15. FIRST DAY OF SCHOOL

1833 Words

✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ MAAGA akong gumising kinabukasan kahit walang alarm, para maghanda ng almusal ni Xyrus. Alas quatro pa lang nang madaling araw ay gising na ako. Sanay ang katawan ko sa maagang gising dahil gano’n ang nakasanayan ko sa kulungan, at kahit noon pang bata ako. Kahit walang alarm, nagigising talaga ako nang maaga. Sa tingin ko nga ay mas nauna pa akong magising sa kaniya ngayon dahil tahimik pa sa kwarto niya nang madaanan ko iyon. Sabagay, sinadya kong maging maaga para pagkatapos kong magluto, may time pa akong magpahinga saglit bago maligo at gumayak. Ngayon kasi ang unang araw ko sa klase. Simpleng almusal lang ang niluto ko. Sunny egg at embutido. 'Tsaka ko isinangag ang natirang kanin kagabi para hindi sayang. Ipinainit ko rin ang sinigang na adobo, just in case gu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD