TAXI

1028 Words
KASALUKUYAN akong papalabas ng kabahayan nang biglang mag-ingay ang aking cellphone, dali-dali ko naman itong kinuha upang alamin kung sino ang tumatawag sa akin. “Aria, na saan ka na ba, ha?!” Halos ilayo ko sa aking tainga ang cellphone ko dahil sa lakas ng sigaw ni Mona, mula sa kabilang linya. “On the way, na ako,” sagot ko na lamang dito upang hindi ako kulitin nang kulitin. Tuwang-tuwa naman si Mona nang marinig ang sinabi ko. Agad din naman itong nagpaalam sa akin at sinasabing hihintayin daw niya ako sa labas ng bahay nila. Iiling-iling na lamang ako habang tinatago ko ang aking cellphone. Hanggang sa muli akong naglakad papalabas ng kabahayan. Hindi na ako nagdala ng sasakyan at balak ko na lamang mag-taxi papunta sa bahay ni Mona. Birthday nito ngayon at talagang inaaraw-araw akong tawagan ng babaeng ‘yun para lang kulitin upang pumunta sa kaarawan nito. Hindi tuloy ako makatanggi rito lalo at baka magtampo ito sa akin. Napapangiti na lamang ako na lumabas ng gate. Mayamaya pa’y may tumimpil na taxi sa aking harap at agad akong sumakay papasok sa loob. Sinabi ko rin sa driver na kung saan ako bababa. Hanggang sa bigla akong napahinga ng malalim at nahilot ko rin ang aking noo nang biglang pumasok sa utak ko ang aking Mommy. Ganitong araw rin ‘yun, nang mangyari ang aksidente sa amin, sampung taon na rin ang nakakalipas. Edad disi-otso lamang ako nang mga napanahong ‘yun. Papunta sana kami noon sa bahay ng pinsan kong si Zach Fuentebella. Ngunit, hindi kami nakarating dahil nabangga ng isang malaking truck ang kotseng sinasakyan namin. At para mailigtas ako ay ang katawan ni Mommy ang iniharang sa akin kaya ito ang napuruhan imbes na ako. Namatay si Mommy kasama ng driver namin. Ang kakalungkot lang ay isang buwan pa lang mula ng mamatay ang daddy ko, dahil naman sa pagkakabaril rito ng isang lalaking holdaper. Para akong binagsak ng langit at lupa ng mga panahong ‘yun. Ngunit malaki rin ang pasasalamat ko sa pamilya ng pinsan kong si Zach Fuentebella, dahil hindi nila ako pinabayaan. Hanggang isang araw ay aloking ako ni Zach na kung gusto kong maging secret weapon ng bansa, lalo at criminology naman ang aking course na kinukuha. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang alok ng pinsan ko. Masasabi kong pagdating sa training ay sobrang hirap. Ngunit nalampasan ko naman ‘yun dahil sa tulong na rin ni Kuya Zach. Hindi pa rin ako pinabayaan ng Panginoon ng mga panahong iniwan ako ng mga magulang ko. Siguro nga'y may dahilan ang lahat ng mga nangyari sa akin o sadyang maaga lang kinuha ni God sina mommy at daddy. Sa ngayon ay edad dalawampu’t walong taong gulang na ako, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong asawa, kahit nga nobyo ay wala o mas tamang sabihin na kahit minsan ay hindi pa ako nagkakaroon ng kasintahan. Hindi na rin naman ako umaasa na magkakaroon ako ng asawa, dahil na rin sa trabaho ko. Marahas tulong akong buntonghininga. Hanggang sa bigla akong napatingin sa driver ng taxi na sinasakyan ko para kasing nakatingin ito sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng sapantahan, nahuli ko itong nakatingin sa aking sa itaas ng mirror. Kahit nakasuot ito ng salamin sa mga mata at ganoon din ang face mask ay alam kong ako ang tinitingnan nito. Umiwas lamang ito ng tingin nang mahuli ko siya. Kung ‘di ako nagkakamali ay bata pa ito at edad dalawampu’t limang taong gulang lamang. Mukha nga itong hindi driver ng taxi. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo, dahil kung ano-ano ang pumapasok sa aking utak. Mayamaya pa’y huminto na ang taxi, tumingin ako sa labas ng bintana at nakita kong nandito na kami sa tapat ng bahay ni Mona. Agad ko namang binuklat ang aking bag na dala-dala upang kumuha ng pera. Pagkatapos ay ibinigay ko sa driver ng taxi. Nagulat pa nga ako ng pati kamay ko ay hinawakan nito, baka hindi lang nito sinasadya. Dali-dali tuloy akong lumabas ng taxi nito at walang lingon-lingon na humakbang papasok sa gate na bukas. “Aria!” bulalas ka agad sa akin ni Mona nang makita ako at dali-dali itong lumapit sa akin at niyakap ako. Agad ko namang nikuha ang maliit na box sa aking bag upang ibigay rito. “Happy birthday, Mona,” pagbati ko sa babae. “Salamat dito sa regalo mo sa akin, Aria. Halikana sa loob nang makakain na tayo.” “Marami mo yatang bisita, ah?” “Kaunti lang, ikaw ang pinaka mahalaga kong bisita, Aria.” Natatawa na lamang ako rito hanggang sa tuluyan kaming pumasok sa loob ng bahay. Agad naman akong binigyan ng pagkain at talagang asikasong-asikaso ako ng kaibigan ko. Nang matapos akong kumain ay nagyaya naman si Mona na uminom daw muna kami ng alak, hindi ko naman ito matanggihan kaya no choice ako kundi sumang-ayon dito. Bandang alas-otso ng gabi at medyo lasing na rin ako kaya naman nagdesisyon na akong magpaalam sa aking kaibigan. Halos ayaw nga akong payagan na umalis at ang gusto ay sa kanila na lang matulog ngayon gabi. Ngunit mas gusto kong matulog sa aking bahay, kaya nagpumilit akong umuwi. Hinatid niya ako hanggang sa labas ng gate. Mayamaya pa’y may humintong taxi sa harap namin. At agad akong pinapasok ni Mona sa loob ng sasakyan. Kina-usap pa nga nito ang taxi driver na ingatan daw ako at hinatid sa aking address. Hindi ko namang narinig ang sagot ng driver kaya pinagsawalang bahala ko na lamang ‘yun. Mayamaya pa’y naramdaman kong tumakbo ng ang taxi. “Kuya driver, gisingin mo ako kapag dumating na tayo sa address ng bahay ko, ha.” “Okay,” maikling sagot sa aking ng driver. Medyo nagtataka ako sa sagot nito. Ngunit hindi ko na lamang ‘yun binigyan ng pansin. Hindi pa ako halos nakakatulog ng maamoy ko ang kakaibang pabango. Parang bigla akong nahilo lalo at malapit lamang ‘yun sa aking ilong. Mayamaya pa’y tuluyan na akong nilamon ng kadiliman at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa buong paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD