GOODBYE 2

1156 Words
KABANATA 10 GOODBYE 2 "Your lips are pale…" I licked my lower lip and bit it. But I know it won't come back to it's normal color. He crouches to kiss me. I kissed him back with the same intensity, with equal passion and love. "It didn't change. Umuwi na kaya tayo, baby?" Umiling ako ulit. "Dito lang tayo hanggang sa lumubog na ang araw. Alam mo ba, kasabay ng paglubog ng araw ay ang paggaan at pagkawala ng lahat ng hinanakit ko? Kaya kung tatanungin man ako, ito ang pangalawang pinakamagandang bagay para sa akin." "Ano naman ang una?" tanong nito. "Ikaw. Nangunguna si Yuan Harris Almirante. Ang nag-iisang lalaki sa buhay ni Devina Lalaine Almirante," sagot ko. Ngumiti ito nang sobrang lapad. Lumipas ang mga sandali at nagtititigan lang kami. Tila nag-uusap ang aming mga mata. Ang mga mata niyang punong-puno ng pagsusumamo, sakit, pangamba, at galit sa sarili. Hinigpitan ko ang kapit sa braso niyang nakayapos sa akin nang unti-unti akong napapapikit muli. "Y-Yuan... Inaantok ako." Nahimigan ko ang kanyang pagkakataranta. "Gusto mo bang kantahan pa kita para mawala ang antok mo?" Hindi na kailangan pang magpanggap ni Yuan sa akin. Alam kong alam na nito ang ibig kong sabihin. "Gusto kong matulog..." Nanghihina na ako. "S-Sige... Gigisingin kita mamaya ha? Baby, gigising ka ha?" Tumango ako at nginitian siya habang nakadungaw siya sa akin. Pumatak ang luha niya sa aking pisngi. Inabot ko ang kanyang pisngi at pinunasan ito. "Tapusin mo ang kanta…" I mouthed. "Oo tatapusin ko. I love you baby. I love everything about you, Devina. Tandaan mo 'yan palagi." I flashed another smile. That is the sweetest word. 'Yon lamang ang nais kong marinig bago lisanin ang mundong ito. "I love you, Yuan. I-I'll sleep now..." At unti-unti akong pumikit. Napakaganda ng sandali na iyon. Sa paglubog ng araw, huli kong nasilayan ang mukha ng taong minamahal ko. Ang taong pinangarap ko magmula nang siya'y makilala ko. Ang mala anghel niyang boses na humili sa akin sa pagtulog. Ang mga katagang binitawan niya na nagpagaan at tila hinaplos ang aking puso. Ang mga mata niyang nagsasabi na ako lang ang pinaka magandang bagay na nahawakan niya sa buong buhay niya. Ang labi at dila niyang kayang magsinungaling at ang puso niyang nagsasabi ng totoo niyang nararamdaman. Hinding-hindi ko makakalimutan. Pati ang mga braso at kamay niyang humahaplos sa katawan kong unti-unting naglalamig, nagpunas sa panghuling luha kong maiiiyak. Fate is now being fair, I guess. It let me dies in the arms of my favorite person. Fate is not that bad. It will always lead you to the right path, to the right person with the perfect time. Fate will always be right. Because that was God's plan. There's no perfect time, there's no perfect place, there's no perfect story, no perfect prince, no perfect princess... But if you believe in your fate, everything will be perfect for you. One day you'll wake up with strong faith in God. One day everything will be perfect for you. Never surrender, never give up. Everything is worth fighting and waiting for. But the only thing that you should never forget is to love anyone who value you. Cherish every moment with them before it's too late. I just learned that God's plan will always be better than ours. ~*~ "You deserve the chance. A-At the kind of lo-ve... I'm not sure if I am worth of... *sobs* Losing you is painful to me. I don't want to let you down... I don't want to lead you on.. i don't