Nakangiwing sumunod ako sa babae. Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng puno kangkong dahil sa kahihiyang pangalan ko. Bigla ko tuloy nabatukan ang batok ko. My Gosh! Malay ko bang si Engineer Palmar ang aking misyon o ang magiging amo ko. Kung alam ko sana na ito ang babantayan ko'y pinaganda ko sana ang aking pangalan. Hindi ‘yung ganitong pangalan na --- Taruray u***g? Parang ayaw ko nang banggitin sa totoo lang. Marahas na lamang akong nagbuntonghininga. Hanggang sa sumunod na ako kay Mrs. Sapie. Umupo ito sa sofa, may kinuha rin itong brown envelope. “Nandito ang mga schedule mo sa araw-araw, Nurse u***g. Hayaan mong babihin ko sa ‘yo,” anas sa akin ni Mrs. Sapie. “Sige po, Mrs. Sapie,” magalang na sagot ko rito. At naupo na rin sa katapatang sofa. “Nurse Taruray u***g, ka