✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ NAKATITIG ako sa tatlong mga mamahalin na bag na nasa ibabaw ng kama ko, nasa loob pa ‘yon ng paper bag, hindi ko mailabas-labas dahil natatakot akong hawakan. Mahal ‘yon. Baka masira ko at magasgasan. Binili ‘yon ni Xyrus kanina nang yayain niya ako sa mall after namin umalis sa school. Ayoko sana. Ilang beses akong tumanggi, nasa sasakyan pa lang kami ay nagtatalo na kami dahil hindi ko naman kailangan ng bag. Okay pa naman kasi itong backpack ko. Pero since asawa niya raw ako rito sa school, hindi raw puwede na mukhang pinabayaan niya ako dahil luma ang bag ko. At dahil sobra akong nahihiya sa halaga ng bawat isang bag, sinabi ko sa kaniya na babayaran ko iyon sa pamamagitan nang unti-unti niyang pagbawas sa suweldo ko. Kapag hindi ko kasi ‘yon binayaran sa kaniya