want to hold you back. From where you might belong... You would never ask me why, My heart is so disguised. I just can't live a lie anymore. I would rather hurt myself. Than to ever make you cry. There's nothing left to say, But good--bye..." Hindi matuloy-tuloy ni Yuan ang pagkanta. Humikbi ito habang niyayakap nang mas mahigpit ang katawan ng asawa niyang wala nang buhay. Pilit niya itong ginigising. Nagbabakasakaling baka ito'y tulog lang talaga. "By.. baby... Gising na uy. Uwi na tayo lumalamig n-na." Pero wala itong sagot. Hindi na rin ito humihinga. Hindi na rin tumitibok ang puso niya. Tanging nakangiting mga labi lamang ang nanatili. Sobrang pag-iyak ang ibinuhos ni Yuan. "By gumising ka... Baby, wake up. Gusto ko pang ulitin natin ang mga paraan para mas lalo tayong magmahalan. Gusto ko… gusto ko pang i-date ka sa iba't ibang lugar at alagaan kapag may lagnat." Para kay Yuan hindi na rin niya maramdaman ang pagtibok ng puso niya. Hindi na rin niya maramdaman ang pamamanhid ng katawan niya. Sa kabilang dako nandoon ang mama ni Yuan, ang mama ni Devina, si Farah, Voss, at ang nag-iisang tapat na doctor sa pamilya Valero at Guerrero, si Dr. Emely Sasha. Pare-parehong malungkot at naiiyak habang tinatanaw ang lalaking pilit inaalo at ginigising ang asawang wala nang buhay. Kanina pa nila nasasaksihan ang lahat. Ngunit walang nangahas na sumira sa sandali na iyon. "How can I stop this f*****g pain?" Parang may nagbara muli sa lalamunan ni Yuan. Tila ba ginigiba ang dibdib ni Yuan sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi niya kayang indahin ang sakit ngunit nagpakatatag ito. Hindi siya makahinga nang maayos at basa na ang pisngi dahil sa luhang hindi matigil-tigil sa pagbuhos. "Sa huli ba talaga ang pagsisisi?" tanong nito sa sarili. Ang puso niya'y parang pinipiga pa lalo. Ang kamay ay nanginginig. Mga luhang hindi mapigilan sa pagpatak. Mga masasakit na salitang inilalabas. Puno siya ng pagsisisi. Hindi niya man mailabas lahat ng hinanakit, pilit pa ring pinapatatag ang sarili. "Dev... Vina... My one and only Devina... Little Deviana, gising na." Napaiyak muli ito nang mapagtantong wala na itong buhay at hindi na muli pang gigising ang kanyang asawa. "Gigising pa rin naman akong katabi ka, hindi ba? Kakain akong kasabay ka. Maliligong kaakbay ka. Tatawa kasama ka. Tatanda kasama k-ka." Sa sandaling hindi na maramdaman ang kanyang sarili ay lumapit ang kanyang kaibigan upang gisingin siya sa katotohanan. "Yuan, tama na," alo ni Voss pero hindi natitinag si Yuan. "Magsisisi ako... masasaksihan mo diba?" patuloy na pagsasalita ni Yuan na wala sa sarili. "Yuan! Yu—" "Iwan niyo muna kami ng asawa ko. Natutulog pa siya." Muling nanikip ang dibdib ng bawat isa. At si Yuan ang umiinda ng matinding sakit na segu-segundo'y pinagsisisihan ang lahat ng kanyang nagawang kamalian. Napatakip sa bibig ang dalawang magbalae. Hindi maipaliwanag ni Farah ang kaniyang naramdaman nang marinig iyon mula kay Yuan. Pati ang dalaga ay hindi mapigil-pigil ang mga luha, marahan itong tumalikod at humikbi dahil sa pagluluksa. "YUAN PATAY NA SI DEVINA! WAKE UP, DUDE! NAWALA SIYA DAHIL SAYO. NAWALA SIYA SAYO KASI GAGO KA!" Ngunit tila walang naririnig si Yuan. Nakayakap lamang ito sa asawa. Kumakanta nang paulit-ulit habang umiiyak. Iniisip na baka ay panaginip lang ang lahat at maya-maya ay gigising siya katabi ng asawang walang kapares sa mundong ibabaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD