Chapter 22 M A L Z I A Naalimpungatan ako at nagising nang may maramdaman akong mahinang tapik sa aking braso. Unti-unti kong binuksan ang aking mata at bumungad saakin ang mukha ni Ms. Beth na may pagtataka ito sa mukha at habang ang mga kasambahay ay nakapalibot sa hinihigaan ko. Napaunat naman ako at agad napabangon. "Si Vaughn ba umuwi?"I asked habang papungas pungas pa ang aking mata at kinusot ko ito dahil sa tulog na aking ginawa. "Bakit?" Dagdag kong tanong dahil lahat ng atensyon nila ay nakapukol parin sa akin. Agad naman itong umiling. Maging si Ms. Beth ay pinigilan niyang magbigay ng ekspresyon upang hindi ako masyado madismaya pero gayunpaman ay napahinga ako ng malalim dahil sa pagkalumo at hindi mapigilang lungkot dahil sa hindi pag uwi ni Vaughn. "Madame, m