Chapter : Zero
Stop, drop
And drag me into a place
"Argh bitawan nyo ko! Mga walang hiya kayo!" Singhal ng babae habang hawak hawak siya ng dalawang middle-aged na lalaki, mayroon ding tatlong lalaki na naksunod sa kanila at meron ding dalawang lalaki sa unahan kaya wala siyang takas.
"Wag ka nang pumalag miss, ms pinapahirapan mo pa kami sa trabaho namin e. Ang baba na nga lang ng sweldo namin dito." Sagot ng lalaking nakahawak sa kaniya sa kanan.
"Ang gago mo Bogart, 'pag ikaw narinig ni boss baka itapon ka din sa bangin kasama si Badong." Saway naman ng lalaking nakahawak sa kaniya sa kaliwa.
Para naman hindi na makapagingay ang dalaga at para hindi na sila mahirapan ay binatukan na ito ng lalaki para mawalan ng malay.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na din sila sa isang malaking bahay at tsaka sila agarang pumasok.
Itinulak nila siya sa isang kwarto at doon nilock.
And lock all the fire escapes
I'll break your pretty face
"Please tulungan niyo ko!" Tulong! Tulong!" Patuloy na pagsigaw at pagkalabog niya sa pinto.
Bigla namang bumukas ang pinto dahilan para matumba siya sa sahig.
Biglang may pumasok na tatlong lalaki sa kwarto kaya naman sinubukan niyang dumaan sa bukas na pinto ngunit agad siyang hinawakan ng dalawang lalaki.
Ang isang lalaki naman ay umupo lang sa harapan ng kama habang pinapanood siyang nagmamakaawa.
"Itali niyo na 'yan at lagyan niyo na rin ng busal ang bibig niyan. Napaka ingay." Inis na sabi nito kaya naman mas lalong nagingay ang dalaga.
"Please po, maawa po kayo sakin! May sakit po ang nan-" Hindi na niya natuloy ang pagsasalita nang lagyan ng isang lalaki ang bibig niya ng tela.
Nang matapos sila ay umalis na sila at natira na lang ang lalaking kanina ay nakaupo at ngayon ay nakatayo na sa tabi niya.
"Ngayon, anong gusto mong unahing gamitin natin?" Tanong ng lalaki habang nakalahad ang kamay niya sa isang lamesa na puno ng mga laruan.
Oh you clever little things
"Now recite the parts of the machine gun, from top to bottom, clockwise!" Sigaw ng isang lalaki habang kaharap ang isang batang lalaki na nasa edad siyam.
"Cover, rear sight, carrying handle, barrel jacket, barrel, front sight, housing, flash hider, bipod, gas cylinder, trigger, pistol grip, operating rod, butt." Nagmamadaling sagot ng bata.
"Go to your shooting lessons now and, be in the dining room on time, or you're not going to eat dinner again, understood?"
"Yes sir!"
The sycophantic teens
"Again!"
"Again!"
"Again!"
"Argh, when will you do it right?!" Naiinis na sigaw ng lalaki.
"I'm sorry d-" Natigilan ang binata sa pagsasalita nang makaramdam siya ng isang malakas na sampal sa nakatatandang lalaki.
"You will never call me dad unless you perfect these things!" Sigaw nito bago umalis sa lugar at padabog na isinara ang pinto.
Lungkot man ang nararamdaman ng binata ngayon ay mas pinili niyang ipagpatuloy ang pagsasanay ng pamamaril dahil mas nananaig ang galit niya sa ama.
'One day I will be able to call you dad... and when that time comes, I'll make sure you're already dead.'
You get everything you want
"Mom can I have this car?" Tanong ng batang lalaki sa kaniyang ina habang tinuturo ang isang remote controlled na kotseng laruan.
"Of course baby, mommy will buy it for you alright?" Sagot naman ng kaniyang ina habang hinahaplos ang buhok nito.
"Yay! Thank you mommy, you're the best!" Maligalig na sigaw ng bata bago niyakap ang kaniyang ina.
And money always talks
To the i***t savants
"D-daddy where's mommy?" Tanong ng batang lalaki sa kaniyang ama habang nakatingin sa harap ng bahay nila na napapalibutan na ng mga pulis.
"Anak, I will explain to you later. Just rest for now." Saad ng kaniyang tatay bago siya pinapasok sa kotse at pinatulog sa loob.
-
Bored na nilalaro ng batang nasa onse anyos ang kaniyang RC Car nang itigil niya ito sa opisina ng kaniyang ama. Nilagyan niya kasi ito ng camera at mic kaya naririnig at nakikita niya ang mga nangyayari sa loob. Wala ding makakapansin sa kotse dahil tinanggal niya ang ingay nito.
"Sir nalinis na po namin ang crime scene, naglagay na din po kami sa mga opisyal na may hawak ng kaso niyo." Sambit ng isang lalaki na nakaharap sa lalaking nakaupo habang may babae namang nakakandong sa kaniya.
"May kaso si dad?! And who's that girl? Dalawang taon pa lang simula nang mamatay si mom, may bago na agad siya?" Mahinang turan ng bata habang pinapanood ang nangyayari sa opisina.
