Chapter 17 M A L Z I A Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng pagkaihi. Babangon na sana ako nang maramdaman ko na may nakayakap sa aking bewang at nakadantay na binti sa aking hita. Napalingon ako at napansin kong mahimbing na natutulog si Vaughn. Napansin ko na nakadamit parin ako ng pang alis samantalang siya ay naka pajamas. Siguto ay dala ng kalasingan kagabi ay hindi ko na maalala kung ano nangyari. Malamang ay binuhat na naman ako nito papunta dito. Masyado nang nakagawian ni Vaughn na buhatin na lamang ako papuntang kama kesa gisingin ako. Baka ayaw lang nito maistorbo ako sa tulog. Napatitig muna ako sa maamo niyang mukha. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil sinong mag aakala na ang isang tao na sobrang kinaiinggitan ng lahat ay natutulog sa tabi ko ng mahimbig na pa