bc

A Bittersweet Revenge

book_age12+
142
FOLLOW
1K
READ
revenge
band
sweet
lighthearted
small town
enimies to lovers
Girlpower Revenge Writing Contest
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Pagkatapos ng isang taon na panliligaw at panunuyo ni Jayden kay Clarie ay ibinigay na rin ng babae ang matamis niyang oo. Handa na siyang yakapin ang relasyong matagal na niyang inaasam mula pa noong maging malapit sila ng binata. Everyday was so full of sweetness. Ngunit aksidenteng napakinggan ni Clarie ang pag-uusap ng kasintahan at mga kaibigan nito. Halos madurog ang puso niya sa mga nalaman. But she was not the type who will just stay put and see herself losing. Kung matamis na paraan ang ginamit ni Jayden sa pagkuha sa kanyang puso, sinisiguro ni Clarie na pinakamasakit ang paghihiganting ipalalasap niya sa nobyo. Pero nang sabihin ni niyang hindi na niya totoong mahal si Jayden ay hinamon siyang halikan ito. Bigla namang nagpanic ang buong pagkatao ni Clarie...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Jayden, be mine!” sigaw ng isang babae sa di-kalayuan na tinataas pa ang mga braso at winawasiwas ang mga kamay nito. “Ang cute talaga niya, sana wala pa siyang girlfriend.” “I also wish, kasi ang pogi-pogi niya talaga! Hunky korean ang dating niya for me.” Iyon ang ilan lang sa mga statements na naririnig ni Clarie malapit sa puwestong kinatatayuan niya. Kung napag-isipan lamang niya muna ang pagkumbinsi kay Jayden na tumugtog sa Night Ball nila ngayong gabi, siguro hindi siya makararamdam ng guilt. Ikaw ba naman ang magkaroon ng isang ma-appeal na chef at band icon na manliligaw hindi ka ba maiirita sa ibang mga babae na nagkakandarapa dito? Worst, pati kapwa lahi ng suitor niya hindi rin patatalo! But... yes, at last! After two months ng pangungulit ni Jayden mula noong bumalik ito sa Manalansan ay napapayag niya na rin si Clarie na ligawan niya ito. But of course, may consent pa rin iyon ng Tita Melly ni Clarie na may malaking tiwala sa kanilang dalawa. Even they were told to just enjoy the essence of courting, hindi ibig sabihin nito limitless na ang mga moves ni Jayden. Still, hindi pa rin mababali nito ang major priority ni Clarie, a college degree diploma first before a boyfriend for her heart’s thirst. “Relax!” ngiting sambit ni Jessie na pinisil pa ang braso ni Clarie dahil sa hindi maipintang mukha nito. “Feeling ko sasabog ka na dyan sa galit any moment eh! Takpan mo na lang kaya ‘yang mga tenga mo nang di mo marinig.” Or hilahin ko ang mga dila nila, tadtarin at durugin isa-isa. Tsaka ko ipupulbos sa naglalakihan nilang mata! Iyon ang nasabi ng isip niya na hindi naman tinalak pa ng bibig niya. Napairap na lang siya kay Jessie at iniwan na siya nitong mag-isa sa table nila. Sa iniinom na juice na lamang niya ibinuhos ang bad-trip na kanina niya pa nararamdaman. Mula nang nasa back stage habang naghahanda ang banda ay nakita na niya ang mga school mates niyang mga babae at beki na lumalapit at nakikipagkilala kay Jayden. Hindi niya naman masisi ang mga iyon dahil malakas talaga ang dating ni Jayden lalo pa’t marami na ang nakakakilala dito sa bayan ng Manalansan. Parang isang virus na kumalat nang minsan itong magtanghal sa piyesta at naimbitahan din sa Colser na kilala ring restaurant and bar sa lugar. Noong nakaraang mga buwan kinakaya naman niya ang fans nito pero nitong nakalipas na ilang linggo may inis na siyang naramdaman. Dahil minsan parang nagiging stalker na ng manliligaw niya ang ilan. Nakatanda na siya ng mga mukha mula sa mga iyon. At maging sa Colser Bar na pinagtatrabahuhan na nito ay nakikita niya rin ang mga pamilyar na mukhang iyon. Wala naman siyang ikinababahala dahil mga bagets o teenager lang naman iyon sa lugar nila. At minsan na nga siyang lumandi din kay Jayden para lang tumigil na ang mga iyon sa kapapantasya sa manliligaw niya. Ngunit iba ang sigaw ng crowd ngayong gabi. Three girls lang ang mga narinig niya na nahahalina kay Jayden, paano pa kaya ang iba pang nasa kabilang side ng gym ng school? Sa gawing unahan at likuran? At sa mga sulok-sulok dako roon? Anu-ano na kaya ang mga sinisigaw, sinasabi, o mga iniisip nila sa kaisa-isang napakaguwapong lalaking kasalukuyang pinagpipiyestahan sa gitna ng stage? Okay lang naman sana kaya lang... ang lalaki ding iyon ang minamahal na niya. Hindi na kakayanin ni Clarie kung lahat ng mga iyon ay maririnig pa ng nagpapanting na niyang mga tenga. Hindi pa man niya na-eenjoy ang kasalukuyang itinutugtog ng Colser Sirens, hindi niya namalayang natapos na pala iyon. Naging sweet swing music na ang inuumpisahang tugtugin, Sway by Bic Runga. Napalingon siya nang marinig niyang boses babae na ang kumakanta, si Gail. Sina Gail, Mak, at Paul ang kasama ni Jayden na bumuo ng Colser Sirens. Sila ang original and permanent band group sa Colser Restaurant and Bar sa kabilang bayan. At sila rin ang kinuha ng school para tumugtog sa Night Ball nila ngayong gabi. Nilinga-linga ni Clarie ang buong stage dahil nagtaka siya nang hindi na mahagilap ng mga mata niya si Jayden. Sandali lang siyang hindi tumuon sa lalaki ay kaagad na itong nawala sa paningin niya. Pakiramdam din niya’y binantayan niya lang yata si Jayden sa buong event ng party. “Ako b’ang hinahanap mo, Miss." Ang mga salitang iyon pakiramdam niya’y dikit na dikit sa kanang tainga niya. Sa pamilyar na reaksyon ng katawan niya, isang lalaki lang naman ang nagdudulot ng ganoong sensasyon sa kanyang buong sistema. Pinili niyang hindi muna lingunin kaagad ang nagsalitang si Jayden dahil panigurado na kapag nilingon niya ito ay mahahalikan siya nito. Maaaring sa pisngi at maaari ding sa mismong mga labi. It depends on how degree she would rotate her neck just to face him. Pero mukhang kakailangin niya pa yata ng protractor upang i-sakto lang sa parteng gusto niyang mahalikan siya nito. At hindi iyon sa pisngi. Instead, she’d slightly forward and slowly turned her head facing him. “Wow!” hangang nasabi na lang ni Jayden pag-harap ni Clarie. “Pinag-iisipan mo na talaga ang mga moves mo ah, Clareng!” “Syempre dapat alerto lalo kung katulad mo ‘yung umaaligid-aligid,” ngiting sagot ni Clarie. Totoo na lahat ng mga ikinikilos niya ay talagang pinag-iisipan niya na. Lalo kung si Jayden ang nasa tabi niya. Minsan kasi mukhang nakakalimutan ng lalaki na nanliligaw pa lang ito. Kung kumilos akala’y pagmamay-ari na niya si Clarie. Same with Clarie, minsa’y nakakalimot din sa kondisyones nilang dalawa ni Jayden. “Tara gorgeous, sayaw naman tayo,” yaya ni Jayden sabay hawak sa kanang kamay ni Clarie. Medyo nagulat si Clarie na may compliment pa itong sinabi. Iyon din ang madalas itawag nito sa kanya. At hindi rin nakaligtas sa paningin niya nang mapansin niyang nakatingin din sa kanya ang dalawang babaeng nahumaling kay Jayden kanina lang. Hindi na siya nag-paligoy pa at kaagad na niyang tinanggap ang anyaya nito. Maipamukha niya man lang sa mga babaeng iyon at sa iba pa na siya na ang magmamay-ari kay Jayden. Malapit na malapit na iyon, kaunting pagtitimpi at pagkontrol