KANINA pa napapansin ni Phoenix na parang sinusundan at binabantayan siya ni Damon kahit na anong gawin niya at kahit saan siya magpunta. Magmula noong sabay-sabay silang kumain hanggang sa simulan niyang gawin ang kanyang trabaho. Lagi rin niya itong nahuhuling nakatingin sa kanya at kaunti na lang ay iisipin niyang pinag-iisipan siya nito ng masama. Iyon lang ang naiisip niyang rason kung bakit laging nakasunod at nakabantay sa kanya ang binata. Baka hindi pa niya nakukuha ang tiwala ni Damon at iniisip nito na baka magnakaw siya. Pero bakit niya ako hinahayaang maglabas-masok sa silid niya? Nag-o-overthink ka lang, Phoenix. Masyado ka lang nagpapaapekto sa guwapong nilalang na umaaligid sa 'yo. Huwag mo na lang siyang pansinin. Masungit siya, masama ang ugali niya. Iyon ang lagi mong