Chapter 12 M A L Z I A Naalimpungatan ako nang maramdaman kong nangawit ang aking balikat at braso. Uunat na sana ako nang mapatigil ako dahil sa mabigat na katawang nakapatong saakin kaya napadilat ako at biglang napabangon ang aking ulo. Bigla akong nakaramdam ng kuryente sa aking katawan nang mapagtantong nakadantay pala ako kay Vaughn at nakayakap. Hindi lang 'yun, nakahiga ako sakanyang braso habang nakayakap rin ito ng mahigpit at mahimbing na natutulog. Napapikit ako bigla nang mapansing tumatama ang sikat ng araw sa aking mata. Kaya dahan-dahan kong inialis ang kanyang braso at umalis mula sa kama. Mabuti na lamang at hindi ito nagising sa aking paggalaw kaya mabilis kong hinanap ang tsinelas at tumungo mula sa labas. Pagkalabas ko ay napaayos ako ng buhok nang mapansi