na lang. “Eh, kenkoy naman ‘yang sayaw mo!” natatawang sabi ni Clarie sa kasayaw dahil biro-biro lang ang pag-indak nito sa kinakanta pa rin ni Gail na Sway. “Kung ginagaya mo kaya ako, edi se-sexy ka din! Routine ko ‘to every morning eh para mas mapansin mo ‘ko,” pagtawa ring sabi ni Jayden. Hindi pa rin mapigilan ni Clarie ang pagtawa dahil natatawa talaga siya sa ginagawang pagsayaw ni Jayden. Parang galaw lang ng tambay na walang magawa kung isabay nito ang baywang at mga paa sa pagkembot. Sa pakaliwa’t kanan ng balakang ay kasabay rin ang mga kamay nitong parang may hinahawakang invisible na maracas. “Nice groove Jayden,” pansin ni Jessie na tumatawa rin malapit sa kanila at may kasayaw na rin na isang engineering student na kakilala nila ni Clarie. Natapos ang Sway na hawak pa rin ni Clarie ang tiyan sa kakahagikgik. Ngunit bigla na lang siyang nagulat nang kuhain ni Jayden ang mga kamay niyang iyon at ipinatong sa magkabilang balikat nito. Matapos, naramdaman na lang niyang uminit ang magkabilang baywang niya. Hindi na niya kailangan pang silipin kung ano at bakit niya naramdaman iyon. Sa sinalang na isang recorded slow love song, I Could Not Ask For More, ay sapat ng paliwanag. “’Wag mong sabihing kenkoy pa rin ‘to?,” nasabi ni Jayden na nangingiti. “Ito na talaga ang kanta at sayaw na bagay para sa’tin.” “Paano mo naman nasabi?” alangan niyang tanong dahil bahagya siyang naging awkward sa posisyon nila. Halos kalahating dangkal na lang din kasi ang pagitan ng mukha ni Jayden sa mukha niya. “Feel ko lang, And I could not ask for more,” saliw ni Jayden na hindi natinag ang mga mata kay Clarie. Kaya’t lalong hindi naging komportable si Clarie sa mga titig na iyon. “Bagay na bagay ang puting dress sa’yo ha, gorgeous.” Nagpasalamat naman siya dito. Ang akala niya’y hindi na nito mapapansin ang suot niya. Iyon din kasi ang papuri ng mga kasama niya sa bahay at ng mga kakilala niya sa school. At kung hindi siya pinansin ni Jayden sa suot, ay magtatampo talaga siya dito. Dahil ang totoo pinaghandaan niya ang plain tube mini dress niyang iyon para lamang talaga kay Jayden. Pakiramdam ni Clarie bumalik siya sa prom noong nasa high school. Ang kaibahan nga lang, mga kaibigang lalaki ang nakakasayaw niya. Pero ngayon, si Jayden ang kasaliw niya. Ang lalaking hindi lang naging ultimate enemy niya sa una nilang pagkikita nang bastusin nito ang katawan niya, her hero and a friend noong kailanganin niya ito nang nalagay siya sa peligro gawa ng dalawang lasing na lalaking kumaladkad sa kanya, but he has been her enthusiastic suitor also na in every moment nate-tempt siyang yakapin ito. Makalipas lang ang ilang buwan malaki na rin ang ipinagbago sa mga muscles nito. “Nangingiti ka dyan? Kinikilig ka ba?” takang tanong naman ni Jayden nang mapansin niyang nangingiti si Clarie. Super! Up to the bones. “Hindi ah!” irap at pag-nguso niya. “Ito lang? Kilig-kilig na? Baka ikaw ang kinikilig diyan.” “Hindi rin no!” pagtaray din na tanggi ni Jayden. Napakunot noo naman si Clarie sa sagot na iyon ni Jayden. Ngunit ngumiti naman bigla ang loko. “Hindi lang kilig. Super kilig, up to the bones!” biglang banat nito pero napansin nito kaagad ang pagka-tulala ni Clarie. “Bakit? May problema ba sa sinabi ko?” “Ha? Ah, wa-wala. Hindi ka naman nakakabasa ng isip di ba?” “Yun ba ‘yung... nasa isip mo?” pagtatanong nito sa kanya at matiim siyang pinagmamasdan. Unti-unting nilalapit ang titig sa mukha ng dalaga. “Super kilig ka up to the bones?” Umiwas naman kaagad si Clarie