"Sige, ito na ang huling bayad ko sa inyo, salamat sa serbisyo ninyo." Sabi ng kaniyang ama habang nagabot ng isang attache case rito.
"Maraming salamat din po boss." Sagot naman ng lalaki bago ito kinuha at lumabas.
Iaalis na din sana ng bata ang kaniyang laruan nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang ama na hindi niya inaasahan.
"Sabi ko naman sayo, madali lang patayin ang asawa ko Lucy, So ano, dito ka na ba titira? Nagawa ko na ang pinapagawa mo." Iniharap ng bata ang kotse niya sa lamesa ng ama at nakita niyang hinahalikan nito ang leeg ng babae.
"Of course. Dito na ako titira sa bahay mo." Sagot naman nito bago sinunggaban ng halik sa labi ang lalaki.
"You'll pay for what you did to my mom, you demons..."
Now shut your dirty mouth
If I could burn this town
"Please lang wag mong gawin sakin 'to. Alam kong nagkamali akong ginalaw kita pati na rin ang iba pang mga batang babae noon pero pinagsisisihan ko na lahat ng iyon!" Pagmamakaawa ng lalaki habang nakatali sa isang kama.
"At bakit naman ako maniniwala sayo? Tsaka, 'diba mahilig ka sa mga laruan? Madami akong dinala para sayo. Anong gusto mong mauna?" Tanong ng babae habang nakalahad ang kamay niya sa isang lamesa na puno ng mga patalim.
"Hmm... alam ko na! Try natin'tong scalpel! Kunwari ako yung doctor tapos ooperahan kita." Parang batang turan nito bago kinuha ang scalpel mula sa lamesa.
"Nathalia, maawa ka sakin pl- ah!" Di na nakapagsalita ang lalaki nang maramdaman niya ang pagguhit ng matalim na bagay sa kaniyang tiyan. Nakita niyang kumuha na naman ito ng patalim bago ulit lumapit sa kaniya.
"Parang kagat lang 'to ng langgam, hindi ka masyadong masasaktan, promise." Itinapat na ng dalaga ang kaniyang kamay sa bandang puson ng lalaki at pinasadahan ito ng matalim na kutsilyo.
-
'BREAKING NEWS : Ang kinikilalang 'Most Notorious Rapist' at unang una sa listahan ng mga hinahanap na kriminal sa bansa ay natagpuang patay kaninang umaga sa loob mismo ng kaniyang bahay. Kaninang umaga sana balak hulihin ng mga pulis si Mr. Arcela nang natagpuan nila ito sa kaniyang kwarto na nakahiga sa kama. Lasog-lasog ang kaniyang buong katawan, halos hindi na nga raw nila ito makilala dahil sa sobrang lala ng sinapit nito. Tinutukoy pa nila kung sino ang may kagagawan ng krimen.'
I wouldn't hesitate to smile
While you suffocate and die
"Lumabas na po kayo! Masyado na pong makapal ang usok, iligtas niyo na ang sarili niyo! Kami na po ang bahalang magligtas sa tatay niyo!" Sabi ng isang katulong sa binata habang tinutulak siya palabas ng kanilang mansyon.
Wala namang nagawa ang binata kundi lumabas na lang. Wala din naman siyang pakialam sa kanila.
Nang makalabas siya ng mansyon ay nakakita siya ng mga ambulansya at mga firetruck. Agad siyang hinatak ng isang nurse para icheck kung may mga natamo ba siyang sugat. Nang malaman na nito na mayroong konti ay agad niya itong ginamot at hinayaan lang siyang maupo doon para i assist ang mga tao pa na lalabas.
Maya-maya pa ay umakyat ang binata sa puno at umupo sa isang sang nito.
Mula dito ay kitang kita niya ang kaniyang ama na kinakalampag ang glass door ng opisina nito.
Nakita siya nito kaya humingi agad ito ng tulong sa kaniya.
Ang binata naman ay nagkunwari na parang hindi niya ito naiintindihan kaya nagkibit balikat lang ito at ngumis.
Ilang sandali pa ay nabalot na ng usok ang opisina ng ama at hindi na niya ito nasilayan pa.
-
"Sir, what's your relationship with the deceased Mr. Mark Garcia?"
"He's my dad."
So bite your tongue
And choke yourself to sleep
"Shin anak, buti naman at binisita mo ulit ako dito." Mahinang saad ng matandang lalaking nakahiga sa kaniyang kama.
"Masaya akong makita kang muli anak ko." Naupo naman ang binata sa tabi ng kama nito.
"How long do you still plan on not telling me that you killed my mother?" Deretsahan at walang emosyong tanong nito sa kaniyang ama.
"A-anong sinasabi mo?"
"I knew for a long time now. Hinihintay kong sabihin mo sakin ang totoo but you failed me." Usal nito bago pinutol ang oxygen pipe ng ama.
"A-anak, ano b-bang ginag-gawa mo?" Nahihirapang turan ng kaniyang ama.
-
"M-mistress."
"What?"
"P-patay na po si Lord Zeus."