Agad kong itinaas ang isang paa ko, ngunit mabilis ko ring pinagalaw ang mga daliri ko sa aking paa upang pindotin ang maliit na button sa loob ng sapatos ko. Hanggang sa walang babala kong niyapakan ang isang paa ng lalaki. Ramdam ko ang pagbaon ng maliit na patalim na nang-galing sa ilalim ng suot kong sapatos. Kaya naman dahil sa aking ginawa ay biglang lumuwag ang taling nasa leeg ko. AGAD kong hinila ang tali para tuluyang maalis sa aking leeg. At nang matanggal ko na ay mabilis akong umikot papunta sa likuran ng lalaki at sa leeg niya inilagay ko ang tali. ‘’Ano’ng pakiramdam ng may tali sa leeg, ha? Hayop ka…!” galit na mura ko, na sana mahinang tinig. Baka kasi marinig ako ni Engineer. “B-Bitawan mo ako---’’ nauutal na anas nito sa akin. Ngunit ngumisi lamang ako rito. Bigla