ng tingin dahil bigla siyang nahiya sa kausap. Kasabay ang sunod-sunod na mabilis na pagtibok ng dibdib. Akala niya makakayanan na niya ang mga ganoong kalapit na titig ni Jayden pero hindi pa rin pala. Kailan niya ba makakayanang kontrolin ang sariling nararamdaman sa tuwing si Jayden ang nakakaharap at nakakasama niya? “Wala akong ganoong powers Clareng! Nakakabasa ng isip ng isang tao? Parang si Edward Cullen? Hindi ako ganun. Magaling lang talaga akong manghuli! Lalo na pagdating sa mga tinatago ng utak mo,” paliwanang naman ni Jayden na halata niyang nagloloko lang. “Yabang talaga,” tipid niya lang na naisagot. Kung hindi lang kita gusto, matagal na kitang binas- At hindi na nga na-ituloy pa ni Clarie ang minamaktol ng isip. Gaya nga ng nasabi ni Jayden, baka mahuli at mabuking na naman siya nito. Hindi lang naman ito ang unang beses na nahulaan o masasabing nalaman ni Jayden ang laman ng isipan niya. Minsan na rin nitong nalaman ang panaginip niya na kahit kailan hindi niya ma-iimagine na dadaan sa dream land na pagmamay-ari niya lang. She had a dream of him kissing her passionately at nang magising nga siya matapos ang mga pag-tanggi niyang ginagawa sa panaginip na iyon, ay nangyari din sa reality ang eksenang iyon. Hindi naman din niya expected na nag-dream talk siya at narinig pa iyon ni Jayden. She can’t imagined that her word of “Ayoko” she had told in the dream and in after waking on that dream, ay ang mga magiging patunay ni Jayden sa assumption nitong pinagpapantasyahan niya ito sa panaginip. That was so embarrassing, although that kind of kiss in her dream never happened because of Pam-Pam’s intrude, her younger cousin. Hindi alam ni Clarie kung magandang bagay ba na nalalaman ni Jayden ang mga nasa utak niya o dapat lang na kabahan siya? Kung magaling nga itong manghuli dahil sa mga ekspresyong pinapakita niya hindi na niya maitatago dito ang mga feelings na dapat ay hindi muna nito malaman. Mahirap na dahil baka mag-assume na naman si Jayden kaagad at mahirapan na si Clarie na kontrolin pa ang sarili. Pero, hindi na niya nais na patagalin pa. Mas tumitindi lang ang pagseselos at ang uncontrollable feelings habang pinapatagal niya ang panunuyo ni Jayden sa kanya. Next week ay graduation na kaya alam niyang pwede na niyang patigilin si Jayden sa paghihirap nito. Alam rin naman niya na nakatupad na siya sa pangako sa sarili at pamilya. Kahit mahirap at may kirot na pinagsabay niya ang pag-aaral at pagkontrol sa damdamin para kay Jayden, ay very proud siyang nalagpasan niya iyon. For her, that achievement can’t be compared to any battles na kinaharap niya since nangulila siya sa kanyang ina ilang taon na ang lumipas dahil sa isang aksidente. Wala siyang ibang kinalaban kundi ang pinakamahirap na kakompetensiya sa lahat ng oras, ang mismong sarili. Kinalaban ang sariling hiya, takot, at maging temptasyon. At ngayon, oras na para pagbigyan ang nakaraang taon pang hinihiling ng kanyang puso. “Jayden,” sambit niya habang hindi pa rin sila natitinag sa dancing area ng gym. “’Yung tungkol.. sa ginagawa mo..”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
542.9K
bc

OBSESSION WITH THE SISTER-Tagalog

read
211.9K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
263.0K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
483.2K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Luscious Pain - SPG (Book 1 of Adam's Desire Series)

read
1.1M
bc

THE SADIST (A BXB Story)

read
57.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook