syang stress kahit nakangiti pero maganda pa din! "Tally's right. Kuya, unahin mo na kong ihatid mamaya pagkahatid natin sa dalawa, kesa dyan kay Nics.. kasi pag yan ang hinatid mo, pagkagising nyan at pumasok sa bahay nila Review, research at pakikinig na ang gagawin nyan.. late na naman matutulog yan." paliwanag ni Cass Di na ko kumontra dahil this time, tama naman sila. She really need rest, nag aalala pa ko sa bukol nya. "Okay." un lang ung naging tugon ko. nagdrive thru na kami tas inorderan ko na lang sila ng gusto nila, pati na din ang Nicole ko.. tapos hinatid ko na ung tatlo, bago pa sila bumaba kahit masikip, sinisiksik nila ung sarili nila tas hahalik sa ulo ni Nicole. "bye gurl! sleepwell!" - Tally "paalam talipandas! sabay naman tayo bukas ih! hehehe. pakopya ah!" - Kim "Deni bebe! babye.. kuya! careful sa pagdadrive ha! pagkayo naaksidente magagalit talaga ko sayo." - Cass see! ganyan sila kay Nicole.. Well! ganyan din naman sila/kami pahalagahan ni Nicole. Matagal na kaming nakarating sa malapit sa kanila pero hinayaan ko lang muna sya matulog.. pinagmasdan ko lang sya nakaharap na kasi sya sakin ngayon.. namumula pa din ung noo nya.. Nasabi ko na bang maganda sya? kung ou! pwes uulitin ko dahil talagang maganda sya. mula sa pilik matang mahaba, ung ilong nya sakto lang sa tangos, ung pisngi nya na chubby pero hindi naman sya mataba and of course her pinkish lips that can attract every man. Maraming asset ang babaeng to! kaya ang hirap magtiwala sa mga lalaking nakapaligid sa kanya.. Nicole has a pure and strong heart, she's beautiful inside and out.. walang tapon baga. Isa lang naisip ko ngayon! Walang duda! Mahal ko talaga tong babaeng to. Napangiti naman ako agad ng malungkot.. I wish it would last forever..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD